Chapter 68 - My World

18K 415 4
                                    

(POV Reichel)


Sabi ng King of the Underworld, there are some powerful Immundus na nasa Realm of the Dead. It is our responsibility to push them back to where they came from. Kailangan na bumalik sila sa The Void and yet, I can feel that Hades is not entirely being honest with us. Parang may tinatago pa siya sa amin.


"The Abyss will show us the way? Gusto ba niya tumalon tayo mula dito?" tanong ko kay Sage habang nakatingin sa madilim na abyss.

"Takot ka ba?" natatawang tanong ni Sage habang sinisilip ang mukhang endless na ilalim ng waterfalls.

"Obvious ba? Malay ba natin kung may dinosaur dyan sa ilalim niyan or super ancient monster."

"You married a Lakan, a former demon king and yet you are still afraid? Wala ka ba tiwala sa akin?"

"Meron naman, kaso nakakatakot kasi yung abyss---"


Di ko na natuloy ang sasabihin ko when Sage suddenly scooped me into his arms to carried me bridal style. Alam ko na ang susunod na gagawin niya at tatalon siya papunta sa malalim na abyss kaya mabilis akong kumapit sa kanya at pumikit. 

Soon, I felt the weightlessness in my stomach as if nasa isa akong roller coaster ride.

It reminds me when he first saved me kay Armand nung college kami. He jumped from the sixth floor to the ground floor.


Dahan dahan ko na lang naramdaman na bumabagal ang pagbaba namin. I opened my eyes at nasa ibaba na kami ng waterfalls. We are on top of the pitch black river and surprisingly, Sage is stepping on top of the dark water at hindi siya lumulubog.


"Sage, nasa River Styx ba tayo? Yung underworld river sa Greek mythology?"

"I don't know, but please don't look down. Just look at me okay?" sabi ni Sage na unti unti akong binababa sa ibabaw ng tubig.


Kahit ako ay nagulat dahil nakakatapak ako sa ibabaw ng black water, pero dahil di ko maiwasan na mapatingin sa tubig. I saw several gigantic monsters swimming underwater. It looks like prehistoric sea monsters na sa books mo lang makikita.


"Sage! Ano yung nasa ilalim!" sigaw ko sa kanya sabay yakap sa braso niya. Ayoko dumilat dahil nakakatakot ang mga creatures na nasa ilalim ng paanan namin.

"Kasasabi ko lang di ba? Sabi ko don't look down. Ang tigas ng ulo."

"Sage, nakakatakot! Buhatin mo ko please?"

"Ayoko, mabigat ka. Just follow me and try to close your eyes while we are walking."


Sage just hugged me habang naglalakad kami. Nakapikit pa din ang mata ko at nakasubsub ang mukha ko sa chest niya. Ayoko dumilat kasi feeling ko anytime lalamunin ako ng monsters.


"Open your eyes, babe," sabi ni Sage after ng ilang minuto namin na paglalakad.


Pagmulat ng mga mata ko, medyo malayo na kami sa black river at sa falls. It seems na nasa loob kami ng malawak na gubat. Unlike an ordinary forest, the trees and the plants all look grayish. The whole place looks lifeless and dull. Para kaming nasa Grayscale world dahil walang ibang kulay dito kundi black, gray at white.

Ang Boyfriend Kong Demon King (Soon To Be Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon