KABANATA 4
deja vu
"You can't do this to a Cojuangco!" Iyon ang huli kong narinig na sinabi ni Liam bago ako tuluyang nakaalis sa lugar na 'yon.
Simula na ng Finals Week, at bumalik na sa dati ang lahat. Ako naman, hindi pa rin maka get over sa nasaksihan ko last week.
Hindi ko rin nalaman kung bakit at papaano sila nag-away dahil nga nagpunta ako sa restroom at pagbalik ko naman ay agad na akong hinila ni Coleen papaalis sa lugar na 'yon.
In short, na cancel ang prom night. Oo. Ganoon kalakas ang mga Salazar at Cojuangco. Balita ko, pinatawag ang parents nilang dalawa at ngayong araw din nila pag-uusapan ang nangyari noong gabing yun.
"Yeah girl, it's literally a déjà vu!"
"I can't believe it. The last time I saw them have an interaction were years ago!"
"Oo nga! Yun pala, may cold war pa rin pala! Was it still Katerina?"
"No! Katerina has been out of the picture. I think it's a different gal this time."
Chika. More chika. Ngayon lang ata ako natutuwang makarinig ng mga nagchichismisan sa dalawang rason. Una, hindi na ako ang pinag uusapan. Pangalawa, nakikibalita rin ako sa kanila dahil wala akong alam!
Hindi naman sa chismosa ako. Pero kasi, feeling ko karapatan ko ring malaman kung anong totoong nangyari noong gabing yun. Dahil pakiramdam ko involved ako.
Una, misteryosong nawala na lang yung prom date kong si Liam. Pangalawa, pinansin akong muli ni Ethan. Pangatlo, ang weird ng mga kilos ni Coleen.
O diba? Sinong hindi gugustuhing maki chika? Kahit ata hindi chismosa kung nasa lugar ko kayo ay gugustuhin niyo ring malaman ang nangyari noong gabing yun.
"Coleen!"
"O-oh? Aly, teka lang ha may kailangan pa kasi akong gawin eh. Hehe." At bago ko pa siya mahatak ay kumaripas na siya ng takbo. See? I don't know what the hell is going on.
Napabuntong hininga na lang akong umupo sa pwesto namin ni Coleen sa cafeteria. Sadly, wala siya. Oo, medyo na upset lang ako kasi hindi ko alam kung bakit niya ko iniiwasan. Galit ba siya? Na brainwash na ba siya ng kapatid niyang mokong?
Kaya naman ako lang mag-isa ang kumakain ngayon. Tandang tanda ko pa yung nangyari two weeks ago, same time. Napanganga ang lahat nang puntahan ako ni Liam dito.
Wala namang kwenta dahil hindi naman natuloy yung date namin at nakansela pa ang prom. Di ko alam kung may balak pa silang ireschedule 'yon dahil sobrang busy na ng mga paparating na linggo.
Ga-graduate na rin kasi ang mga Seniors kaya sobrang busy ng lahat sa paghahanda para sa okasyon na iyon. At ilang buwan na lang, fourth year highschool na rin ako. Kinakabahan, pero excited. Dahil wala ng Ethan Salazar na gagala gala sa school ko!
"Girl have you heard? Huwag kang maingay ha?
"Oh bakit?"
"May girl ngang involved!" bahagyang lumaki ang tainga ko nang makasagap ng radar.
"Again?"
"Yup, halata naman sa usapan nila that night eh."
"Grabe, pangalawang beses na iyan ha."
"Baka nga hindi lang dalawang beses, baka may palihim pa lang nangyayari at nagkataon lang na 'yun yung nasaksihan natin!"
"Gosh! So, who's the rumored girl?"
"Nako! Hindi ako sure ha, pero hinala ko at hinala ng karamihan... si Aly raw ang dahilan."
Mariin akong napapikit sa narinig. Kalma lang Aly. Hindi lang ikaw ang nag-iisang Aly sa mundo.
"Talaga? Si Alejo!?"
"Shhhh! Baka marinig ka! Nandiyan lang siya..."
Shit. Ako nga. At oo, naririnig ko kayo, mga chikang 'to! Akala ko pa naman ligtas na ko sa hot topic ng school na 'to pero mukhang hindi. Ga-graduate na yung mga nagsuntukan at ako ang matitira ditong na-involved pa sa ganyang issue.
"Aly!"
"Oh, himala. Kilala mo pa pala ko." sabi ko sabay irap sa kaniya. Tumayo na ko at nagsimulang maglakad. Sumunod naman siya sa akin.
"Sorry na... galit ka pa ba? Marahas ko siyang nilingon at matamang tinignan. Siguro, kaya niya ako iniiwasan ay dahil may alam siya!
"Oo." malamig kong sabi at nagpatuloy sa paglalakad ngunit sinundan niya pa rin ako.
"Sorry na talaga, please? Gagawin ko lahat, ano ba gusto mo dali." Agad ko siyang hinatak sa may likod ng school. Hingal na hingal kami sa pag takbo, pero hindi ko na palalagpasin ang tsansang 'to! Baka magbago pa ang isip eh.
"Sabihin mo sakin ngayon ang lahat ng nangyari noong gabing 'yon. At kung anong nalalaman mo hanggang ngayon." Sandali siyang natigilan bago nagpakawala ng isang buntong hininga. Senyales na wala na siyang magawa kundi magsalita.
Sa ayaw o sa gusto niya.

BINABASA MO ANG
Lost (Salazar Siblings Series #1)
RomanceThe original plan was to make Ethan Adrian Salazar fall for her. Unfortunately, she was dumped. But Natalie Chase Alejo will never give up. Kaya naman nang matupad na ang kaniyang pinapangarap ay abot langit ang kaligayahan niya. Hindi niya lubos ma...