Chapter 31 - Younger

16.3K 470 13
                                    

(POV Reichel)


Tahimik kami kumakain courtesy ng mga pagkain sa fridge, pero sooner or later kailangan na namin mag Farmville dahil walang grocery store dito. Kung nasaan man lupalop kami, we can feel the usual human needs.

"Bakit kanina pa masama ang tingin mo sa akin? Wag mo sabihin na may binabalak kang masama sa akin?" tanong ko kay Sage habang kumakain. Ang sama ng tingin niya na parang gusto niya kong lamunin ng buhay.

"Have you seen yourself in the mirror?"

"Ha? Bakit? Ano hitsura ko? Mukha ba kong chararat?"

"You look... younger..."

"Younger? Parang nag Olay Total Effects younger? Or parang time travel younger?" naka frown kong tanong ko kay Sage.

Tinitigan ko siya ng mabuti and he looks younger too, parang nung time na una kaming naging ordinaryo na tao twelve years ago. Sabagay, di naman talaga nagbago ang mukha ni Sage dahil baby face siya.

Tumango lang si Sage. Another mystery na di namin kayang ipaliwanag.

After namin kumain, naglibot kami sa buong isla. Isang maliit na island na nasa gitna ng endless water. Lahat ng kailangan namin, andito. Water, food, shelter as if someone prepared this place for us.

"Sabi mo, nauna ka sa akin a few hours ago? Ano pa ang na discover mo?" tanong ko kay Sage habang naglalakad kami sa beach.

"I have my Lakan powers here. How about you?"

Sinubukan ko mag produce ng ball of wind sa kamay ko at nagulat ako nang lumabas ito sa kamay ko. Sage is right, our powers are working here.

"Sage, you're back from being a Lakan and balik Punong Babaylan naman ako. Paano ito nangyari? Di ba nawala na ang kapangyarihan natin twelve years ago?"

"This is bad news babe," sabi niya habang tinatanggal ang shirt niya. Sage is still breathtakingly gorgeous at madalas, di pa rin ako makapaniwala na asawa ko ang lalaking ito.

"Bad news? Bakit naman?"

"If we have our powers, it means we are meant to use it. It means something evil is living in this world," sabi ni Sage na wala ng saplot na naglalakad papunta sa beach waters.

"Sage, sigurado ka?"

"Yes, I'm pretty sure we are here for a reason."

"I mean, sigurado ka na mag swimming ka ng nakahubad?"

"Umikot na ko ng dalawang beses sa buong isla. Walang tao. At kung meron man, malalaman ko yun. Come on, what are you waiting for?" nakangiti niyang sabi sa akin.

"Ayokong maligo, dito na lang ako sa shore at papanuorin kita. Maganda ang view from here," natatawa kong sagot dahil para akong nanunuod ng isang hunk na naliligo sa dagat. Feeling ko nga, binobosohan ko ang asawa ko sa ginagawa ko.

"Maganda ang view ng dagat o view ng katawan ko?"

"Alam mo sagot dyan, Sage. Siyempre yung dagat."

Nagsimulang umahon si Sage sa tubig at alam ko na hihilahin niya ko papunta sa tubig kaya tumakbo na ako palayo sa kanya.

"Are you sure makakatakbo ka sa akin? I have my Lakan powers here. Kaya kitang habulin kahit nasa kabilang part ka ng isla," nakangiti niyang sabi habang naglalakad papalapit sa akin.

"Sage, you are underestimating me. Nasa akin ang kapangyarihan ng Punong Babaylan. Do you think mahahabol mo ko ng basta basta?"

"Habulan rape talaga gusto mo ah!"

In a blink of an eye, nasa harap ko na siya at nakayakap sa akin. He started to kiss my neck, his usual habit of endearment.

"Sage, sino kaya ang nagdala sa atin dito?"

"Someone who needs our help," sagot niya na patuloy pa din hinahalikan ang leeg ko kahit di na siya vampire.

"At sino naman ang powerful enough para ilagay tayo sa lugar na ito?" tanong ko habang nagprepretend na kunwari walang effect ang halik niya sa akin.

"Someone who can see the future. Someone like the Creator's scribe."

"Si Gideon?" tanong ko sabay bahagyang tulak sa kanya.

"Raviael is already human. Lilith is gone. He's the only remaining guardian left. Ikaw sino sa tingin mo?"

"Di ko alam Sage, pero I don't think Gideon is capable of sending us here. Anyway, masaya ako na magkasama tayo ngayon sa afterlife. Kung afterlife man na tinatawag ito."

Ngumiti lang si Sage at he kissed my lips as if saying he feels the same way.

Ang Boyfriend Kong Demon King (Soon To Be Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon