KABANATA 3

6.1K 134 1
                                        

KABANATA 3

you don't own her


It's been almost a week. Tonight, is prom night. At hanggang ngayon, hindi ko pa rin makalimutan yung sinabi ni Ethan sakin noon sa parking. A new addition to my collection?

Muntik ako masamid habang iniinom ang orange juice na hinanda ng yaya para sa akin. Ang kapal ng mukha niya! Anong tingin niya sa akin? Nangongolekta ng lalaki?!

"Dahan dahan sa pag inom iha." Ngumiwi ako bago maingat na binaba ang baso.

"Opo manang." mahinahon kong sagot. HAAAAYYYY! Tuwing naaalala ko talaga yung Ethan na yun kumukulo lahat ng pwedeng kumulo sa katawan ko! Humanda talaga siya sakin, di ako titigil hangga't di ako nakakaganti sa mga pag papahiya niya sa akin.

"OMG, ang ganda ganda mo!" puri noong bakla na nag-ayos sa akin.

Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Oo nga naman, ang ganda ganda ko. Masyado akong maganda para ganituhin ako ng Ethan na 'yon! Hindi porket gwapo siya mamaliitin niya ko ng ganito.

"Salamat, Otis." Tanging untag ko sa kanya. Kinindatan niya lamang ako at saka iniwan para makapagbihis. Kasalukuyan ko ng sinusuot ang gown ko para sa gabing ito. Red ang kulay ng gown ko, kulay ng rosas na binigay sa akin ni Liam.

Napangiti ako sa naisip ko. Liam is the sweetest! Unlike Ethan! Ngayong nanggigigil ako, nangangati akong ipahanap si Katerina Rosales para sabihing bakit hindi si Liam ang pinili niya! At bakit siya nagka gusto sa walang emosyong Ethan na 'yon!

"Omygod anak, you look gorgeous!" Napawi pag iisip ko nang kung ano ano sa utak ko nang marinig ang boses ni mommy. Nilingon ko siya at agad na ngumiti sa kaniya.

"Thanks mom." I said and she just smiled at me at sinabing nandiyan na sa baba ang sundo ko.

Tinignan kong muli ang repleksyon ko sa salamin at napangiti. Naka suot ako ng isang long gown na hapit na hapit sa hugis ng katawan ko.

Simpleng spaghetti strap lang siya pero nagmukhang elegante nang isinuot ko. Velvet din ang texture ng damit kaya naman napaka komportable nito sa katawan. Huminga ako ng malalim bago nilisan na ang kwarto ko.

Habang tinatahak ang hagdan pababa, ngiting ngiti at galak na galak ang pakiramdam ko dahil excited ako sa magiging unang karanasan ko sa prom. Mabagal ang pagbaba ko sa hagdanan dahil medyo mataas ang heels ko at mahaba ang gown kaya doble ingat dahil baka madapa ako, nakakahiya naman kay Liam kung ganoon.

Ngunit sa huling palapag at pag-angat ng aking ulo, hindi mukha ni Liam ang nakita ko. Agad na tumaas ang altapresyon ko nang ngumisi siya sa naging reaksyon ng mukha ko.

"Anak! Come on! Kanina pa naghihintay si Ethan sa iyo. Ang gwapo gwapo nga naman talaga ng batang ito, oo." masayang saad ni mommy habang hinihila ako sa tabi ni Ethan.

Hindi ko malunok ang nangyayari. Gusto kong sumigaw pero ayoko namang magulat si mommy. Malaman pa niyang may anak siyang tigre.

"Oh, you two! Smile! Ethan hawakan mo sa beywang si Aly! And aly, move closer to Ethan! Ayan. Ayan! Good job! Another one!" Hindi ko na alam kung anong itsura ko sa mga litratong pinagkukuha ni mommy.

Masasabi kong ito na ata ang pinaka plastic na ngiti ko sa lahat ng ngiti na ginawa ko sa buong buhay ko. Gago ka talaga, Ethan Salazar.

"Okay! Ayan ang ganda, super bagay! Oh sya, umalis na kayo! Ethan, ihatid mo pabalik ang anak ko ha!"

Lost (Salazar Siblings Series #1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon