KABANATA 23

2.9K 75 0
                                        

KABANATA 23

you burn with me


"Anong favorite color mo?", tanong ko sa kanya habang nakasandal ang aking ulo sa kanyang balikat.

"Black. You?"

"Yellow." sagot ko at muling tumango.

"Anong favorite food mo?"

"Hmmm. Wala naman. Kahit ano kinakain ko." marahan niyang sagot.

"So ano yung pinaka pinaka gustong mong kainin?" pag pupumilit ko. Hindi siya sumagot. Kaya naman nilingon ko ang kanyang mukha na ngayon ay naka ngisi na. Kunot noo ko siyang tinignan bago muling magsalita.

"Bakit?" tinaasan ko siya ng kilay.

"Wala. May naisip lang ako." tanging sagot niya sabay iwas ng tingin. Ngumuso ako, ano ba 'yon?

"Ano nga?" pansin na ang pagka-irita sa boses ko.

"Wala nga, sige next question." natatawa niyang sabi ngunit inirapan ko lang siya at hindi na bumalik sa paghimlay sa kanyang balikat.

"Ito naman nagtatampo agad." malambing niyang sabi sabay akbay sa aking balikat. Kaya naman muli akong napalapit sa kanyang katawan. Kahit gusto ko pang mag-inarte at layuan siya, hinayaan ko na lang at hindi na muling kumilos.

"Anong paborito mong panoorin?" muli kong tanong.

"The Walking Dead." sagot nito habang tumatango tango.

"Ako rin!" excited kong sabi at narinig ko lang marahan niyang pag tawa.

"Ano bang nangyayari sa'yo at kung ano ano ang mga tinatanong mo sa akin?" natatawa niyang tanong habang ako naman ay nilapatan ng check ang imaginary checklist sa aking isipan.

"Ilan ang naging ex mo?" matabang kong tanong. Kahit na ayokong pag-usapan ito ay kailangan ko itong malaman bilang girlfriend niya. Diba ganoon naman iyon?

"Seriously, Aly?" naka ngisi nitong tanong na para bang hindi siya makapaniwalang tinanong ko 'yon.

"Oo, ilan?" muli kong tanong. Marahan kong hininaan ang TV na nakabukas sa kanilang sala. Kasalukuyan kaming nandito sa kanilang sofa. Dalawang araw na kaming ganito simula noong sinagot ko siya. Dalawang araw na kami na kung ano ano lang ang tinatanong ko sa kanya.

"Wala." sagot niya habang umiiling-iling pa.

"Weh?"

"Wala nga. Ikaw lang yung babaeng niligawan ko, Aly." ngumuso siya sabay iwas ng tingin.

"What about Apple?" matabang kong untag.

"Hindi ba naging kayo?" dagdag ko pa ngunit umiling lang siya.

"Siya ang nagkagusto sa akin but I never liked her. Simula pa noon Aly, ikaw lang. Ilang beses ko bang sasabihin na ikaw nga lang?" mataray niyang tugon. Palihim akong napanguso, tila nagpipigil ng ngiti. Edi ako na!

"Okay." maikli kong sagot. I'm convinced. Pero may isa pa akong gustong itanong.

"Next." Kita ko ang bahagyang pagngiwi niya.

"Katerina Rosales." pagsisimula ko. Sandaling kumunot ang noo niya sa narinig.

"What about her?" kaswal niyang tanong.

Lost (Salazar Siblings Series #1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon