KABANATA 10
a taste of Salazar
Dalawang buwan.
Lumipas ang dalawang buwang Summer Break nang hindi ko nakaka-usap si Ethan. Pasukan na naman at alam kong hindi na magiging tulad ng dati ang pagpasok ko sa huling taon ko rito. Dahil wala na siya.
"Aly!!! I missed you!", salubong ni Coleen nang makita ako. Nginitian ko rin siya.
"Grabe, ang saya mo ha?"
"Oo naman! At last pasukan, nakaka excite kaya ang senior year!", masigla niyang sabi at nagpatuloy lang siya sa pagkukwento ng kung anong ginawa niya buong bakasyon.
Pero sa hinaba haba ng kwento niya, wala siyang nabanggit na Ethan. Oo, inabangan ko talaga. Wala naman akong sinabing iwasan namin siyang pag-usapan pero wala talaga siyang nababanggit simula pag-uusap namin sa telepono hanggang ngayong nagkukwento na siya.
Matapos kong mag walked out noong araw na 'yon ay hindi na muli ako bumalik ng school. Ni hindi ako naka attend ng graduation nila! Kasi naman, pag-uwi ko ng araw na 'yon ay may inihandang tickets pala si mommy pabalik ng States. Kaya naman, doon ako naglagi buong bakasyon para bisitahin si daddy at lola.
Kababalik ko lang noong nakaraang araw kaya naman hanggang ngayon ay may jetlag pa rin ako. Hindi ko nga alam kung saan humuhugot ng energy 'tong si Coleen at ang sigla sigla. Buti pa siya. Parang walang problema.
"Tabi tayo, Aly." Nakarating na kami sa bago naming classroom. Classmates pa rin kami ni Coleen, at 'yon lang ang pinagpapasalamat ko. Hindi kasi ako malapit sa iba. Dahil bukod kay Coleen, lahat sila ay mga chismosa. Dumating ang bago naming guro. Lalaki siya at may kabataan. Siguro ay fresh graduate.
"Good morning class. My name is Mr. Christopher Miles Navarro, and I will be your adviser and teacher in Math—" Napabuntong hininga na lang ako. Grabe, bakit ba lagi na lang math ang first subject. Sayang, gwapo pa naman si sir pero mukhang aantukin ako parati sa klase niya.
Dumapo ang tingin ko sa katabi kong si Coleen. Palihim niyang kinukuhanan ng litrato ang guro naming nakatalikod. Dahilan kaya napatingin ako sa iba kong mga kaklase. Ganoon din ang ginagawa ng karamihan, yung iba naman ay nakanganga. Napa-iling na lamang ako. They're obviously whipped with our new teacher.
"I swear if I caught anyone using their phones right now..." seryosong banta ni Mr. Navarro sabay harap sa klase. Nakatalikod kasi siya kanina habang nagsusulat sa blackboard. Agad namang nagsitaguan ng cellphone ang lahat maliban...
"You!" napatingin kami sa tinuturo niya habang tinitignan ang Class profile.
"Ms. Salazar! Give me your phone and follow me in the office after class." masungit na sambit nito na nagpalaglag sa panga ni Coleen. Crap! Iba ka rin kasi Coleen, pwede namang mamaya mo na kuhanan ng litrato. Pinahamak mo pa ang sarili mo! Pailing-iling akong tumingin sa kaniyang mukha na hindi na ngayon maipinta.
Hindi nagtagal, tumunog din ang bell hudyat na tapos na ang unang klase ng araw na 'to. Mabilis na lumisan ang lalaking guro kaya naman agad agad ang pagsunod ni Coleen sa kaniya na natataranta pa. Muli akong napabuntong hininga. Ano kayang ginagawa ni Ethan ngayon? Kumain na kaya siya?
Hay. Kung bakit ba kasi nagpa bida bida pa ako noong araw na 'yon. Sana hinayaan ko na lang silang magsuntukan at nagsilbing referee na lamang. Pero hindi, nakialam pa ako! Hayan tuloy, mukhang nagalit ata talaga si Ethan sa sinabi ko sa kaniya. Nakabusangot akong pumunta ng cafeteria. Hindi ko kinakaya 'to. Kahit saan ako magpunta, siya lang ang naaalala ko!
![](https://img.wattpad.com/cover/138932569-288-k597361.jpg)
BINABASA MO ANG
Lost (Salazar Siblings Series #1)
Roman d'amourThe original plan was to make Ethan Adrian Salazar fall for her. Unfortunately, she was dumped. But Natalie Chase Alejo will never give up. Kaya naman nang matupad na ang kaniyang pinapangarap ay abot langit ang kaligayahan niya. Hindi niya lubos ma...