KABANATA 13
my cousin
Madaling lumipas ang mga araw. Naging busy din ako sa sobrang daming gawain sa school. Ganoon din si Ethan. Pero simula noong gabing yun, Ethan seems to find a lot of ways para makipagkita sa akin. Minsan nga'y nagtataka ako kung may ginagawa pa ba siya sa kanilang eskwelahan dahil kung hindi kami nagkikita, ay magdamag naman kaming magka-usap sa telepono. Parang kami na, na hindi pa.
Ang labo noh? Katatapos lang ng kauna-unahan naming finals week ngayong taon. Hindi ako makapaniwala na tatlong buwan na ang lumipas. Tatlong buwan at ganito pa rin kami sa isa't-isa. Walang nagbago. Napangiti ako sa sariling pag-iisip. Hindi pa kami ay ganito na siya, paano pa kaya kung kami na?
Napadaan ako muli sa gym. Kagagaling ko lang sa locker room para magpalit ng damit. Dito kasi sa gym ginanap ang practical exam namin sa subject na PE. Nauna na si Coleen sa akin. Hindi ko pa nasasabi sa kaniya ang kasalukuyang ugnayan namin ng kapatid niya. Wala namang dapat sabihin dahil hindi naman kami. Pero malakas ang loob kong may alam siya at may nabanggit na si Ethan sa kanya.
Naagaw ng pansin ko ang mga naghihiyawang babae na naka upo sa may bleachers. May naglalaro kasi ng basketball ngayon. Karamihan doon ay mga pamilyar na mukha dahil seniors din sila tulad ko. Mayroon din namang juniors na kakaunti.
"Woooooooh! Go Zac!"
"I love you, Zac! Marry me!"
"Shoot the ball, ZACCARIAS!"
Napatingin ako sa mga babaeng baliw na baliw kakasigaw sa may bleachers. Tinignan ko ang lalaking kasalukuyang may hawak ng bola. Dela Vega ang nakasulat sa likod ng t-shirt nito na may malaking numerong 07 sa gitna.
Hindi pamilyar mukha nito, ngunit pamilyar ang kaniyang apelyido. Pero ngayon ko lang siya nakita eh. Siguro ay junior? Nagkibit balikat na lamang ako bago tuluyang lagpasan ang daan palabas ng gym.
Papalabas na ako nang maramdaman ang malakas na pwersang tumama sa aking balikat. Yung bola. Agad na pumanaw ang malalakas na sigaw sa gym kasabay ng pagbagsak ko sa sahig. Shit! Ang sakit. Napahawak na lang ako sa balikat ko na sa tingin ko ay namamaga at naramdaman ang pagdasa ng tao.
"Omygod! Alejo! Okay ka lang? I'm sorry!", sigaw ni Tomas. Kilala ko siya, isa siyang senior pero taga ibang section.
Hindi ako nakasagot. Nakatungo lang ako habang patuloy na hawak hawak ang balikat kong napuruhan. Narinig ko ang coach nila na nagpapatawag ng tulong sa clinic. Napakagat ako ng mariin sa aking labi. Sobrang sakit talaga noong tama sa akin pero kailangan ko ng umalis. Magkikita pa kami ni Ethan.
"O-okay lang ako." mahinang sabi ko. Duda akong may nakarinig noon dahil sa samo't-sari nilang pakikipag-usap sa isa't-isa.
"No, you're not. Come on." namimilog ang mata ko nang may biglang bumuhat sa akin.
"Good, Dela Vega! Bring her to the Clinic right now. And you Andrews, follow me in the office." mariin na utos ng kanilang coach. Tumango lamang ang lalaking may buhat sa akin habang hindi pa rin maalis ang tingin ko kay Tomas na pinatawag ng kanilang coach. Baka pagalitan siya!
"Sorry talaga, Aly." iyon ang huling sinabi ni Tomas bago tuluyang sinundan ang kanilang coach.
"Aahh."
"I'm sorry." Nasa clinic na kami ngayon. Chineck na ng nurse ang aking balikat pati na rin ng doctor para makasigurado. Wala namang nabali sa aking buto o anumang seryoso. Pero sabi nga nila, sobrang namamaga ito kaya kailangang lagyan ng cold compress. Pinainom na rin nila ako ng pain reliever.
BINABASA MO ANG
Lost (Salazar Siblings Series #1)
RomantikaThe original plan was to make Ethan Adrian Salazar fall for her. Unfortunately, she was dumped. But Natalie Chase Alejo will never give up. Kaya naman nang matupad na ang kaniyang pinapangarap ay abot langit ang kaligayahan niya. Hindi niya lubos ma...
