Chapter 22 - Cambridge

17.3K 531 9
                                    

(POV Maia)

As expected, lolo found out that there are three students who died due to drug overdose. Even though I assured him that there is nothing questionable about their deaths, he is decided to transfer me to a university in England.

"Are you sure iiwan mo na talaga ako at hindi mo ipaglalaban ang pag-iibigan natin?" nakakalokong tanong ni Jared sa akin nang nasa airport na ako as he imprisoned me in his arms.

"Kailangan natin ng space, Jared. It is not you, it is me," nakangiti kong sagot sa kanya.

Though magkaibigan lang kami at madami siya iba ibang girlfriends, this demon king still treats me special. Siguro dahil ako lang ang babaeng may alam na demon king siya aside sa kapatid niya.

"Wala ba man lang akong pabaon na kiss? Remember boyfriend mo ko sa harap ng lolo mo. Baka gusto mong maging sweet sa akin kahit once?"

I put my hands around his neck. Mukhang nagulat si Jared sa ginawa ko, pero ngumiti lang siya.

"Let us keep in touch. Babalitaan kita kapag may bago na akong boyfriend," bulong ko sa kanya sabay halik ko sa pisngi niya.

"Siguraduhin mo na pasado sa demon king ang ipapalit mo sa akin. Gusto ko mas gwapo, mas matalino at mas mayaman kaysa sa akin. That is if you can find a man who can take my place."

Sa loob ng almost dalawang taon, naging kaibigan ko ang demon king at ang kanyang witch priestess sister kaya malungkot ako na lilisanin ang Pilipinas. Ipinagpatuloy ko ang kalahati ng semester ko sa abroad.

I am studying Psychological and Behavioural Sciences dahil na rin sa kalagayan ni mommy. I am not sure kung psychological disorder ba ang cause ng delusions niya or related sa isang supernatural na being.

Habang nasa England ako, madalas ko kausap si Maddie and Jared. They are both investigating about the killer black smoke, pero walang kahit anong balita.

I am currently staying sa isang three bedroom apartment owned by the university. Kasama ko ang British Filipino na si Chester at ang Chinese Filipino na si Harlene.

"Di ka ba babalik dito sa Pilipinas?" tanong ni Jared habang nasa video call kami sa living room gamit ang laptop ko.

"Since bakasyon na, next week pupunta na ko sa Greece para bisitahin si mommy. Baka hindi muna ko makauwi diyan ngayon dahil si lolo mag-uundergo ng surgery dito sa UK."

"Maia..."

"What?"

"Who the fuck is that half naked guy in your kitchen?" inis na tanong ni Jared nang makita niya si Chester sa background. He is only wearing towel dahil kapapaligo lang niya.

"Di ba nasabi ko na sayo? I have two housemates."

"Exactly! Housemates! He's wearing almost nothing. Hindi ba niya alam na may babae siya kasama diyan?"

"Sus! Wag mo pansinin yun, ganyan talaga yan. Madalas naka boxers lang yan. Sanay na kami ni Harlene sa kanya. He looks yummy naman kaya okay lang."

"What the fuck? Yummy?"

"Bakit ganyan ka maka react? Boyfriend kita? Hoy, alam ko kung ilan ang naging jowa mo simula ng umalis ako. Maddie told me kung ilang babae ang naka short time relationship mo sa loob ng isang semester."

"Psssh! Paki sabi dyan sa housemate mo, magbihis ng decent na damit or babasagin ko yung mukha niya kapag nagkita kami."

Buti na lang at naka headset ako kaya hindi naririnig ni Chester ang sinasabi ni Jared. Minsan, intentional kong pinagseselos si Jared kasi parang siyang isang overprotective boyfriend pero mukhang kaibigan lang talaga ang turing niya sa akin.

"Are you going to join me papuntang Greece? Di ba last year sumama ka sa akin? Hopefully, gising na si mommy."

"Bakit hindi mo isama sa Greece yung yummy mo na housemate?"

"Nagseselos ka ba Jared?"

"Ako nagseselos? Psssh! Busy ko this semester break. Magbabakasyon ako kasama ng mga yummy girls!" inis na sabi ni Jared sabay disconnect call.

Tignan mo tong gagong to! Di daw nagseselos eh kulang na lang mag-apoy ang buong katawan sa galit! 

Ang Boyfriend Kong Demon King (Soon To Be Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon