(POV Reichel)
Hinawakan ni Sage ang kamay ko at tumalon kami from the roof top pabagsak sa ground floor. Dahil sa training ko noon, effortless ako nakababa sa ground floor na parang isang ninja ng Konoha sa mundo ni Naruto.
Si Sage naman ay mabilis na sinapak ang naglalakad na shadow creature at tumagos lang ang kamao niya. Nadeformed ang shadow creature sa impact ng punch ni Sage, pero bumalik din ito sa dating anyo.
"Physical attack is not working," sabi ni Sage habang pinagmamasdan ang isang Immundus na patuloy na naglakad na parang hindi kami nakikita.
"Dedma tayo? Seenzone lang?"
"No, I think this shadow creature is still on adjustment period. Wala pa siyang sense of awareness. Try your elementals."
Sinubukan ko mag create ng sword made of fire and ice, pero tumagos lang ito sa shadow creature. Nag cast din ako ng earth spike from the ground at isang powerful wind tornado, pero walang nangyari.
"Sage, moral support lang ata ang papel ko dito. Hindi gumagana ang elemental attacks ko eh," sabi ko kay Sage sabay upo sa isang lumang bench.
"Suko ka na ba agad?" tanong niya at umupo sa tabi ko.
"Hindi naman pero I feel useless eh. I exhausted my power pero walang effect. Medyo napagod din ako. Cheer na lang kita dito, Sage. Kaya mo na yan."
"Kapag ba natalo ko kahit isa sa mga Immundus, may price ako sayo?" malambing na sabi ni Sage sabay halik sa leeg ko. He is seducing me kahit nasa gitna kami ng isang isolated island. Pambihira talaga tong lalakeng to.
"Wala ka talagang pinipiling lugar. Pero sige, may price ka sa akin. Kiss sabay hug."
"Watch and learn babe," sabi ni Sage sabay halik sa labi ko.
Naglakad siya papunta sa isang shadow creature at binuksan ang kanyang dalawang palad. Within seconds, nagmaterialize ang dalawang Angelus sa kamay niya. It looks different dahil napapalibutan ng glow at sparkle ang Angelus sword, parang Angelus version 2.0.
Paano nangyari yun? Naiwan sa bahay namin ang mga Angelus swords.
Tumakbo siya ng mabilis and he cut the shadow creature in half. Mabilis itong na vaporize at naglaho. It seems na effective nga ang Angelus sword laban sa mga Immundus.
Pinuntahan ni Sage ang mga shadow creatures sa buong island at mabilis lang akong nakasunod sa kanya to observe him. He defeated most of the Immundus pero hindi ko inaasahan na isa sa mga ito ay makakaiwas kay Sage.
Kakaiba ito sa karamihan dahil medyo mas malaki ang size. Mabilis din at parang may awareness at may intelligence. Kahit si Sage ay nagulat when it created a shadow sword para salagin ang mga attacks niya. Sa sobrang bilis, the shadow creature decapitated Sage at tumilapon ang ulo ni Sage sa di kalayuan.
I was stunned and frozen. Sage's lifeless body is on the grass. Nanlalabo ang paningin ko dahil sa luha ko. Hindi ko inaasahan na mangyayari ito.
I am torn between running towards my husband or killing this creature. But I was too late, the shadow sword created by this Immundus is already plunged in my heart which rendered me unconscious.
BINABASA MO ANG
Ang Boyfriend Kong Demon King (Soon To Be Published)
Mystery / ThrillerBook 3 of ABK Trilogy ♥ Jared Mason Elizalde is the reigning the demon king. But even the demon king himself is unable to solve the mystery behind the unusual deaths that is surrounding us... Join us as we solve this mysterious puzzle that will chan...