Chapter 49 - Desert Nymph

15.9K 429 5
                                    

(POV Reichel)

After a few days in the world of humans, bumalik kami ni Sage sa island kung saan kami naninirahan.

Napag-alaman namin ni Sage na kapag nasa black smoke form si Mason, he is mostly in hibernation period. Ito rin siguro ang dahilan kung bakit hindi siya madalas noon magpakita sa amin.


"Do you think Mason is happy right now?" tanong ko kay Sage habang naglalakad kami sa beach.

"He knows that we care for him at dahil na rin sa pagtanggap ng dalawa niyang kapatid, I am certain that he is happy."

"Abraxas and Alastair will have a hard time ruling the demon world. Malaking percentage pa ng demons ang sumusunod kay Jared. Do you think tapos na ang papel natin sa mundo ng mga tao?"

"I don't know want to know the answer," natatawang sagot ni Sage na bigla ako binuhat sa balikat niya.


Tumakbo siya papunta sa dulo wooden port at tumalon. Pareho kaming lumubog sa ilalim ng tubig. Dahil mataas ang araw, I can clearly see his smiling face sa ilalim ng tubig. He quickly cupped my face and kissed me even if we are under water. The same passionate kiss from my husband. The same tender kiss noong vampire pa siya noon.


"Anong sabi mo? Magagawa ko na lahat ng gusto ko kapag bumalik tayo dito?" tanong ni Sage na naghahabol ng hininga.

"Excuse me? Wala akong sinabi na ganyan?" natatawa kong sabi sabay lagay ng kamay ko sa batok niya.

"Mukhang wala naman si Hades, baka naka vacation mode. We can do it here in the middle of the sea, under the afternoon sun," sabi ni Sage na unti unting hinahalikan ang leeg ko. 


He is slowly removing his shirt and I can't help but to admire his beautiful body.


"Sage..."

"Yes babe?" tanong niya as he continuously kiss my neck and shoulders.

"Sage... We got company..." bulong ko sa kanya sabay bahagyang tulak sa kanya.


Pagtalikod ni Sage, nakita niya kung sino ang tinutukoy ko. It was the boatman na tinawag namin na Charon dahil hindi namin alam ang name niya.


"I guess we have work to do," sabi ni Sage na hinila ako papunta sa wooden port. He is half naked at di ko alam kung mas mafofocus ako sa paparating na creepy boatman o sa magandang katawan ng asawa ko.


Sumakay kami sa boat dahil alam namin na may pupuntahan kaming ibang lugar. Isang lugar na wala sa mundo ng mga tao, probably sa underworld.

Within a few minutes, we crossed the invisible veil at nagsimulang maging dark and gray ang buong paligid. Ang araw ay naging bloody red moon at ang tubig ay naging pitch black. Ilang minuto na din kami nasa bangka nang mag stopped si Charon sa isang lugar na puno ng buhangin.


"Anong gagawin natin dito? Para tayong nasa gitna ng Sahara desert sand dunes ah?" tanong ko kay Sage habang tinitignan namin ang paligid. Walang kahit anong puno or plants. Isang malawak na disyerto lang ang nakikita namin.

"We should ask them," nakangiting sabi ni Sage.


Napansin ko na lang na may tatlong babae na mahaba ang buhok na papalapit sa amin at naglalakad sa kalagitnaan ng malawak na buhangin. Madilim ang buong paligid kaya di ko maaninag ang hitsura nila.

Nang malapit na ang tatlong babae, saka ko narealize kung bakit nakangiti si Sage. Ang mahaba nilang buhok ang tanging tumatakip sa kanilang dibdib at sa ibaba na bahagi ng kanilang katawan.


"Kaya pala abot tenga ang ngiti mo, walang saplot ang mga babaeng yan," inis na sabi ko kay Sage sabay kurot sa braso niya.

"Aray naman. Kasalanan ko ba na lumitaw na sila?" nakangiti niyang sagot sa akin.

"Oo, kasalanan mo kasi nag-eenjoy ka sa nakikita mo! Takpan mo nga ang mata mo!"

"What if they will say something important?"

"Wala akong pakialam, basta pumikit ka! Baka gusto mo lagyan ko pa ng buhangin ang mata mo para pumikit ka lang?"

"Masyado ka naman seryoso. Di ko papatulan yan, malay ko ba kung mga desert nymphs yan at dalhin ako kung saan. Alam mo naman na ikaw lang ang babe ko di ba?" sagot ni Sage sabay talikod sa paparating na babae.


Nang makalapit ang tatlong babae sa amin, biglang hinawakan ako ng isang babae sa mukha at hinalikan ang aking mga labi. Sa gulat ko, naitulak ko siya. Ang dalawang babae naman ay umiikot kay Sage at hinahaplos ang kanyang bare naked chest.

"Hoy hoy excuse me! Anong ginagawa niyo sa asawa ko?" sabi ko sabay tulak sa isang babae na lumalapit kay Sage. Tinanggal ko naman ang kamay ng isang babae na hinahawakan ang dibdib ni Sage.


"What if they are sending us a message? They are probably telling us what to do next," nakangiting sagot ni Sage na natutuwa sa mga nangyayari.

"Message mo mukha mo!" inis kong sigaw kay Sage, pero ang mga babaeng disyerto na ito ay decided na akitin si Sage.

"What do you think they are doing, Rei?"

"Hindi ko alam at hindi ako natutuwa. Hoy ikaw babaeng harot, umalis ka dyan sa tabi ng asawa ko! Ikaw din, wala ka saplot, wag ka lalapit sa kanya! Shooo!" taboy ko sa mga babae.


Hindi nila mapigilan ang sarili na haplusin ang katawan ni Sage. Yung isang babae naman, mukhang ako ang type dahil hinahawakan niya ko sa braso as if inaakit ako. Pero di ko sila mapigilan tatlo ng sabay sabay kaya inipon ko ang lakas ko at nilabas ang Angelus sword.


"Hindi ba talaga kayo titigil sa ginagawa niyo? Gusto niyo bang gilitan ko ang mga leeg niyo?" sabay tutok ko ng Angelus sa kanila at mabilis naman silang lumayo kay Sage.

"Babe, you are being a bit barbaric," nakangiting sabi ni Sage na nag-eenjoy sa frustrations ko.

"A bit barbaric ha? Kapag pinutol ko ba yang pet mo gamit ang Angelus, a bit barbaric pa ba tawag dun?" inis kong sabi sa kanya kasi hindi man lang siya nag-eeffort na pigilan ang mga babae.

"Wag ganun, babe. Maawa ka sa pet ko. Alam mo naman loyal ang pet ko sayo," sabi ni Sage sabay labas ng Angelus niya, pero di ko inaasahan na gagamitin niya ito sa isa sa mga hubad na babae.


Mabilis itong naglaho at naging sand. Using his Angelus, he also slashed the two nude women and they also turned into fine sands.


"Siguro naman, safe na ang pet ko?" sabi ni Sage na hinawakan ang kamay ko.

"Safe for now. Ulitin mo uli yang kalokohan mo, dadalin ko sa afterlife ang pet mo."

Ang Boyfriend Kong Demon King (Soon To Be Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon