KABANATA 9
sorry, it's taken
"Girls! Quiet. She's here."
"Gosh! I can't believe it. Nililigawan talaga siya ni Ethan?"
"Yeah girl. Ano kayang pinakain niya at nagbago nang bigla si Ethan?"
"Hey, hey later girls. Ayan na siya."
It's the day before graduation. Hindi ko nga alam kung bakit pa ako pumapasok kung ito lang rin naman ang parati kong naaabutan. Napairap na lang ako sa hangin nang biglang tumahimik yung mga babaeng nagtsitsismisan dahil dumaan ako.
Hindi na naman kailangang pumasok pero ako, kailangan. Si Liam ang student council president ng buong school and sa akin niya gustong ipamana ang posisyon niya. Ganoon kasi ang patakaran sa school na 'to. Pwede lang bumoto from secretary and below. Kapag president and vice president, ina-appoint na lang. At kung sino ang nag appoint kay Liam bago siya? Siyempre yung president bago siya, ganoon lang ang pattern.
Although it may look a little unfair, ayaw kasi ng faculty na kung sino sino lang ang mamamahala sa school dahil minsan ginagawang kalokohan ng ibang estudyante ang eleksyon. Kung sinong maganda o gwapo, yun ang iboboto.
Kung sino ang napagtripan, yun ang pipiliin. Kaya naman naging strikto ang polisiya ng school nang mapansin na walang pagbabagong nangyayari. Hindi rin naman 'to ganoon kasama dahil kung sinong mapipili ng kasalukuyang naka-upo sa posisyon ay kukumpirmahin pa ng faculty kung katanggap-tanggap ba o hindi.
Sa ngayon, ako ang napili ni Liam pero hindi ko alam kung gusto ko ba. Masyado akong maraming iniisip at alam kong mas magiging busy sa susunod na pasukan kung tatanggapin ko ang posisyon na 'to.
"Nakapag desisyon ka na ba?" tanong ng kararating lang na si Coleen sa akin. Nakapangalumbaba lang ako dito sa usual na pwesto namin sa cafeteria. Walang masyadong tao kundi ang mga tindera. Sa totoo lang, Kaming dalawa lang ang estudyante na nandidito dahil malamang nasa field ang karamihan, yung iba naman ay hindi na pumasok.
Niyuko ko ang ulo sa lamesa na para bang iyon ang binibigay kong kasagutan kay Coleen. Hindi ko alam kung anong sagot sa tanong niya dahil hindi ko naman sigurado kung alin sa lahat ng iniisip ko ang gusto niyang gawan ko ng desisyon.
"Parang ayokong maging president." malamya kong sagot. Naririnig ko lang siyang nginunguya ang burger na kabibili niya lang.
"Kung ayaw mo, wag mo ipilit." sagot niya sa akin saka ko siya tinignan. Alam na niya yung nangyari sa amin ni Ethan. Naikwento ko at alam niyang mangyayari yun dahil tulad nga ng inaasahan ko, kasabwat siya! Napabuntong hininga na lang ako at muling iniyuko ang ulo sa lamesa.
"Aly... alam mo namang walang pang ibang naging girlfriend si Ethan. Wala rin siyang ibang niligawan. Ikaw lang! Kaya wag kang mag-alala, seryoso yun." mahaba niyang paliwanag sabay nguya sa kanyang burger. Napa irap na lang ako sa hangin at saka umiling. Hindi alam ni Coleen ang tungkol kay Apple. Malamang! Hindi sasabihin ni Ethan 'yon sa kaniya.
"Okay... But why all of a sudden?" matabang kong tanong. Sinong hindi magtataka sa mga kinikilos niya? He hates me last year and now he suddenly wants to be with me? I'm sorry, hindi sa nag iinarte ako pero ayokong mapaglaruan. Kung ginagawa niya lang ito dahil trip niya, hindi dahil gusto niya, huwag na lang!
"Hmmm. Siguro natotorpe lang siya noon at ngayong aalis na siya ng school, baka natatakot lang maagawan. Hahaha." biro ni Coleen pero hindi ako natawa. Hindi talaga eh. Parang may something. May mali.
BINABASA MO ANG
Lost (Salazar Siblings Series #1)
RomantikThe original plan was to make Ethan Adrian Salazar fall for her. Unfortunately, she was dumped. But Natalie Chase Alejo will never give up. Kaya naman nang matupad na ang kaniyang pinapangarap ay abot langit ang kaligayahan niya. Hindi niya lubos ma...
