KABANATA 47
siguro si Dean
"What?! He said that?!" tumango ako sa harap ng laptop.
Nag-iinit na naman ang aking mga mata dahil muling nanumbalik sa aking sistema ang nangyari noong araw na 'yon. I heard him sighed when he saw my reaction.
"Aly... you want me to go there?" nag-aalala nitong tanong. Agad akong umiling. Hindi naman aabot doon ang gusto kong mangyari. Gusto ko lang ng may maka-usap.
"I want to go home." nanghihina kong sabi at muli na namang pumatak ang luha sa aking mga mata.
I can't believe this is happening. A week has passed at ganito pa rin ako. Isang linggo na ulit ang nakalipas simula noong nangyari iyong as office ni Ethan.
Bigla siyang naglaho ng parang bula. Siguro ay bumalik doon sa Manila, kung nasaan ang asawa niya. Mabuti naman! Doon na siya, huwag na siyang babalik dito. Akala ko ay hindi na ako magkakaroon ng lakas ng loob sabihin ang tungkol dito dahil sa kahihiyan. Anong tingin niya sa akin? Papayag ako maging kabit? Gago ba siya?
"Shhhhh. It's okay. Hayyy. Akala ko pa naman magkakasundo kayo kahit papaano." sabi ni Jess habang umiiling iling.
"Jess, you can never be friends with someone you used to love. Lalo na at hindi kami nagkaroon ng maayos na closure. Ang tanga tanga ko rin kasi! Dapat hindi ko na lang siya hinayaang gawin iyon sa akin. Bakit ba kasi ang hina hina ko at bumigay agad ako." reklamo ko. Tama, kung hindi ako pumayag magpahalik sa kanya ay hindi mangyayari 'yon.
"Aly, it's not your fault. Siya ang may kasalanan. It's not your problem he can't resist you." bumagsak ang balikat ko. Hindi, kasalanan ko talaga. Dahil mismong ako, hindi nakapag pigil. Mismong ako, hindi siya tinanggihan.
"Ibig sabihin mahal mo pa talaga siya hanggang ngayon." napatingin ako sa kanya. Hindi siya nagtatanong. Sinasabi niya iyon na para bang siguradong sigurado siya sa kanyang nahinuha.
"Unfortunately, yes." sabi ko.
After all that I've been through. After all these years, siya pa rin. And I hate it! I hate that I still love him because no matter what happens, hindi na kami pwede. Kahit anong gawin ko, kahit ilang beses pa niya akong halikan, kahit na pumayag pa ako sa kanya, hindi maalis noon ang katotohanan na nakatali na siya at hinding hindi ako ang pipiliin niya.
Our story has been told. But it's also been over simula nang mag desisyon ako para sa relasyon namin. I once said na dapat kaming dalawa ang mag desisyon para sa isa't-isa. Pero binali ko ang sarili kong prinsipyo para sa ikabubuti niya.
Kung alam niya lang kung gaano kahirap sa akin 'yon. Hindi ko maitatanggi ang paghihirap na dinanas niya, pero sana maintindihan niya rin na hindi lang siya ang nasaktan. Nasaktan din ako dahil mahal ko siya! At wala akong magawa kundi magpaubaya.
"Siguro mag-iinom na lang muna ako." wala sa sarili kong sabi.
"Are you sure? Wala ako diyan. Sinong kasama mo? Sinong isasama mo?" napa-isip ako doon.
At agad na pumasok sa isip ko si Dean na isang linggo na rin akong kinukulit. Of course, hindi ko sinabi sa kanya ang nangyari. Hindi ko rin alam kung may alam ba siya tungkol sa amin ni Ethan. Pero siguro ito yung tamang pagkakataon para paunlakan siya.
"Siguro si Dean." sabi ko at nagsimula na akong asarin ni Jesse.
Hinayaan ko lamang siya sa panunukso niya hanggang sa magdesisyon akong maligo at mag-ayos. Tinext ko na rin si Dean at susunduin niya daw ako ng ala sais.
BINABASA MO ANG
Lost (Salazar Siblings Series #1)
Любовные романыThe original plan was to make Ethan Adrian Salazar fall for her. Unfortunately, she was dumped. But Natalie Chase Alejo will never give up. Kaya naman nang matupad na ang kaniyang pinapangarap ay abot langit ang kaligayahan niya. Hindi niya lubos ma...
