Chapter 41 - Hobby

14.9K 416 3
                                    

(POV Sage)


Rei is right. This island has a different concept of time. Though we have been staying in this island for only a few weeks, Jared and Maddie are already grown up teenagers as if taon ang lumipas sa mundo ng mga tao.

"Your son, may bago ata siyang hobby bukod sa pakikipag basagan ng mukha," sabi ni Rei habang nanunuod kami ng television.

Both Jared and Maddie are now in highschool. They are having difficulty adjusting lalo na ngayon at lumalakas ang kapangyarihan ng Lakan at Punong Babaylan sa kanila.

"Anong hobby ni Jared?"

"Hobby niya na mag collect na mga babae. This girl, pang ilang girlfriend na ito ni Jared simula nang mag high school siya?" tanong ni Rei habang kumakain ng kamote.

Dapat di na kami nakakaranas ng gutom sa afterlife, pero ang asawa ko ay sadyang PG ata. May hunger pa din na nararamdaman at past time niya ang kumain. Nagsimula siyang mag farmville sa likuran ng bahay namin para may kainin siyang pagkain.

Ang mysterious fridge namin ay nagkakaroon ng laman kapag naubos na namin ang pagkain. It does not make sense na nagugutom pa din kami, pero dahil past time namin ni Rei ang kumain noon kaya siguro pinagkaloob sa amin ang ganitong simple delights.

"That's his twenty second girlfriend or short time friend," sagot ko sa kanya because I know all of the girls that were involved with Jared.

"He looks like you, Sage. Kaso maputi si Jared, nagmana siguro siya sa mama Rose ko. Pero yung pagka babaero niya, malamang galing sayo."

"I have numerous girlfriends after ako gisingin ni Rusty. Alam mo na, I was having the vampire time of my life pero nung dumating ka, ikaw lang. Ikaw lang babe, wala ng iba."

"Gusto mo na naman ba umiscore sa akin kaya mo sinasabi yan?"

"Sino kaya ang nagyaya sa akin mag night swimming sa beach nung isang gabi ng walang saplot? Night swimming daw, gusto lang pala ko pagsamantalahan sa dagat," nakakaloko kong sabi sa kanya sabay halik sa tenga niya. Kahit hanggang ngayon, I am so fond of annoying and seducing my wife.

"Nilalandi mo na naman ako. Alam mo ba na nilalandi ng anak mong babae yung assistant mo na si Cole?"

"Malaki respeto sa akin ni Cole dahil parang anak anakan na siya ni Rusty. Di niya papatulan si Maddie. Pwede siguro kapag malaki na si Maddie, pero sa ngayon, I trust that man at alam ko na hindi niya gagawan ng masama ang anak natin," sagot ko habang patuloy pa rin siya hinahalikan sa leeg.

"Wala naman ako problema kay Cole. Sa totoo lang, kung magkakaroon ng lalaki si Maddie sa buhay niya, I want it to be Cole. He knows about our supernatural world at alam ko na concern na siya sa mga bata noon pa."

"Good, I like that boy noon pa. I will be secured kung siya ang mapapang-asawa ni Maddie someday."

"Teka, wait Sage. Tignan mo yung nasa TV!"

Napatingin ako sa sinasabi ni Rei. A few minutes ago, we are watching several events sa buhay ni Jared at Maddie habang nasa high school sila, but this time, they are already college students. As usual, may mga kasapakan na naman si Jared and he compelled most of the students to forget what happened, but something weird just happened.

"Sage, your son's compulsion is not working on that girl."

"Yes, I think so too. Sigurado ako, papahirapan ni Jared ang babaeng yan kapag nalaman niya na hindi gumagana ang compulsion niya sa kanya."

"What do you mean papahirapan?"

"He will make her suffer, parang source of entertainment. Gagawing laruan at utusan. And she has no choice but to do everything for Jared. I know it because I will be doing the exact same thing if I am in his place."

"Sage, hindi gumana ang vampiric compulsion mo sa akin noon. Kaya mo ba ko ginawang girlfriend mo para maging source of entertainment mo? Tsk! Ginawa mo pa kong walking dessert noon."

"I was a powerful vampire and to think that there is someone na hindi tinatablan ng power ko, it made me more furious and curious. And hindi ko nasabi sayo ito noon, but when I first saw you, I was so much attracted to your blood. But I also felt angry dahil kasama mo si Silawin noon na akala ko boyfriend mo. It is like I felt that you should be mine alone," sabi ko sa kanya as I cupped her face.

"I am yours, Sage. I am all yours. Sa mundo ng mga tao, even sa afterlife, I will always be yours," she answered before she kissed my lips.

Ang Boyfriend Kong Demon King (Soon To Be Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon