KABANATA 20
better
Marahan kong minulat ang aking mga mata. Naramdaman ko ang sikat ng araw na tumama sa aking mukha. Napabalikawas ako nang makita ang hindi pamilyar na kwarto.
"Oo nga pala." bulong ko sa aking sarili nang mapagtantong nasa bahay nga pala ako nila ni Ethan. Dahan dahan kong binuksan ang pintuan ng kwarto.
Hindi na nasundan ang pag-uusap namin ni Ethan kagabi. Huli kaming nagkita nang kumain kami sa kanilang hapag. Matapos noon ay agad din siyang umalis. Tanging ang butler niya lamang naghatid sa akin sa aking silid.
Nakababa na ako sa kanilang hagdanan. Muli kong nakita ang dalawang pamilyar na butler na nasa magkabilang dulo ng pintuan. Agad kong tinungo ang dining table. May dalawang butler din na naroon.
"Si Ethan po?" marahan kong tanong.
"He's in the kitchen, miss." sagot noong isang butler habang di kumukurap. Tumango lamang ako bilang sagot at pumunta sa kitchen.
Masyadong malaki ang mansion nila kaya naman ilang ikot pa ang ginawa ko bago matagpuan ang kanilang kitchen. And there, I saw Ethan Salazar in front of the stove cooking, topless. Napatalon ako nang magsalita siya.
"Good morning" nakangiti niyang bati sa akin. Napakurap pa ako ng ilang beses bago siya tignan. Hindi ko napansin na na-estatwa pala ako at nakangangang nakatingin sa kanya.
"Stop looking." natatawa niyang sambit at muli akong tinalikuran. Marahan akong napakagat sa aking labi at umiling-iling.
"You like eggs?" rinig kong tanong niya. Umupo ako sa may kitchen counter.
"Yup..." sagot ko habang pinagmamasdan ang malapad niyang likod. Ito ba ang bunga ng pamamalagi niya sa kanilang lupain? Ilang beses ko pa muling tinapik ang aking sarili para magising sa aking mga imahinasyon.
"Here." Nilapag niya sa harap ko ang egg, bacon and rice na sinangag. Muli niya akong tinalikuran at nagsimulang ihalo ang sauce sa noodles na ni-drain niya.
"There." muli siyang humarap sa akin at nilapag bagong luto na pasta.
"What do you want for drinks?" malumanay niyang tanong. Nakatungo pa rin ako at piniling titigan na lamang ang pagkain sa harap ko.
"Juice na lang." sabi ko at nagsimulang hawakan ang kubyertos. Tinanguan niya ako at kumuha siya ng baso para sa juice.
"Hindi ka kakain?" tanong ko sabay subo sa pinaghalong egg, bacon at rice. Sa katunayan, ito ang paborito kong kombinasyon. Hindi ko nga lang alam kung alam niya ba talaga o nagkataon lang na ito ang nailuto niya. Marahan siyang umiling at umupo sa kaharap na upuan ko.
"Uminom na ako ng coffee." sagot niya at muling pinagmasdan ang mga kilos ko. Nahihiya akong kumain dahil nakatingin lang siya sa akin.
"How's your sleep?" tanong niya.
"Good..." wala sa sarili kong tanong. Pero sa totoo lang, hindi masyado. Dahil sa hindi ko malubayan ang kakaisip sa naging usapan namin ng gabing 'yon.
"Ikaw?" tanong ko sa kaniya.
"Not good." Diretso niyang sagot at saka nag-iwas ng tingin.
"I'm sorry, Aly." Nagulat ako nang muli siyang magsalita. Hindi ko alam kung nagiging habit niya na ang mag-sorry sa akin. Pero ayoko na sanang marinig yun. Dahil sa tuwing naririnig ko ang mga salitang 'yon ay ako ang nasasaktan.
"Wag kang mag sorry, wala ka namang ginawang masama." tanging sagot ko. Umiling-iling siya at napangiwi.
"No..." bulong niya.
"Ha?"
"I'm sorry kung nasasakal ka sa akin." muli niyang sabi.
"Hindi naman. Hindi lang siguro ako sanay." tugon ko at muling pinagtuunan ng pansin ang aking pagkain.
"Masasanay ka rin." makahulugan niyang sabi at inilapit ang kanyang mukha sa akin. Natigilan ako sa ginawa niya. Naka tukod ang kanyang mga braso sa kitchen counter habang titig na titig ang mga mata niya sa akin.
"B-bakit?" nauutal kong tanong. Hindi ko pa rin talaga nasasanay ang sistema ko sa tuwing kumikilos siya ng ganito. Nginitian niya ako at muling nagsalita.
"Mag bihis ka pagtapos mo kumain. Ipapasyal kita sa plantation." Napalunok ako habang tinititigan ang marahang paggalaw ng labi niya. Tumango ako ng wala sa sarili at pinagpatuloy ang pagkain.
"Wow!" bungad ko nang makita ang kabuuan ng kanilang lupain.
"Nagustuhan mo?" tanong niya at wala sa sarili akong tumango habang nakatuon pa rin ang buong atensyon sa ganda at lawak nito.
Dinala niya ako sa hindi ganoon kataasan na bundok na sakop pa rin ng kanilang hacienda. Sumakay kami patungo rito kaya hindi naman kami nahirapang umakyat. Ngunit kahit hindi ito ganoon kataas ay makikita pa rin simula rito kung gaano kalawak at kaganda ang tanawin.
"Hanggang saan ang sa inyo?" tanong ko nang mapansin na nakatingin siya sa akin. Marahan siyang umiwas ng tingin at nagsalita.
"Kung hanggang saan ang maabot ng tingin mo." Tumango ako at nilabas ang aking cellphone. Nilagay ko ito sa camera at kumuha ng ilang selfie.
"Are you happy?"
"Oo naman!" masigla kong sagot sa kanya at nakita ko ang marahan na pag angat ng kanyang labi.
"Let's take a picture then." Hindi pa ako nakaka-oo nang kunin niya bigla ang cellphone ko at agad itong itinaas.
"Wai—"
[click, click]
"Teka!", sabi ko sabay hablot sa cellphone. Naramdaman ko ang paglapat ng kanyang kamay sa aking balikat.
"Ang pangit ko naman dito." nakanguso kong sabi habang pinagmamasdan ang mukha kong nakanganga at nakatingin sa kanya habang siya naman ay malawak na nakangiti.
"Patingin..." lalo siyang lumapit sa akin nang hindi inaalis ang kamay niyang nakapatong sa balikat ko.
"Hahaha, nope. It's cute, send it to me." tanging untag niya at marahan na tumawa.
"Ayoko nga." sabay irap ko sa kanya at bahagyang lumayo. Ngunit hinigit niya lang ako lalo palapit sa kanya.
"Okay, let's take another one." Mabilis akong nabuhayan sa narinig. Yes! Mapaghahandaan ko na. Hehehe. Binigay ko sa kanya ang cellphone ko at muli niya itong tinaas.
"Ready?" Hindi na ako sumagot at marahang tumango na lamang. Ready na, nakangiti na ako!
"Okay... smile."
[click, click]
Huli na ang lahat nang maramdaman ko ang paglapat ng kanyang labi sa aking pisngi. Hindi ako agad nakagalaw sa bilis ng pangyayari. Narinig ko na lang ang marahan niyang pagtawa nang tignan ang huling resulta ng aming litrato.
"Better."
BINABASA MO ANG
Lost (Salazar Siblings Series #1)
RomanceThe original plan was to make Ethan Adrian Salazar fall for her. Unfortunately, she was dumped. But Natalie Chase Alejo will never give up. Kaya naman nang matupad na ang kaniyang pinapangarap ay abot langit ang kaligayahan niya. Hindi niya lubos ma...