KABANATA 11
don't leave me
"Hi.", umaliwalas yung mukha niya nang makitang paparating na ako.
"Hi... kanina ka pa?" kaswal kong tanong habang sinisikap pigilan ang sarili kong sunggaban siya. Damn, I miss this guy!
"Nope. Let's go." at pumasok na ako sa kanyang pulang Mazda.
Hindi mabilis ang pagpapatakbo niya ngayon di tulad ng dati. Wala naman akong tension na nararamdaman sa pagitan namin kahit na walang nagsasalita. Siguro, pareho pa kaming nangangapa sa kung anong sasabihin namin sa isa't-isa matapos nang nangyari two months ago.
"Paano si Coleen?" pagsisimula ko. Uwian na kasi ngunit hindi namin siya kasabay. Noong nandidito pa siya nag-aaral, lagi silang sabay umuuwi ng kapatid niya. Ngayong college na siya, hindi ko alam kung anong plano nila.
"She texted me, pauwi na raw siya." tumango ako. Baka sinundo noong driver nila Ethan.
"How's University of San Carlos? Any new friends?" masigla kong tanong. Siguro masaya dahil maraming bagong mukha. Pero nang maisip kong mas lalong dadami ang titingin kay Ethan ay biglang napawi ang kaligayahan sa mukha ko at napalitan ng pagka- bwisit. Narinig ko ang marahan niyang pag-tawa kaya nilingon ko siya.
"What's so funny?" tinaasan ko siya ng kilay pero umiling lang siya. Ngumuso naman ako dahil ayaw niya akong sagutin. Nakangiti pa rin siya hanggang ngayon at napansin ko ang pamilyar na lugar sa labas.
"You look so cute when you're jealous.", napakunot ang noo ko at mabilisan siyang sinagot.
"I'm not!" pagtatanggi ko pero huli na ang lahat dahil nakalas na niya ang kaniyang seat belt kasabay ng pagbukas ng pinto ng kaniyang kotse. Napa-irap ako sa hangin. Sinong may sabing nag seselos ako? Wala naman ah.
"Stop." napatalon ako sa boses niya. Binuksan niya na pala ang pintuan ng sa aking gilid sabay tanggal sa seat belt ko.
"What?" pagtataka ko. Anong titigilan ko?
"Stop overthinking. Come on.", sabay hila sa kamay ko papasok sa building ng condo niya. Habang patungo sa elevator, napansin kong maraming napatuon ang atensyon sa amin. Nakahawak pa rin siya sa kamay ko pero duda akong 'yon ang tinitignan nila.
Hindi nakakagulat na mabighani sila sa itsura ng lalaking kasama ko. Kaswal ang suot niyang damit. Naka suot siya ng dark denim jeans at puting t-shirt naman sa pang-itaas. Pinatungan ito ng dark checkered flannel na nakabukas ang lahat ng butones.
Napatingin ako sa sarili ko, puti ang pang-itaas ko na long sleeve blouse na may dark blue na ribbon sa gitna. Ang pang baba ko naman ay isang plaid high-waisted mini skirt na hanggang ibabaw ng tuhod ko. Napa-iling ako nang mapag tanto ang itsura naming dalawa. Mukha siyang binatang binata sa itsura at kilos niya at sigurado akong mapagkakamalan akong kapatid niya kung sino man ang makakita sa amin.
[ting]
Pumasok kami sa elevator na may dalawang babae at isang lalaki sa loob. Pinindot niya ang floor kung saan kami bababa. Nasa unahan kami kaya naman rinig ko ang bulungan ng dalawang babae. Malapit ang dalawang babae sa bandang likuran ko, samantalang yung nag-iisang lalaki naman ay nasa bandang likuran ni Ethan.
Pinag-uusapan nila ngayon si Ethan, kung gaano ito kagwapo at balak na paghingi sa numero nito bago lumabas. Napangiwi ako sa narinig. Hindi ako makapaniwala sa nag-aalab kong pakiramdam ngayon. Naramdaman ko ring biglang uminit sa loob ng elevator. Bakit ba kasi ang taas taas ng floor niya?
BINABASA MO ANG
Lost (Salazar Siblings Series #1)
DragosteThe original plan was to make Ethan Adrian Salazar fall for her. Unfortunately, she was dumped. But Natalie Chase Alejo will never give up. Kaya naman nang matupad na ang kaniyang pinapangarap ay abot langit ang kaligayahan niya. Hindi niya lubos ma...
