(POV Maddie)
Maia's grandfather agreed na sa amin mag stay ang apo niya and Jared does not need to compel him anymore. Sa Beijing ang heardquarters ng business ng lolo niya at he is thankful na may makakasama si Maia habang wala siya.
"What do you mean gagabihin ka bukas? Di ba sinabi ko wag ka na umattend ng Halloween party na yan?" inis na sabi ni Cole habang nagluluto kami ni Maia ng dinner.
"Saglit lang naman, sunduin mo ko kahit bago mag midnight."
"Jared, did you agree to this?" tanong ni Cole sa kapatid ko na nasa harap ng television.
"I already said no, pero kilala mo naman siguro ang kakambal ko. Kapag ginusto niya, gagawin niya," nakangiting sabi ni Jared sabay wink sa akin. Alam ko na gustong pumunta ni Jared sa Halloween party kaya mabilis siyang umagree sa akin.
"Baka sabihin mo, gusto mo din sumama dahil madaming chicks na naka sexy halloween costume. Jared, hanggang ten lang kayo ni Julia," Cole said with warning.
"Yes, boss!" sagot ni Jared sabay salute kay Cole.
"Sino siya? Pinsan mo? Ang sexy parang si Channing Tatum," bulong ni Maia pagkaakyat ni Cole sa kwarto niya.
"Assistant siya ng daddy ko, ampon ng lolo ko. Parang pamilya na turing namin sa kanya, but we are not blood related."
"Siya ba si Cole Garcia? Siya ba yung tinali mo sa kama pero ayaw ka patulan kahit naghubad ka na sa harap niya?" bulong ni Maia sa akin, pero huli na ang lahat para patahimikin ko pa siya dahil alam ko na narinig na ng kapatid ko ang binulong ni Maia.
"Is it true? Did you seduce Cole using your body but he rejected you?" natatawang tanong ni Jared na mabilis na nakalapit sa amin sa kitchen.
"Kailan ka pa naging chismoso? Shooo! Dun ka na nga, nag-uusap kami ni Maia."
"Useless na magbulungan kayo kasi naririnig ko din kayong dalawa sa malayo. Tell me, Maddie. How did he reject you? I bet he told you he's getting married."
"Sabi niya, may girlfriend siyang iba. I felt stupid because I am already half naked in front of him and yet he still rejected me."
"Wow, that man knows how to master self control. Would you like me to compel him to fall in love with you?"
Umiling lang ako dahil nirerespeto ko ang decision ni Cole. Kung may mahal siyang iba, I will let him go. And I know my brother, he is just teasing me but he will not do such thing.
The next day, umattend kami ng Halloween party sa university na ginanap sa basketball court gymnasium. Jared is wearing the classy Tuxedo Mask costume. Si Maia naman ay naka suot ng Panda onesie na costume, while I decided to wear a Wonder Woman costume na nagpataas ng kilay ng ilan sa mga senior at junior students.
Puno ng ingay ang gymnasium dahil sa mga club music pero naririnig ko pa din ang pag-aaway ni Maia at ni Jared.
"Sana man lang isang sexy Halloween costume sinuot mo! Ano ka, preschool?"
"Excuse me, ang cute kaya ng panda costume ko. Sobrang comfortable pa!"
"Kung alam ko lang na ganyan ang suot mo, sana hindi ikaw ang ginawa kong kadate ngayong gabi. I look stylish, unlike you."
"Hoy Tuxedo Mask, dapat nga sungay na lang ang costume mo kasi demon king ka!"
"Next year, horns lang talaga ang costume ko saka boxer shorts. What do you think?"
"Eeeww! Ano ka macho dancer?"
"Wag na nga, baka pagkaguluhan pa ko ng mga chicks at mamamatay ka sa selos."
"Kadire ka! Bakit ako magseselos sayo!"
Iniwan ko lang si Maia at si Jared na nag-aaway about sa costume nila. Few students approached me and asked me to dance pero I politely declined them because only one man caught my attention.
"Akala ko ba ten mo pa ko susunduin?" tanong ko kay Cole na nasa entrance ng gymnasium.
"Wala naman ako gagawin sa bahay, babantayan na lang kita dito."
"Do you want to dance?"
"I am too old for this shit, Julia. Enjoy yourself. Let me know kung gusto mo na umuwi and please, wag ka uminom ng madami. Ayokong iuwi ka ng lasing," galit na sabi ni Cole sabay kuha ng hawak kong beer in can. Inubos niya ito para wala nang matira para sa akin.
Iniwan ko si Cole at niyaya sa dance floor ang isang senior student na kanina pa nakatingin sa akin. I danced as if I own the night, but my eyes are still locked with Cole. I can feel that he's fuming with anger. Hindi siya natutuwa sa mga sexy dance moves ko sa harap ng kapartner ko.
Nag-eenjoy pa ako sa pang-aasar ko kay Cole nang biglang may tumili sa di kalayuan. I thought it is part of the party pero nasundan pa ito ng pangalawa at pangatlong tili. Kahit nakakabingi ang music sa gymnasium, alam ko narinig ito ni Jared dahil nagkatinginan kaming dalawa. Cole also sensed that there is something wrong kaya mabilis niya akong nilapitan sa dance floor.
"Anong nangyari?" nag-aalalang tanong ni Cole sa akin sabay hila sa akin palayo sa partner ko.
"I heard a scream. Tatlong mag kakaibang sigaw parang galing sa tatlong magkakaibang babae. Jared, narinig mo din ba?" tanong ko kay Jared na nakalapit na sa akin at hila hila niya ang panda niya na si Maia.
"Yep, I heard it. Cole, coordinate with the school security team. I will try to locate kung saan nagmula ang sigaw. Maddie, stay with Maia. Wag mong bibitawan ang panda bear ko."
Mabilis na umalis si Cole at Jared. With Jared's lightning speed, he can easily locate kung may students na nasa peligro.
"Maddie, can you tell me exactly what happened?" nag-aalalang tanong ni Maia na nagtataka sa mga pangyayari.
"Nakarinig kami ng tatlong sigaw. It is like they are terrified of something. Sigurado ko hindi yun sound effects na part ng Halloween party."
"Wala naman ako narinig. Kahit ang mga classmates natin mukhang walang narinig. Tuloy pa rin ang sila sa party party."
"May supersonic hearing kami ni Jared. We inherited it from our father. Sigurado ako sa narinig ko."
"Maddie, kinakabahan ako kapag seryoso si Jared."
"Andito kaming magkapatid para sayo, Maia. Di ka namin pababayaan."
Tumango lang siya sa akin. In less than a minute, bumalik na si Jared. Wala na ang mask na tumatakip sa mata niya.
"Party is over girls. We will soon go home," sabi ni Jared sabay hawak sa kamay ni Maia.
"What have you found out?"
"Three dead girls. Their heart was taken out from their chest na parang isang animal attack. I am calling Lolo Rusty now."
Kung dati ay heart attacks lang ang cause of death, ngayon these killings escalated quickly.
BINABASA MO ANG
Ang Boyfriend Kong Demon King (Soon To Be Published)
Mystery / ThrillerBook 3 of ABK Trilogy ♥ Jared Mason Elizalde is the reigning the demon king. But even the demon king himself is unable to solve the mystery behind the unusual deaths that is surrounding us... Join us as we solve this mysterious puzzle that will chan...