KABANATA 36

2.7K 59 1
                                        

           

KABANATA 36

fiancé


Ilang beses kong pinabalik balik ang tingin ko sa salamin. Isang Gucci V-neck silk and wool dress ang suot ko. Pinarisan ko ito ng faux leather platform sandals from Stella McCartney.

Alam kong maayos na ang itsura ko ngunit hindi ko pa rin malubayan ang sarili ko at pilit kong tinitignan kung may mali ba sa akin sa salamin. Naka kulot ang buhok ko into a half ponytail at mayroon lamang akong light make up. Nothing fancy, just a cheek and liptint and eyebrows dahil hindi ko naman na kailangang mag foundation.

Ilang beses ko pang binalik balikan ang itsura ko bago ko napagtantong nandyan na pala si Ethan. Mabilis akong nagpaalam kay mommy at dumeretso na sa pulang Mazda.

I wonder if she knows what's going on between me and Ethan's parents. Nagkibit balikat naman ako at naramdaman ang pagtunog ng makina ng sasakyan niya.

"You ready?" ngiti niya sa akin. Dahan dahan akong tumango at ngumiti pabalik. This is it!

This is the second time I will be meeting his parents. I should just shrug off the first time kasi hindi naman iyon planado.

Maybe kaya talaga ganoon ang naging asta ng mommy ni Ethan ay dahil pagod siya. Ngayong mas matagal tagal na ang nakaraan siguro naman ay nakapag pahinga na siya at hindi na niya ako pag-iinitan?

Bahagyang lumakas ang kabog ng dibdib ko nang mamataan ang The Gustavian. Tila nawala ako sa aking sarili at sa mga pinaraktis kong mga linya dahil sa pagkabahala. Hindi ko lubos matanggap na ganito ang magiging reaksyon ko sa pamilya ng lalaking mahal ko.

Akala ko pa naman, hindi na big deal ngayon iyon. But oh well. We are talking about Ethan Salazar here. Sino ba naman ang makatatanggap ng babaeng mamahalin nito nang basta basta lang?

"Aly..." napatalon ako nang tumigil ang makina ng kotse. Nakakunot ang noo niya ngayon habang pinagmamasdan ang itsura ng aking mukha.

"Are you okay? Namumutla ka." nag-aalala niyang tanong at biglang lumipad ang Kamay niya sa aking noo at leeg. Umiling lamang ako at binigyan siya ng matamis na ngiti.

"Let's go." nakangiti kong sabi kahit na sa loob loob ko ay ayaw ko na tumuloy. Bakit ko nga ba naisipang pumayag sa dinner na ito?

Umikot ang ulo ni Ethan habang hinahanap ang table na nireserve nila. Nakahawak siya sa kamay ko at mas lalo akong napahigpit ng hawak dito nang hilahin niya ako papunta sa table kung nasaan ang kanyang mommy, daddy at si Coleen. Sinalubong ako ng ngiti ni Coleen at niyakap niya ako na para bang ang tagal naming hindi nagkita.

"Aly!" aniya at ngumisi sa akin. Ngumiwi ako. Mukhang wala talaga siyang ideya na hindi ako gusto ng mommy and daddy nila para sa kapatid niya.

Pinaghila ako ni Ethan ng upuan. Kaharap ko si Coleen samantalang kaharap naman niya ang kanyang mommy. Nasa gitna ng hapag ang kanilang daddy na tahimik lamang na nagmamasid.

"Good evening po." sinikap kong hindi mautal habang sinasabi iyon. Nakatungo lang ang ulo ng kanyang mommy habang tumango naman ang kanyang daddy at matipid na ngumiti.

Itinaas ni Mr. Salazar ang kanyang kamay dahilan kung bakit lumapit ang waiter sa kanya. Binulungan niya ito at tumango naman ito saka naglakad paalis.

"We haven't formally introduced ourselves to you, Natalie. I am Enrico Adriel Salazar, Ethan and Coleen's father. And this is Coraline Salazar, my wife and their mother." matipid na ngumiti si Mrs. Salazar sa akin at dahan dahan naman akon tumango kay Mr. Salazar.

Lost (Salazar Siblings Series #1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon