KABANATA 30
ethan's in trouble
Mabilis na lumipas ang isang linggo. Maayos naman kami ni Ethan. Ganoon pa rin siya, parati niyang pinapaalam ang mga nangyayari sa kanyang araw kahit hindi ako nagtatanong. Medyo humupa na rin ang galit ko. Mahirap kalimutan iyon pero kailangan kong mag move-on.
Napatingin ako sa cellphone ko na sunod sunod na tumunog. Sabado ngayon at kakagising ko lamang. Kinusot ko pa ang aking mga mata bago nag-unat at kinuha ang cellphone.
Umulan lamang ito ng mga mensaheng bumabati sa kaarawan ko. Sa wakas, ngayong araw isa na akong ganap na babae. Adult na ako, hindi na ako teenager. Pwede na ako sa mga bar. LOL.
Muli kong chineck ang cellphone at hinanap ang pangalan ni Ethan, ngunit wala siyang text kahit na isa. Hindi ko na 'to napansin at nagpasyang maligo na lang muna. Mamaya ko na sila rereplyan kapag hindi sumasabog ang notifications ko.
Simple lang ang plano ngayong araw. Nag-organisa si Zac ng lunch date kasama ang iilang kaibigan at kaklase namin. Sa isang restaurant lamang iyon gaganapin. Balak pa nga niya sanang sa hotel ngunit tumanggi na lang ako. Hindi niya ako responsibilidad at nakakahiya naman sa mga magulang niya lalo pa't nakilala na nila ako.
Pagkatapos ng maikling salo salo na iyon ay may plano naman si Ethan sa amin na magkaroon ng dinner date. Hindi ko alam kung saan dahil wala siyang sinabing detalye. Basta daw ay susunduin niya na lang ako. Hindi ko rin sigurado kung pupunta ba siya sa nasabing lunch. Inimbita ko siyang sumama kung gusto niya ngunit mukhang hindi siya dadalo dahil kay Zac. Ayaw niya pa nga akong payagan noong una kung hindi ko pa sinabing pupunta rin ang iba naming kaklase maging si mommy.
"Anak...are you ready?" napatingin ako nang marinig ang marahang katok sa aking pintuan.
Tinignan ko ang sarili sa salamin. Suot ko ang isang Calvin Klein, ruffle halter dress in the color of petal. Muli kong pinasadahan ng kamay ang aking buhok bago muling magsalita.
"Pasok po, mom." dahan dahan namang bumukas ang pintuan at iniluwa noon si mommy.
Malawak ang ngiti niya nang salubungin ako ng yakap.
"Happy birthday my baby." aniya habang mahigpit akong niyayakap. Hinaplos ko ang kanyang likod at marahang tumawa.
"Hindi na po ako baby, mom." pagmamalaki ko sa kanya ngunit bahagya lamang siyang umiling.
"You are my only daughter, and you will always be my baby girl. Okay?" buong sinseridad nitong sabi.
"Of course, mom. I love you and thank you for everything you've done for me..." mahina kong tugon habang inaalala ang mga sakripisyo at paghihirap na ginawa ng parents ko para sa akin.
"Are sure that it's okay with you to not have 18 roses?" nag-aalala niyang tanong at saka kinalas ang pagkakayakap sa akin. Tumango at ngumiti sa kanya.
"I can just buy those 18 roses, mom. What's important is, I could celebrate it with you and with my beloved friends. Besides, daddy's not going to be here, so I don't think those 18 roses would matter without his presence..." mahina kong sabi. Hinawakan ni mommy ang kamay ko at marahang inangat ito.
"I'm sure your dad is just busy... He just can't leave the clinic there, you know." dahan dahan akong tumango at inintindi ang sitwasyon ni daddy.
Nang makalipad kami papuntang States, agad na inasikaso ni daddy ang health ni lola. May alzheimer's ito kaya mahirap na maiwanang mag-isa. Mabuti naman na ang kanyang lagay ngunit hindi makayanang iwanan ni dad ito sa nursing home kaya kahit mapalayo sa amin ay sumang-ayon siya sa kagustuhan kong manumbalik sa Cebu. Besides, this is my home. I was born and raised here.
BINABASA MO ANG
Lost (Salazar Siblings Series #1)
RomansaThe original plan was to make Ethan Adrian Salazar fall for her. Unfortunately, she was dumped. But Natalie Chase Alejo will never give up. Kaya naman nang matupad na ang kaniyang pinapangarap ay abot langit ang kaligayahan niya. Hindi niya lubos ma...
