KABANATA 17

3.6K 89 1
                                        

KABANATA 17

not until


"Aly! Hurry up, nandito na ang sundo mo!" sigaw ni mommy habang sinusuklay ko ng mabilisan ang aking buhok.

"Coming!" sigaw ko pabalik sabay iling ng ulo. Agad kong inayos ang lahat ng gamit na dadalhin sa school. Pinasok ko ng mabilisan ang lahat ng librong ginamit ko kagabi kakaaral. Mabilisan ko rin sinuot ang aking medyas at sapatos at saka kumaripas ng takbo pababa sa hagdan.

"Hi." salubong niya sa akin nang makarating ako sa huling palapag ng hagdanan. Nagulat ako sa ayos niya ngayon.

"Hi..." sagot ko at nginitian siya. Ang gwapo gwapo niya ngayon! Kung gwapo siya noon, para bang mas lalo siya gumwapo ngayon. Ang natural na magulo niyang buhok ay naka ayos ngayon sa pamamagitan ng gel. Puti ang suot niyang polo shirt na pinarisan ng dark denim jeans at puting sapatos na may tatlong pahalang na linya.

"Aly! Bakit ba ang tagal tagal mo? Kanina pa naghihintay itong si Ethan sa'yo?" sermon ni mommy.

"Napuyat po ako, sorry." palihim ko siyang tinignan at naabutan ko ang nakangisi niyang mukha. Napuyat ako dahil magdamag kaming magkausap!

"Oh siya, umalis na kayo. Mag-iingat kayo!" huling sabi ni mommy matapos kaming itulak papalabas ng bahay.

"Ang gwapo mo ngayon." wala sa sarili kong sabi habang titig na titig pa rin sa kaniya. Nakita ko ang marahan niyang pagkagat sa kaniyang labi sabay baling ng tingin sa akin.

"Ngayon lang?" panunukso niya pero umiling kaagad ako.

"Parati, pero may mas lalo ngayon." deretso kong sabi at mas lalong lumawak yung ngiti niya. Humigpit yung hawak niya sa manibela. Hindi pa rin nawawala ang ngiti niya sa kaniyang labi.

"Ang sarap mong yakapin." dagdag ko pa. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin nitong mga nakaraang araw. Pero simula noong gabing 'yon, sinabi ko sa aking sarili na mas lalo ko pang ipaparamdam sa kaniya kung gaano ko siya kagusto at saka ko sasabihin 'to kapag sasagutin ko na siya.

"Stop teasing, Aly... baka mabangga tayo." he chuckled. Napangisi naman ako. Alam kong nagbibiro lang siya pero hindi ko lang kasi mapigilan ang sarili ko. Mag-iisang linggo na ang lumipas simula noong inamin niyang mahal niya ako. Mahal ko na rin ba siya?

Hindi ko alam. Hindi pa ako sigurado. Ayokong sabihin 'yon pabalik dahil lang sinabi niya 'yon sa akin. Gusto kong sabihin sa kaniya 'yon kapag sigurado na ako sa nararamdaman ko.

"We're here." ani niya nang tumigil sa harap ng school. Hindi na siya magpapark dahil dederetso na rin siya sa kaniyang klase.

"See you later..." malambing kong sabi habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa kaniya.

"God, I hate to see you leaving my car." ngumuso siya. Bahagya ko siyang nilapitan kaya natigilan siya.

"You are so hot, Ethan Salazar. You know that?" bulong ko pagkalapit sa kaniyang tainga.

"I'll see you later." ulit ko saka siya hinalikan sa kaniyang pisngi. Agad akong lumabas sa kaniyang kotse at mabilisang pumasok sa loob ng school. Hindi ako makapaniwalang ako ang nag first move!

Mabilis na lumipas ang oras ng araw na 'yon. Sa loob ng isang linggo, hindi pa kami muling nagkikita ni Zac. Hindi ko alam kung iniiwasan niya ba ako pero sa tingin ko ay okay na rin 'yon na hindi muna kami magkita. Hindi na rin namin siya muling napag usapan ni Ethan. Siguro dahil, kuntento kami sa isa't-isa buong linggo na wala na kaming oras para sa ibang tao.

Lost (Salazar Siblings Series #1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon