Chapter 5 - French Bulldog

21.8K 613 2
                                    

(POV Maia)

Nakakahinga lang ako ng maluwag kapag may dates si Jared Mason sa mga chicks niya...


"Maia, may date ako mamaya after class," sabi ni Jared na biglang lumitaw sa tabi ko habang pabalik ako sa classroom.

"Hay salamat. Makakauwi ako ng maaga."

"Bakit ka nagpapasalamat? Gagawin kitang driver sa date ko. Si Piah yung kadate ko mamaya. I don't think I can drive properly if I am with her. If you know what I mean," nakakaloko niyang sabi sa akin.

"Bastos mo talaga. Idadamay mo pa yung kotse ko sa pagka horny mo!"

"Please wear a disguise. Ayokong malaman niya na ikaw ang driver ko," sabi ni Jared sabay tapik ng ulo na parang aso bago ko iwan.


Kilala ko si Piah, she's my classmate at isa sa pinaka magandang mukha sa university pero alam ko din na napaka raming lalaki ang nakapila sa kanya. Isang bitchera na every month ata ay nagpapalit ng boyfriend. Babaeng version ata ito ni Jared kaya bagay na bagay silang dalawa.

Bago matapos ang klase, nakasuot na ko ng black jacket with hoodie at tinago ko na ang buhok ko sa loob ng black cap. Alam ko na di masyado effective ang disguise ko, pero mas okay na to kaysa makilala ako ni Piah.

Ilang saglit pa ay dumating si Jared at si Piah na pumasok sa kotse ko. Obvious naman na di na nila mapigilan magtukaan bago pa sila pumasok sa sasakyan.


"May chaperone tayo?" inis na tanong ni Piah habang nasa likuran ng kotse.

"Driver lang, baby. Saan mo gusto pumunta? Gusto mo ba kumain sa labas?"

"Jared, gusto ko pumunta sa bahay niyo. I want to see your room," pabebe na sabi ni Piah.


I want to see your room ka dyan! Baka I want you to F me in your room! Tsk! Landi talaga nitong babaeng to!


"Negative yan baby. Let us go somewhere else. How about your house?"

"Andoon ang daddy ko ngayon, Jared. May bagong bukas na restaurant, yung malapit sa seaside. Dun na lang tayo mag dinner. Malakas ang hangin doon, pwede mo ko yakapin," kinikilig na sabi ni Piah na unti unting hinahalikan ang leeg ni Jared.

"Good idea. Mister Driver, you heard that right?" sabi ni Jared sa akin na inuutusan na akong mag drive.


Nagsimula kong paandarin ang sasakyan. Kahit ayokong tignan si Jared, hindi maiwasan ng mga mata ko na tumingin sa rear mirror. As expected, they are kissing each other as if walang bukas, pero di ko inaasahan na magtatama ang paningin namin ni Jared sa salamin. He winked at me while he is kissing his prey na parang nang-aasar pa.


Ang kapal ng mukha nitong demon king na to! Pinapakita pa sa akin ang pakikipag make out sa date niya!


Nang malapit na kami sa parking lot ng restaurant, di ko inaasahan na biglang may tumawid na isang maliit na aso sa daan. Wala tuloy ako choice kundi mag preno agad dahil muntik ko na mahagip ang aso.


"What the fuck! Ayusin mo nga ang pagdridrive mo! Bobo ka ba?" sigaw ni Piah sa akin dahil sumubsob siya sa lakas ng preno ko. Di ko siya pinansin at mabilis na lumabas ng kotse dahil sa pag-aalala sa aso.

"Hey, doggie. Bakit ka bigla bigla tumatawid? Asan ang owner mo?"


Binuhat ko ang aso na mukhang isang white French Bulldog. Mukhang nasira ang leash niya kaya siguro biglang nakawala. Wala naman gasgas at safe naman ang aso.

Hay salamat, akala ko na hurt ko ang doggee!

Dahil na rin sa lakas ng hangin sa tabing dagat, biglang natanggal ang hoodie at cap ko. Bumagsak tuloy ang mahaba kong buhok. Hahabulin ko sana yung cap ko pero biglang nasalo ito ng isang batang lalake na tumatakbo palapit sa akin. Malamang ito din ang owner ng aso dahil hawak pa niya yung naputol na leash. Nagpasalamat naman ang bata sa akin nang binigay ko sa kanya ang aso niya.


Pagbalik ko sasakyan, nasa labas na si Jared at si Piah. She looks furious nang makilala niya kung sino ang driver nila ni Jared. Si Jared naman ay nasa mukha ang amusement. 


"Maia Saavedra? Ikaw ang driver namin?" taas kilay niyang tanong sa akin.

"Excuse me, hindi niyo ko driver. Pinapasakay ko lang kayo sa sasakyan ko kasi walang pera yang si Jared."

"Sasakyan mo? Jared, bakit andito si Maia? Bakit siya ang driver mo?"

"Uhmmm... She's my... Slave... Anyway, don't mind her, Piah. Let's go," natatawang sabi ni Jared sabay hila kay Piah papunta sa restaurant.


Inaasahan ko na maghihintay ako ng isa o dalawang oras sa parking lot, pero di ko akalain na dadating agad si Jared after ng ilang minuto.


"Let's go home, love," sabi niya pagpasok sa sasakyan. Umupo siya sa front seat at tumabi sa akin.

"Anong nangyari sa date mo? Akala ko ba mag didinner kayo?"

"Nagalit sa akin dahil ikaw daw ang driver ko. She keeps blabbering about you. Alam mo naman na I hate noisy and irritating girls."

"Bakit mo kasi sinabi na slave mo ko?"

"Eh nakita ka na din naman niya. Do you think makaka score pa ko sa kanya ngayon na nalaman niya na ikaw ang driver ko? I already expected that she will bombard me with questions about you."

"So kasalanan ko pa? Saan mo gusto pumunta? May pag-uutos ka pa ba kasi gusto ko na umuwi."

"Let's go home, unless you want to continue ang nasimulan namin ni Piah?" sabi ni Jared na biglang umakbay sa akin. Ang lapit na naman ng mukha niya sa akin. Isang tumbling na lang, pwede na kami magkiss.

"Hoy driver mo ko ah? Hindi ko responsibilidad ang mga sexual needs mo," inis kong sagot sabay tulak sa kanya at pinaandar ang sasakyan.

"Don't worry, next time I will ask you to fulfill my sexual needs and I doubt that you can even say no."


Inirapan ko lang siya, pero hindi ko maiwasan na mapaisip sa sinabi niya.

Makakatanggi nga ba ko kapag hiningi ni Jared ang pagkababae ko?

Ang Boyfriend Kong Demon King (Soon To Be Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon