Chapter 81 - Flyer

14.2K 398 16
                                    

(POV Maddie)

Umalis si Jared at Maia papuntang Jamaica. I don't know kung bakit sila pupunta doon, but Cole told me that it is probably important. I trust my brother, kaya hindi na ko nagtanong.

"Bakit di ginamit ni Jared ang private plane?" tanong sa akin ni Cole habang naglalakad kami sa tabing beach.

"Baka daw gamitin natin kaya nag commercial airplane na lang sila. Since they are using Lolo Rusty's budget, sigurado naman ako na nasa first or business class sila. Si Jared pa, maarte yun."

"Sabi ni Jared, he thinks that we are looking for one or two more riddles bago natin makilala si Nameless. Anong tingin mo ang mangyayari sa atin?"

"Hindi ko alam, Cole. Mukhang may mga hidden plans si Jared kaya palagi sila umaalis ni Maia. I don't even know how to help him. Ikaw? Ano tingin mo mangyayari sayo? Magpapakasal ka na ba after natin matapos ang problema kay Nameless?" tanong ko kay Cole, pero bigla siyang tumigil sa paglalakad.

He looked at me as if he is guilty at may ginawa siya mabigat na kasalanan. I want to hug him right now, pero he might reject me again.

"Julia Maddison, if I will ask you to marry me, will you even consider it?"

"You are so funny. Kahit saan simbahan Cole, papakasalan kita, but alam ko naman na nakatakda ka na sa iba di ba?" natatawa kong sagot sa kanya, but he looks very serious.

Anong trip nitong lalaking ito? He will ask me to marry him out of nowhere kahit engaged na siya?

"Is that a yes, Julia Maddison?"

"Ha? Anong yes ang sinasabi mo?"

"Are you saying yes to my wedding proposal?"

"Your wedding proposal? What the hell are you talking about Cole? Wag mo nga ko biruin, madali ako mabola."

"Will you marry me? Just say yes or no?"

"Of course it is a yes, pero di ba..."

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko at hinawakan ni Cole ang braso ko. Hinila niya ako papunta sa main road. Pumara siya ng isang taxi at mabilis naman kami pumasok sa loob ng sasakyan. I want to ask for more, pero may kausap na siya sa phone. He is talking to several people about some wedding.

What the fuck! Is he serious? Pinagtitripan ba nila ko ni Jared?

Bumaba kami sa isang bridal boutique at he asked me to pick any simple wedding dress. There are several ready to wear dresses and shoes. Yung pinaka simple na knee high dress lang ang pinili ko dahil hindi ko sigurado kung ano talaga ang balak ni Cole.

"Are you ready?" nakangiting tanong ni Cole sabay bukas ng sasakyan para sa akin.

"Cole, saan ba tayo pupunta? Bakit ka naka tuxedo?"

"Julia, di ba sabi mo papakasalan mo ko? Umaatras ka na ba?" tanong niya as he motioned me to get inside the car.

"As in now na?"

"Gusto mo ba bukas pa?" he teased me before giving me a tulip bouquet.

Akala ko ba engage na si Cole sa iba? Bakit kami ang magpapakasal?

Anong ba talagang pumasok sa utak ng lalaking ito? Aatras ba ko knowing na ito ang pinangarap ko noon pa?

Ang Boyfriend Kong Demon King (Soon To Be Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon