Chapter 42 - Causeway

15.6K 455 5
                                    

(POV Reichel)


Akala ko noon, kapag nawala ang demonic heart ni Sage ay magiging normal na ang lahat sa aming mag asawa dahil mawawala ng tuluyan ang aming kapangyarihan. Pero di ko inaasahan na buntis na pala ako noon kay Jared at Maddison. They inherited our powers kaya nagpatuloy ang bloodline ng Punong Babaylan at Lakan sa aming mga anak.

Hindi ko din inaasahan ang pagdating ni Mason, ang ikatlo sa aming kambal. It seems that Sage's demonic power created a Mason. He is like a soul without a physical body.

Itinago namin ito kay Uncle Syl at kay Lena, pero minabuti namin na sabihin ito kay Raviael. He may have an idea kung anong klaseng nilalang si Mason.

Pinuntahan namin si Raviael sa Northern Ireland noon kung saan sila naninirahan ni Phoebe. Sabi ni Rave, ang Giant's Causeway na isang tourist attraction sa Northern Ireland ang gateway papunta sa heaven. Kahit tao na siya ngayon, he felt closer to heaven kapag andito siya malapit sa lugar na ito.



"Like a black smoke? How can that be possible?" tanong ni Raviael sa amin ni Sage.

"We don't know Raviael kaya sayo kami lumapit ni Sage. Sa totoo lang, natakot kami ni Sage noong unang nagpakita ito sa amin, pero it is a tame and mild entity. We can feel that it is really attached to us. It appeared to us several times as if nakikipaglaro or nakikipag-usap," paliwanag ko kay Rave.

"Rei is right. He named himself Mason after our son Jared Mason. I can feel it deep within me that he is a part of me, like he is our child. Is it possible that the essence of the demon king is concentrated with Mason? Is it possible na may pangatlo kaming anak ni Rei?"

"If both of you can feel the connection to this being, it is highly possible that you have a third offspring. Your body and soul will not betray you. Kung anak niyo siya, both of you will surely know it."

"Rave, siguro nga anak namin si Mason, pero bakit para siyang black smoke? Bakit wala siyang physical body unlike Maddie and Jared?" tanong ko kay Raviael.

"Bago kami bumaba sa lupa, all of the guardians are spirit like beings, parang entities without any physical body. Nag materialized lang ang katawan namin ni Lilith nang una kami bumaba dito sa mundo. Mason may have the qualities of a guardian dahil sa powers namin ni Lilith na naibahagi sa inyo."

"What do you think we should do? So far, hindi naman niya ginagambala ang mga kambal at mukhang nag-eenjoy pa siyang kasama kami," tanong ni Sage.

"Sage, Reichel, you must be very careful in dealing with this entity. If the power of demon king is also within him, show him love and care para hindi mag take over ang dark side niya," sabi ni Raviael.



"Okay ka lang ba? Kanina ka pa nakatulala sa dagat ah?" tanong ni Sage sa akin na nagpabalik ng diwa ko.

Pareho kami nakatanaw sa palubog na araw sa kanluran. Matagal na din kami andito sa island. I think almost ten years na din ang lumipas sa mundo ng mga tao.

"I am fine, naalala ko lang ang sabi ni Rave noon about kay Mason. He needs love and care. Nang mawala tayo sa piling niya, naging masama siyang nilalang at natutong kumuha ng buhay. Ang tangi natin consolation ay hindi sinasaktan ni Mason ang kambal, pero natatakot ako sa pwede pang mangyari."

"Do you think Maddie will summon us? Necromancy is dangerous," nag-aalalang sabi ni Sage.

We saw the videos of Maddie and Jared talking to Rave about necromancy. Hindi rin lingid sa amin ang mga nagaganap na pagpatay sa mundo ng tao at dahil yun kay Mason.

"Your daughter is very stubborn and she's running out of options. Sooner or later, she will cast a powerful spell to summon us. She's desperate and hihingin niya ang tulong natin. Sage, I want to help them. Alam ko na natatakot sila pareho."

"But how can we help them? We are basically stuck here in The Gap. Wala tayong physical body."

"Sage, kailangan natin makarating sa mundo ng mga tao. Mason needs to feel us so we can calm his killing intent."

"Babe, I know and I want to help the kids too, but we can't possess any human body as it will be dangerous to their soul," Sage said as he cupped my face.

"I am not talking about possessing a human body," nakangiti kong sagot kay Sage.

"What? No way! I know what exactly you are thinking."

"Come on, Sage. It would be fun! Sabi mo nga exciting di ba?"

"You are out of your mind. That is not possible. Maddison does not have to power to transfer us to... Arghhhh... You are crazy!"

"Di ba sabi mo noon, isa akong aso sa previous life ko? If you will not do it, I am willing to do it, kahit ako lang. Iiwan muna kita habang nasa mundo ako ng tao. It is up to Maddison to find a way."

"Bakit ko ba pinakasalan ang isang baliw na babaeng tulad mo?" inis na sabi ni Sage sabay yakap sa akin.

"Uhmmm, kasi love mo ko?"

"And since I love you so much, sasama ko sa kalokohan na gusto mo."

Ang Boyfriend Kong Demon King (Soon To Be Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon