KABANATA 15

3.6K 84 0
                                        

KABANATA 15

kilala ko lahat


Lumipas ang linggong ito na hindi kami nakakapag-usap ni Ethan. Walang text, walang tawag. Wala! Grabe. Hindi ko lubos maisip na kaya niya akong tiisin ng ganito. Na nagagawa niya pang makipag catching up sa iba, samantalang ako nababaliw na kakaisip kung kailan ulit kami magkakaayos!

Naging magandang distraction din para sa akin ang papalapit na Quiz Bee. Dahil wala akong ginawa kundi mag-aral ng mag-aral at hanapin ang X.

"Aly, do you have a shorter way to solve this?" naguguluhang tanong ni Zac habang nakatingin sa reviewer namin.

Oo, lumipas din ang linggong ito na si Zac ang halos kasama ko. Bihira na kaming magkita ni Coleen na siyang kinababahala ko. Lagi na kasi siyang nauunang umuwi. Hindi ko na rin tinatanong ko saan siya minsan nagpupunta. Sa palagay ko ay kinikita niya ang mga kaibigan niya sa labas ng school. Okay lang naman sa akin. Dahil naging abala rin naman ako sa pag hahanda sa nalalapit na Quiz Bee.

Tumango ako kay Zac habang sinusulat yung formula na madalas kong ginagamit para sa problem na 'to. Time pressured kasi ang labanan sa Quiz Bee. Kahit tama pa ang sagot mo, kung mabagal ka naman mag solve ay wala kayong pag-asang manalo.

Marahang ngumiti si Zac nang ma-gets niya ang itinuro ko sa kaniya. Saka kami nagpatuloy mag-review at mag-aral buong hapon.

"Uwi ka na?" tanong ni Zac nang matapos kaming mag-aral.

"Oo."

"Hatid kita." hindi iyon tanong. Pero hinintay niya pa rin ang sagot ko.

"Baka may gagawin ka pa." sabi ko sabay lagay ng bag sa aking likod. Tapos na siya mag-ayos at pinagmamasdan niya na lang ang bawat kilos ko.

"Wala sa ngayon. Tara." hindi na niya ko hinayaang makasagot at marahan na niyang hinila ang kamay ko.

Madalas akong ihatid ni Zac nitong mga nakaraang araw. Dahil nga hindi kami maayos ni Ethan, ay walang sumusundo sa akin! Minsan nag tataxi ako kapag nakakapag dahilan ako kay Zac. Ang hirap din kasi niyang tanggihan dahil sobrang bait niya sa akin.

Hindi na rin ako ulit maka request sa aming driver dahil malalaman 'yon ni mommy. Eh ang pagkakaalam niya, si Ethan na ang parating naghahatid sa akin gawa ng kaniyang panliligaw.

Ayoko ng lalo pang gumulo ang sitwasyon kaya hinahayaan ko na lang na umagos ang mga pangyayari. Napabuntong hininga ako.

"Gusto mo munang kumain? Medyo gabi na rin.", pag-aalok ni Zac. Kasabay nito ang pagkalam ng sikmura ko. Oo nga pala, hindi ako nakapag lunch kanina dahil sa pagiging abala sa pag-aaral.

"Sige, kain tayo.", sagot ko sabay ngiti sa kaniya. Muli niya rin akong nginitian bago pinaandar ang kaniyang sasakyan, puting Ford ito.

Hindi mabilis magpatakbo si Zac. Ramdam ko ang pag-iingat niya sa pag drive. Kahit na alam kong kaya niya pang bilisan ang pagpapatakbo nito, hindi niya kailanman ginawa 'yon. Nakarating kami sa isang restaurant. Pinili niyang kumain kami sa Mexican Grill kahit na sabi kong okay na ako sa drive thru.

"Ano ka ba, Aly. This is the first time that we're eating together. I want it to be nice for you." natatawang sabi ni Zac habang pinagbubuksan ako ng pintuan papasok sa Grill.

"Kumakain naman tayo ng lunch madalas ha." sagot ko.

"This is different." maikli niyang sagot at saka ako iginiya sa table na uupuan namin.

Lost (Salazar Siblings Series #1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon