KABANATA 37

2.6K 55 0
                                        

KABANATA 37

Katerina


"Mom!" rinig ko ang banta sa boses ni Ethan. Nanuyo yung lalamunan ko sa narinig. Nagtaas lang ang kilay ng kanyang ina sa kanya bago ito muling magsalita.

"What? I was just telling her your history. Why? You didn't tell her about your ex- fiancé?" nanunuya nitong sabi.

"Coraline." bumaling ang tingin ni tito Enrico sa kanyang asawa.

"Enough." mariing sabi nito.

Mariin kong kinagat ang ibabang parte ng labi ko. Hindi ko kayang tignan si Ethan. Tila ba sinampal ako ng katotohanan. Engaged na pala siya. Noon pa! Kaya niya ba ako iniiwasan noon? Pero bakit ngayon pa, bakit ngayon pa na nahulog na ako ng tuluyan.

Nag-init ang mukha ko. Narinig kong kinakausap ni Ethan ang kanyang ama ngunit hindi ko na maintindihan ang mga pinagsasabi nila.

"Excuse me." paalam ko nang walang tinitignan ni isa sa kanila. Dire diretso akong pumasok sa restroom at binuksan kaagad ang cubicle na nandoon. Mabuti na lamang at walang tao. Napasandal na lang ako sa may dingding habang minumulat ang mata kong babagsak na. Hindi. Hindi ako pwedeng magpa apekto. Hindi ko pwedeng ipakita na nasasaktan ako.

Pero paano? Sigurado akong pinagtatawanan na ako ng ina niya sa kanyang isip. Sinasabihan akong tanga na nagpaloko ako sa anak niya. Pero niloko ba talaga ako ni Ethan? Niligawan niya ba ako kahit alam niyang magbabalikan sila noong ex fiancée niya? Ako ba ang ginawa nilang laro dito? Nanginginig akong nag tipa ng text sa aking cellphone.

[me]

The dinner was a mess. I was humiliated by Mrs. Salazar! I didn't know Katerina was engaged to Ethan. Did you know that?

Mabilis kong sinend iyon kay Zac. Huminga ako ng malalim bago lumabas sa cubicle at nagtungo sa sink upang maghugas ng kamay. Hindi ko alam kung babalik pa ba ako doon. Kailangan pa ba nila akong bumalik? Hindi na siguro. Darating naman si Katerina di ba?

Tumalon ng bahagya yung puso ko nang tumunog ito. Tinignan ko ang text message ni Zac.

[Zac]

What?! Where are you. Let's talk, I'll tell you everything. Send me your location ASAP.

Bumuntong hininga ako nang makita ang reply ni Zac. Agad kong sinend sa kanya kung nasaan kami. Hindi ko alam kung tama bang sumama ako sa kanya. Hindi pa nagpapaliwanag si Ethan...Kailangan kong marinig mismo sa kanya. Niloko niya lang ba ako? Kung totoo, nagmukha lang akong tanga kung ganoon! Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Kumuha ako ng tissue upang punasan ang pawis sa aking mukha. Napa-iling ako ng ilang beses. Na para bang hindi ako makapaniwala na nangyayari ang ganitong drama sa buhay ko.

Marahas kong binuksan ang pinto ng restroom at natagpuan ko doon si Ethan na nakahalukipkip. Agad namang nag angat ang tingin niya sa akin at sumilay ang mapupungay niyang mga mata.

"Aly..." tawag niya sabay angat ng kanyang kamay sa aking braso. Napako ang mga mata ko sa kamay niyang nakahawak sa akin. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Nasasaktan ako sa itsura niya pero sana alam niya ring nasasaktan ako para sa sarili kong katangahan.

"What?" I tried to be formal. I tried but my voice broke. Tangina.

"Aly, let me explain. Everything was a lie." nagmamadali niyang sabi. I bit my lower lip to prevent my tears from falling. Hindi ko alam kung alin ang mas masakit. Ang malaman ang totoo o ang pagtakpan ito ng isa pang kasinungalingan.

Bumaling ang tingin ko table namin na nasa malayo. Malayo ito sa restroom pero tanaw na tanaw ko ang likod ng isang babaeng matangkad at naka taas ang buhok sa isang bun. Naka suot ito ng pulang dress na hapit na hapit sa hugis ng kanyang katawan.

"Aly..." bumalik ang tingin ko sa mga mata ni Ethan na matamang nakatingin sa akin.

"Go back. Your fiancé is there." I said.

"No. Not without you." sarkastiko akong napatawa.

"What the hell, Ethan? What do you want me to do? Force myself to you? You are fucking engaged, and you didn't tell me? Tapos niligawan mo pa ako? Para ano, Ethan? Para saan?!" hindi ko na napigilan at tumaas na yung boses ko.

Parang nabuhusan siya ng malamig na tubig sa itsura niya. Ganitong ganito yung itsura niya noong nag-away kami noon, dahil din kay Katerina.

"Natalie, listen to me. Katerina is not my fiancé! I am fucking single when I courted you." diin niya. Hindi ako umimik. Ramdam ko ang tension na nanunuot sa katawan ko. Gusto kong magwala! Gusto kong sugurin ang nanay niya at sumbatan siya. Kung hindi pala iyon totoo ay bakit niya kailangang sabihin iyon sa harap ko? Tangina niya?

"We were arranged okay? That's the reason why Liam Cojuangco and I fought few years ago! He accused me of stealing his girl when in reality I didn't even know her at that time. Nalaman ko na lang na pinagkasundo kami noong sinugod na ako ni Liam. He was enraged, Natalie. He was fuming mad and I was mad too! Dahil bigla bigla niya akong sinugod nang hindi ko naman alam ang nangyayari! The issue was easily resolved by our parents. After that, Katerina dropped out. Iyon lang ang nangyari! No personal attachments, no feelings! Aly, hindi ko alam kung bakit iyon sinabi ni mom pero sana maniwala ka sa akin..." nanghihina ang kanyang boses. Hindi ko kayang tignan ang mata niya, ang mukha niyang nagmamakaawa. Alam kong lalambot na naman ang puso ko. Alam ko na mas papaniwalaan ko ang lalaking mahal ko kesa sa taong gusto lamang sumira sa amin kaya for the second time, I believe you Ethan. I believe in you kasi mahal kita at sana maramdaman mo iyon.

Dahan dahan akong tumango. At para bang nasilayan ng liwanag ang mukha niya nang bigla itong ngumiti at hinigit ako payakap sa kanya.

"I'm sorry. I'm sorry. I know you're hurt. I'm sorry for hurting you. I'll talk to mom. I promise. I'll talk to her. I'll ask her why she's acting like this." paulit ulit niyang sabi habang nakasandal lang ang tainga ko sa kanyang dibdib. Naramdaman ko pa ang paghalik niya sa tuktok ng aking ulo at muli akong niyakap ng mahigpit.

"Gusto mo bang bumalik? O hatid na kita pauwi?" seryoso niyang tanong nang kumalas ang yakap niya. Matipid akong ngumiti. Pagod na ako.

"Uwi na ako Ethan..." mahina kong sabi.

"Sige, ihahatid na kita." aniya at magsisimula na sanang maglakad ngunit pinigilan ko ang braso niya. Naka kunot ang noo niya nang umiling ako.

"Hindi na. Susunduin ako ni Zac. Bumalik ka muna sa table niyo." mahinahon ko sabi. Nagtiim ang bagang niya bago bumuntong hininga.

"Aly..." muli akong umiling nang mapagtantong ipipilit niya lamang ang gusto niya.

"Fix yourself Ethan. Fix your issues with Katerina, with your mom, with your family. Ayusin mo muna lahat iyon bago tayo mag-usap ulit. Kapag naayos muna iyon ay wala na tayong problema. Dahil iyon lang ang tanging nagpapalayo sa atin sa isa't isa. I can clearly feel that your mom dislikes me... I don't expect you to force her to like me but please, can you tell her to show me some respect. I am not just a girl, Ethan. I am your girlfriend and I am a child of my own parents. I'm sure she will also hate it when someone is being cruel to her own child."

Mariin kong sabi. Tumango tango lamang siya kahit na alam kong medyo masakit sa kanya na pag salitaan ko ang mommy niya ng ganon pero sana maintindihan niya na hindi na rin ako papayag na ganunin ako ng mommy niya.

"I'll go now." tinalikuran ko na siya. Hindi ko na rin muling nilingon ang lamesang pinanggalingan ko. Paglabas ko ay namataan ko ang puting Ford ni Zac. Agad akong pumasok sa loob noon at ilang minuto pa ang lumipas bago ako muling magsalita.

"Tell me everything you know." seryoso kong sabi habang diretso pa rin ang tingin sa daan. Tumango siya at pinaharurot na ang kanyang sasakyan.

Lost (Salazar Siblings Series #1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon