KABANATA 48

3.3K 53 0
                                    




           

KABANATA 48

he kissed you


"What the hell, Ethan! Bitawan mo ako!" malakas na sigaw ko sa kanya. Pero hindi siya natinag.

Dire diretso pa rin ang lakad niya habang hila hila niya ako. Tumigil lamang siya nang tumapat sa isang puting BMW 3 series at marahas na binuksan ang passenger's seat nito.

"Get in." matigas niyang sambit.

"No!" pilit ko siyang tinulak pero sobrang nanghihina na ang katawan at braso ko.

"Don't be stubborn, Aly." huminga siya ng malalim at madilim akong tinignan.

"Naiwan si Dean!" tanging saad ko. Pero hindi na siya muling nagsalita at tinulak niya na lang ako papasok sa loob ng sasakyan niya.

Nanghihina ko siyang pinagmasdan na umikot papunta sa driver's seat at pumasok rito. Hindi na siya muling nagsalita nang makapasok kami. Hindi niya pa rin ni-start ang kotse.

Malayo lang ang tingin niya sa daan habang ako naman ay pinagmamasdan lang ang susunod niyang gagawin. Dahan dahan niya akong nilingon kaya nasalubong ko ang mga mata niyang malungkot.

Hindi tulad kanina na malamig at madilim. Iyong mga mata niya ngayon, ay parang tulad ng tingin niya sa akin noon kapag may nagagawa siyang kasalanan o hindi ko nagustuhan.

Umiwas ako ng tingin at pilit na sinandal ang ulo ko sa may salamin. Nahihilo na ako kaya hindi ko na kayang makipag-away sa kanya.

Gusto ko na lang matulog. Pinikit ko ang mga mata ko ngunit katahimikan pa rin ang bumabalot sa loob ng sasakyan. Hindi ko pa naririnig na binuksan niya ang makina.

"Aly..." he called. Hindi ko 'to pinansin. Nahimigan ko ang panghihina sa kanyang boses ngunit ayoko na siyang kausapin. Napapagod na ako.

Akala ko ay magtutuloy-tuloy na ang tulog ko nang maramdaman ko ang malamig na kamay sa baba ko. Minulat ko ang mabibigat kong mata at nakita ko siyang maingat na inaangat ang mukha ko.

"Magkaka stiff neck ka niyan." aniya.

Bahagya kong tinabing ang kamay niya at umayos ng upo. Naramdaman kong may kinuha siya sa bandang likod ng kotse niya at nilagay ito sa may ulunan ko.

"Here. Para mas komportable." aniya at naramdaman ko ang malambot na bagay sa may leeg at ulo ko. Hindi ko na siya tinanggihan. Iniintay ko na lang na paandarin niya ang kotse ngunit nanatili siyang nakatingin sa akin.

Nag-angat ako ng tingin sa kanya at muli kong nasalubong ang mga mata niyang nagsusumamo. Kinunot ko ang noo ko bago mapagdesisyunang magsalita.

"Bakit mo siya sinuntok?" my voice broke.

Bahagya siyang natigilan. Hindi ko alam kung dahil ba iyon sa tanong ko o dahil sa boses ko. Tumikhim ako nang hindi siya agad naka-imik at muling inangat ang labi ko.

"Hindi mo dapat siya sinuntok. Pinsan mo siya, at kaibigan ko siya." sinikap kong maging buo ang boses ko kahit na sobrang wala na akong lakas para pa gawin 'yon.

No, I won't break down. Not again. Not when he's around and he can see me.

"He kissed you." aniya na parang naiirita. Bahagya akong natawa. Nakakatawa at may pake siya.

"Well, I kissed him first..." panimula ko. Nag-igting lamang ang panga niya bago magsalita.

"He's my cousin but he kissed you." may bahid ng pait at pagkamuhi sa kanyang boses. Hindi ako makapaniwala sa inaasta niya. For Pete's sake he is married!

Lost (Salazar Siblings Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon