KABANATA 29

2.8K 61 0
                                        

KABANATA 29

i'll wait


Hinatid niya ako sa bahay ng gabing iyon. Hindi na muli siyang nagsalita. Tinikom ko na rin ang bibig ko dahil nawalan na ata ako ng boses kakasigaw at kakaiyak sa kanya.

Biyernes na, at simula ng gabing iyon ay halos oras oras ata siyang nagtitext sa akin. Tuwing hindi ako nagrereply ay tinatawagan niya ako.

[Ethan]

Kumakain ako ng ice cream. Ikaw? Nasaan ka?

Napangiwi ako sa text niya at hindi na lang 'to pinansin.

"So, what do you think?" ana ni Zac nang makarating kami sa rooftop. Nitong mga nakaraang araw, ay si Zac lang din ang kasa kasama ko. Hindi ko kayang harapin si Coleen dahil natatakot akong mag tanong siya tungkol sa amin. Hindi rin naman naging mahirap iyon dahil lagi siyang may ginagawa after class. Ewan ko ba doon, mukhang naging teacher's pet na.

"Ano nga ulit 'yon, Zac?" nagtataka kong tanong at umiling na lang siya habang natatawa.

"Sabi ko, magpaparty tayo sa birthday mo!" maligaya niyang sabi.

Tumango ako. Birthday ko na nga pala next week. Kung ano ano pang sinabi ni Zac matapos noon. Kesyo kung anong cake ba daw ang gusto ko, anong drinks, kung umiinom ba ako at kung ano ano pa.

Tango lang ako ng tango para malaman niyang nakikinig ako kahit na sa totoo ay lumilipad ang isip ko sa kung saan.

Bahagya akong napatalon nang muling tumunog ang cellphone ko. Tinignan ko muna si Zac na nakatingin sa malayo habang nagkukwento tungkol sa pagma-migrate ng mga ibon. At saka ko sinilip ang cellphone kong umilaw.

[Ethan]

Why are you not replying?

[Ethan]

I'm on my way to my car now.

[Ethan]

I'll be there in 20 minutes.

[Ethan]

Papasok na ako sa school mo. Nasaan ka

Napabuntong hininga ako sa sunod sunod niyang texts. He is overreacting. And I hate that he's not taking this seriously. Ngayon naman pinapamukha niya akong paranoid na girlfriend, what the hell? Mabilis akong nag-tipa ng text sa aking cellphone.

[me]

Stay where you are. Ako na pupunta.

Hindi pa ako nakakalingat nang muling tumunog ang aking cellphone.

[Ethan]

Nasa bench ako, see you... (kiss emoji)

Napairap na lang ako sa hangin bago balingan ng tingin si Zac.

"Una na ako, Zac..." marahan kong paalam sa kanya. Ngumuso siya bago tumango.

"Hatid na kita."

"Nasa bench lang naman siya." tumango siya at iginiya na ako papalabas ng rooftop.

Habang tumatagal ang panahon ay mas lalo na akong nagiging kumportable kay Zac. Hindi na tulad noon na may pagka awkward o tension akong nararamdaman sa kanya. Ngayon, mas naging maintindihin siya sa akin. Nakikinig siya sa mga hinaing ko at hinahayaan niya ako sa kung anong gusto kong manyari.

Lost (Salazar Siblings Series #1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon