KABANATA 49

3.6K 70 1
                                        




           

KABANATA 49

can we talk


"What do you think?" excited kong tanong sa kanya. Pinasadahan niya ito ng tingin habang lumiliit ang mga mata.

"Not bad..." aniya sabay ngisi. Inirapan ko lamang siya at kinuha ang papel kung nasaan naka drawing ang design ko para sa kanilang winery.

"Oops. Not so fast, baby." aniya nang higitin ang beywang ko kaya naman napa upo ako sa kanyang kandungan.

"Ethan!" namimilog pa ang mga mata ko at hindi makapaniwala sa nangyari.

"Hmm?" aniya habang nakabaon ang kanyang mukha sa aking leeg. Naramdaman ko naman ang paghigpit ng nakapulupot niyang kamay sa beywang ko.

Ngumuso na lamang ako dahil naglalambing siya. Binaba ko ang papel na hawak sa table niya at naramdaman ko ang pag-angat ng kanyang ulo.

"Let's stay like this the whole day..." bulong niya. Bahagyang nagtayuan ang balahibo ko dahil sa pagdikit ng labi niya sa balat ko.

"Ethan...we're working." sabi ko kahit na taliwas ito sa gusto kong mangyari.

"Hmm?" naramdaman ko ang marahan niyang paghalik sa leeg ko. Halos hindi ako gumalaw dahil nakatuon ang buong atensyon ko sa mainit niyang labi na tumatama sa balat ko.

"Ethan..." daing ko nang maramdaman ko na may tumutusok sa aking likuran. Bahagya siyang natawa nang mapansin na hindi ako komportable. Unti unting lumuwag ang braso niya sa beywang ko kaya naman agad ko siyang hinarap.

"Magtrabaho muna tayo..." sabi ko nang masalubong ang mapupungay niyang mga mata.

Tumango siya at ngumuso. Nanliliit ang mga mata ko nang mapansin ang katagalan ng pag nguso niya kaya naman hinalikan ko ng bahagya ang kanyang labi.

"Isa pa..." aniya nang humiwalay ako. Kaya naman inulit ko ito.

"One more..." muli niyang sabi.

"Ethan..." banta ko.

"Last na talaga hehe." sabi niya kaya naman inulit kong muli ang pag halik sa kanyang labi.

Ngunit sa pagkakataong ito ay diniin niya ang batok ko dahilan kung bakit ang marahan na pag halik ay naging malalim.

Gusto kong itulak ang kanyang dibdib at humiwalay, pero tila naging alipin ako sa mga halik niyang nakakalunod. Nawala lahat ng dahilan at naka planong gagawin sa aking isip nang magpa-ubaya ako sa matamis niyang halik.

"Ethan— " napatalon ako nang padabog na bumukas ang pinto opisina ni Ethan at niluwa nito si Dean na naka kunot ang noo.

Agad akong napatayo sa pagkakakandong kay Ethan at inayos ang sarili ko. Saglit niya akong dinaanan ng tingin at agad din itong bumalik kay Ethan. Matatalim ang ipinukol niyang tingin dito nang maramdaman ko ang pag tayo ni Ethan sa tabi ko.

"What?" walang ganang tanong ni Ethan. Napansin ko ang pasa sa gilid ng labi ni Dean na natamo niya kagabi.

Namumula pa rin ito at sa tingin ko hindi niya ito nagamot ng maayos. Akmang magsasalita sana ako para kamustahin siya nang bumaling muli ang tingin niya sa akin bago magsalita.

"Can we talk?" tanong niya sa akin. Mabibigat na hininga ang pinakawalan niya nang sambitin niya iyon.

Mabilis naman akong tumango at tumingin kay Ethan na ngayon ay naka kunot na ang noo.

Lost (Salazar Siblings Series #1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon