KABANATA 32

3K 67 0
                                        

Warning: SPG

-

KABANATA 32

like that, baby


"Good morning." napatingin ako sa kanya habang kinukusot pa ang aking mata.

"Good morning." malumanay kong bati habang nilalapag niya sa kama ang tray na dala niya.

"Breakfast in bed." nakangiti niyang sambit, tumango ako ng may galak sa aking mukha.

Umupo siya sa harap ko at pinagmasdan akong kumain. Bacon and egg and niluto niya at fried rice. Katabi nito ay salad at isang basong gatas.

"How was your sleep?"

"Great!" nakangiti kong tugon, sinuklian niya rin ito ng mas malawak na ngiti.

Dito na kasi ako natulog sa kanila matapos naming kumain kagabi. Nagtext na lang ako kay mama na okay lang kami at dito na ako magpapalipas ng gabi dahil mahirap na magdrive kung ihahatid niya pa ako. Umuwi yung mga kaibigan niya na tumulong sa kanya.

"Akala ko hindi ka papayag na dito matulog..." nakanguso niyang sabi at marahan lang akong tumawa. Dito kasi ako natulog sa kanyang kwarto. Special request niya! Ngunit, natulog lang kami. Walang ibang naganap ha!

"Siyempre, sabi mo e." tugon ko habang hindi pa rin napapalis ang ngiti sa labi.

"Kumain ka na ba?" tanong ko nang maalala na ako lang ang pinapakain niya.

"Oo." mataman ko siyang tinignan.

"Hindi pa e."

"Oo nga..." natatawa niyang sabi.

"Ah..." sabi ko nang mailagay sa isang kutsara ang kanin, itlog, at bacon.

"Kumain na nga—" nilagay ko na sa bibig niya yung pagkain. Umiiling iling naman siya habang nginunguya ang pinasubo ko sa kanya.

"Sarap magluto ng boyfriend ko diba?" pagmamalaki ko sa kanya.

"Sino ba yang boyfriend mo miss?" patol niya sa aking biro.

"Secret. Baka agawin mo e." sabi ko sabay inom ng gatas.

"Aba. Baka mas gwapo pa ako dyan." natatawa niyang sabi.

"Siyempre... ikaw yun e." inangat ko ang aking tingin ay nakita ko ang pagpula ng kanyang mukha.

"HAHAHAHHAA!" tawa ko sabay talikod niya sa akin.

"K-kumain ka na nga dyan." nauutal niyang sabi at saka ako tinalikuran upang makalabas ng kwarto. Naiiling akong tinapos ang aking agahan habang natatawa pa rin sa itsura ng kanyang mukha.

Nang matapos ako ay sakto rin pumasok siya sa loob at dire-diretso sa banyo. Hindi man lang ako tinitignan.

"Huy! Loverboy!" sigaw ko sa kanya ngunit agad niyang sinarado ang pinto ng banyo. Marahan ko itong kinatok habang palihim na humahagikgik.

"Baby... galit ka?" paawa kong tanong sa kanya. Ngunit hindi siya sumagot. Narinig ko na lang ang rumaragasang tubig hudyat na nagshoshower na siya.

Tinalikuran ko na ang bathroom at kinuha na lamang ang tray para maibaba. Pag-alis ko sa kusina ay nakasalubong ko pa si Aling Leticia na papunta roon.

"Hello po! Kamusta po?" bati ko sa kanya. Bahagyang kumunot ang kanyang noo ngunit agad rin naman itong nawala saka siya sumagot.

"Nako! Lily! Ayos lang naman. Ikaw? Balita ko pinauwi ni Yanyan ang lahat ng trabahador kagabi para sa surpresa niya sa'yo ahh..." panunukso nito.

Lost (Salazar Siblings Series #1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon