KABANATA 45
nagbabasag ka na naman
"Hello?" napangiti ako nang marinig ang kanyang boses. Kasalukuyan akong naglalakad papalabas ng Mactan International Airport.
"Hi Zac! I'm here sa may unahan." ginala ko ang mga mata ko at natagpuan ang pamilyar na pares ng mga mata. Agad niyang binaba ang cellphone niya at dali daling naglakad papunta sa akin.
"I'm back!" masigla kong sabi. Ngumuso lamang ito na para bang nagpipigil ng ngiti. Ngumuso rin ako para magkunwari na nagtatampo.
"Hindi mo ako na-miss." bulong ko habang tinutulak niya ang cart kung saan nakalagay ang mga maleta ko.
"Na-miss..." aniya at saka ko nakita ang mga ngiti na sumilay sa kanyang labi. Napangiti naman ako.
"Binibiro lang kita! Alam kong na-miss mo ko ano." sabi ko habang pinapanood siyang ilagay ang mga maleta ko sa likod ng kanyang Range Rover.
"You haven't contacted me for what? Four years, Aly? Then all of a sudden bigla kang magpaparamdam at sasabihin mong uuwi ka na." napangiwi ako nang mahimigan ang pait sa kanyang boses. Tama siya. Simula noong umalis ako ay pinutol ko ang lahat ng koneksyon ko sa Pilipinas. Wala akong kinausap maging si Coleen, like lalo na siya noh. Hindi na rin ako nakapag paalam sa kanya. Maaaring galit sila sa akin, o nagtatampo. Pero sana maintindihan nila na ginawa ko yun para sa ikabubuti ng lahat.
"Zac, I have no choice. Alam mo naman diba..." tangi kong sagot at narinig ko ang pagbuntong hininga niya.
"Yes, I know, and I understand. Hindi ko lang matanggap na tiniis mo ako. Tiniis mo kami...dahil lang doon. Tapos ngayon uuwi ka dahil sa kanya..." dagdag pa niya. Napalunok ako nang marinig iyon. Ayokong pag-usapan namin siya. Ayokong may malaman ako tungkol sa kanya. Basta ang alam ko lang, he is probably married by now, or maybe may anak na sila. Sa tinagal tagal ba naman ng taon.
"Zac, hindi siya ang dahilan kung bakit ako umuwi. I am here for work. At si Mr. Enrico Salazar ang nag-offer ng work sa akin. I'm sure siya lang ang makikita ko dahil siya naman ang CEO diba." bahagyang kumunot ang noo niya bago muling ibinaling ang tingin sa akin. Akmang may sasabihin pa sana siya nang may pumitpit sa kanyang kotse kaya naman agad niya itong pinaharurot.
"Diretso ka ba sa hacienda?" nakataas ang kanyang kilay nang tinanong ito. Dahan dahan akong tumango at nag igting lamang ang panga niya.
Wala naman akong magagawa. Nakapag-usap kami ni Mr. Enrico Salazar. Ang sabi niya pagkababang pagkababa ko sa eroplano ay dumiretso daw ako sa kanilang Hacienda sa Sibonga. Pinilit ko na kukuha na lamang ako ng hotel sa Cebu pero sinabi niyang mas maigi kung doon ako mags-stay. Para na rin makita ko ng personal ang itsura ng lupa. Kahit na sariwa pa naman sa akin ang itsura noon ay pumayag na lamang ako dahil utos iyon ng boss ko.
Hindi ko namalayan ang oras at nakatulog ako sa biyahe. Mga alas kwatro ng hapon lumapag ang eroplano na sinakyan ko kaya naman hindi na ako nagtaka na papalubog na ang araw sa labas nang magising ako. Napatingin sa akin si Zac nang gumalaw ako at umayos ng upo. I feel bad for him kasi naistorbo ko pa siya at siya pa ang nag drive para sa akin.
"Are you tired?" nakanguso kong sabi habang pinapanood siyang mag maneho. Umiling naman siya at matipid na ngumit sa akin. Tumango ako at nag-isip ng pwede naming pag-usapan.
"Kamusta pala? Saan ka nagwowork?" I asked out of curiosity.
"Sa branch ni dad sa Manila, habang hindi ko pa natatapos ang mga taon sa med school." paliwanag niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/138932569-288-k597361.jpg)
BINABASA MO ANG
Lost (Salazar Siblings Series #1)
RomanceThe original plan was to make Ethan Adrian Salazar fall for her. Unfortunately, she was dumped. But Natalie Chase Alejo will never give up. Kaya naman nang matupad na ang kaniyang pinapangarap ay abot langit ang kaligayahan niya. Hindi niya lubos ma...