KABANATA 21
baka naman
"You want to take a break?" anyaya niya nang matapos kong pakainin ang mga manok sa hen house.
"Nope, I'm good. Ikaw?" baling ko sa kanya.
"If you're good then I am too." nginitian niya ako. Kumuha siya ng basang towel at marahang ipinunas ito sa aking mga kamay. Kasama namin ang butler niyang si Royce.
"Amoy manok ka na." panunukso niya kasabay ang bahagyang pagtawa. Hindi ko napigilan at natawa rin ako sa sinabi niya.
"Hindi mo na ako gusto dahil amoy manok na ako." natatawa kong sambit ngunit umiling lang siya.
"Kahit ano pang amoy mo, gusto pa rin kita." sagot niya.
"Sus, bolero." tanging tugon ko at tinalikuran siya. Palihim akong ngumiti sa sinabi niya.
Tatlong araw na ang nakalipas simula nang dito ako mamalagi sa kanilang lugar. Halos ganito ang ginagawa namin noong mga nakaraang araw. Pinapasyal niya ako sa kanilang lupain, at tumutulong kaming magpakain ng mga hayop. Hindi naman ito malaking bagay sa akin. Sa katunayan, nagugustuhan ko ang mga ginagawa ko rito. Mahilig ako sa lahat ng hayop kaya naman nag-eenjoy talaga ako sa pamamalagi ko rito.
"Gusto mong mangabayo?" Bulong niya sa akin at marahang pinadausdos ang kanyang kamay sa aking beywang. Hindi na rin ito malaking bahay sa akin. Hinahayaan ko lang siya sa mga ginagawa niya. Hinahayaan ko lang siyang iparamdam sa akin yung nararamdaman niya.
Kung ako ang tatanungin, gusto ko yung mga ginagawa niya. Mag-iinarte pa ba ako? Si Ethan Salazar na ang naghahabol sa akin, sinong babae ang hindi susuko?
"Sige!" excited kong sagot at tumalon talon. Narinig ko ang pagtawa niya sa aking likod at malaya akong sinundan.
Inaamin ko na hindi ko akalaing mag-eenjoy ako sa bakasyon ko dito. Hindi ko nga alam kung nasusulit niya ba ang kanyang bakasyon dahil araw-araw, buong araw ay magkasama lamang kami. Kung ano ano na rin ang mga napag-usapan namin. Pero sa dinami dami noon, hindi ko binanggit ang tungkol kay Katerina. Hindi ko alam kung kaya kong banggitin. Kung kaya ko bang marinig kung anong sasabihin niya tungkol dito. Sa ngayon, gusto ko lang i-enjoy ang oras na kasama siya, na walang ibang iniisip kundi kami lang.
"Dahan-dahan..." sabi niya habang inaalalayan ako sa pagsakay sa kulay itim na kabayo. Nang makasakay ako ay sumakay din siya sa kabayong sinakyan ko at pumwesto sa aking likod.
"Comfortable?" bulong niya sa akin. Tumango ako. Alam kong hindi niya ako hahayaang sumakay mag-isa dahil ito ang unang beses kong sasakay.
"Let's go." iyon ang huli niyang sinabi nang maramdaman ko ang marahan na paggalaw ng kabayo.
"Nakakatuwa pala ito!" nagagalak kong sabi. Marahan siyang tumawa. Hindi ko makita ang kanyang mukha gawa ng nasa likod ko siya. Pero ramdam ko ang hininga niya na kumikiliti sa batok ko. Patunay lamang ito na sobrang lapit ng katawan niya sa akin.
"We should do this more often then." sagot niya at tumango lamang ako bilang sagot. Nabalot kami ng katahimikan. Narating namin ang parte ng kanilang hacienda kung saan ginagawa ang mga wines na kanilang pino-produce.
"Aly..." narinig ko ang marahang pagtawag niya sa aking pangalan.
"Hmm?" sagot ko habang pinagmamasdan ang lugar kung saan pinoproseso ang mga wine. Medyo nasa dulong parte ito kaya dahan dahang umikot ang kabayo at nagsimulang maglakad pabalik.
BINABASA MO ANG
Lost (Salazar Siblings Series #1)
RomanceThe original plan was to make Ethan Adrian Salazar fall for her. Unfortunately, she was dumped. But Natalie Chase Alejo will never give up. Kaya naman nang matupad na ang kaniyang pinapangarap ay abot langit ang kaligayahan niya. Hindi niya lubos ma...
