Chapter 12 - Shelter

20.1K 577 17
                                    

(POV Maia)

Mabilis lang naligo si Jared at isang matahimik na breakfast ang nangyari sa amin dalawa. Si Maddie naman ay mukhang tulog pa dahil sa dami ng nainom na alak. Mabilis lang ako naghilamos at nagpalit ng damit.

"Maia, do you have a dog?" tanong niya habang papasok kami sa kotse ko.

"I have three sable colored Shetland Sheepdogs. Kulay light gold at dark mahogany ang fur nila at sobrang glossy. Kamukha sila ni Lassie na Collie dog, pero mas maliit ng bahagya."

"I know what Shetland Sheepdogs are. Nagtanong lang ako kung may aso ka, masyado ka na excited agad magkwento."

"Tsk! Saan ba tayo pupunta?"

Pero di ako sinagot ni Jared at tahimik lang na nagdrive. Pumunta kami sa isang malayong town sa Rizal na malapit na sa bundok at lake. Di ko na napansin na nakatulog na din pala ako sa byahe.

"Maia, wake up. Andito na tayo. Para kang mantika kung matulog," natatawang sabi ni Jared bago lumabas ng kotse.

Nasa parking lot kami ng isang malaking compound. Maraming nakapaligid na puno at presko ang hangin.

"Dito ka ba nagwowork?" tanong ko nang pumasok kami sa isang two storey building.

Binati si Jared ng ilang lalaki at babae na mukhang dito din nagtratrabaho. Surprisingly, mabait ang demon king sa kanila. Nakikipagbiruan at kinakamusta pa niya ang mga tauhan dito sa compound.

"Every Saturday, buong araw ako andito para magtrabaho," sabi ni Jared nang pumasok kami sa isang maliit na office.

"Nag-oopisina ka dito sa probinsya?"

"Something like that," nakangiti niyang sabi sabay hubad ng jacket at shirt niya. Nagpalit siya ng isang plain fitted gray shirt.

"Pwede next time, wag ka sa harap ko maghuhubad?"

"Binibigyan kita ng remembrance para may iisipin ka mamayang gabi bago ka matulog."

"Di ba sinabi ko na sayo na hindi kita type?"

"You are not a good liar, Maia," natatawa niyang sabi sabay hila sa akin palabas ng office building.

Sa likod ng office, andoon ang malawak na taniman ng mangga at avocado. Hindi ko matanaw ang dulo ng compound sa sobrang lawak. Para kaming nasa isang malawak na hacienda na malapit sa bundok.

Taga ani ba ng prutas si Jared? Taga dilig ba siya ng mga puno?

Habang naglalakad kami, I noticed na may ilang aso na nagtatakbuhan sa malayo. Sa malayong parte ng compound, natanaw ko din na may iba pang aso.

"Bakit ang daming aso dito?" tanong ko nang lumapit ang dalawang asong askal sa amin.

"This is my mother's dog shelter foundation. She's crazy about dogs and before she died, she ensured na magkakaroon ng tahanan ang mga homeless dogs."

"Ikaw ba nagmamanage nito?" tanong ko habang hinahaplos ang ulo ng dalawang puting askal na aso na may light brown eyes. Meron silang bone shaped name tag na may nakalagay na Isaiah at Jeremiah.

"Kami ni Maddie nagmamanage nitong shelter pero every Saturday, ako ang personal na nagpapaligo sa ibang aso. As of the moment, we have a total of eighty eight dogs."

"Boss game na ba?"

Isang boses ng babae ang umecho sa walkie talkie radio ni Jared.

"Andito na si Isaiah at Jeremiah, let us start with them. Dalin mo na din yung mga gamit," sagot ni Jared sa kanyang radio transceiver.

"May pangalan ba lahat ng aso dito?"

"Yes, most of their names are from the books in the Bible. Some names are characters in the Bible. Isaiah and Jeremiah are my personal favorite. Look at their eyes, it is as if they know what you are thinking."

Tinignan ko ang dalawang asong askal. Jared is right, they looked at me as if they can see my soul.

Aso ba talaga ang mga to? Why do I feel na hindi sila normal na aso?

Bago pa ko makasagot, napansin ko na may isang babae at tatlong lalake na papalapit sa amin. Sinimulan nilang lagyan ng leash at paliguan ang mga aso sa isang cemented part ng compound kung saan maraming outdoor faucet.

"Boss, anong gusto mong lunch?" malambing na tanong ng babae habang binoblower ang aso sa di kalayuan.

"Kahit ano, basta wag mo kakalimutan ang avocado ko."

"Roger that!"

Dahil andun na din ako, tinulungan ko na si Jared na magpaligo sa mga aso. Si Jared at yung isang lalake ang taga sabon, yung isa taga banlaw, yung isa taga punas ng basang katawan at yung babae naman ang taga blower.

May dumating pa na dalawang medyo may edad na lalake at may hawak na apat pang aso. Napaka organize nila dahil may taga sulat pa kung sinong aso na ang napaliguan. Enjoy naman ako kahit nabasa na ang pants at tshirt ko.

Almost lunch time na kami natapos at nagpapahinga kami ni Jared sa isang bench sa ilalim ng punong mangga.

"Anong name nung girlalu na tumatawag sayo na boss?" tanong ko sa kanya habang nakapikit.

"Angelica, anak siya ng isa sa mga tauhan dito. Why are you asking?"

"I just noticed na mukhang type ka niya. She's always blushing kapag kinakausap mo siya."

"Ano pa ba ineexpect mo? I am breathtakingly handsome. Normal lang sa mga babae na hangaan ako."

"Kaya pala ang daming babaeng aso na lumalapit sayo dito at mukhang kakilala mo silang lahat."

"Kami ni Maddie ang nag pangalan sa kanila. I remember all of their names kahit di ko tignan ang dog tags nila. This man beside you has an extraordinary talent aside from good looks. Aware ka naman siguro kung gaano ko ka intelligent di ba?" tanong ni Jared sabay akbay sa akin.

I am aware that Jared is an exemplary student. According sa rumors, he has an eidetic memory or photographic memory.

"Jared, may bagyo ba ngayon? Bakit mukhang ang hangin dito?"

"Wala ka talagang bilib sa akin. I can even compel the reigning Miss Universe to kiss my feet," bulong niya sa tenga ko.

I can feel his breath on my ears. Sigurado ako, konti na lang at dadampi na ang labi niya sa akin.

"Napaka hangin talaga dito! Bakit di man lang nag-inform ang PAG-ASA na may signal number four na typhoon ngayon? Nilalamig ka ba? It is so fucking cold here."

"Wala kang kwentang kausap. You won't even agree to your master," naiinis niyang sabi sabay hila sa akin papunta sa office building.

I just smiled when I remembered what he said. He knows na weakness ko ang mga aso. He knows na attracted ako sa lalaki na may malasakit sa aso.

After niya ko dalin dito sa dog shelter foundation, I guess I will need to be more convincing kapag sasabihin ko sa kanya na hindi ko siya type...

Ang Boyfriend Kong Demon King (Soon To Be Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon