WAKAS
"Mr. and Mrs. Salazar?" nag-angat ako ng tingin nang marinig ang pag tawag ng doctor.
"Come on, son" my dad said as he rested his hand on my shoulder. Tumango ako at tahimik silang sinundan papasok sa loob ng office ng doctor.
Ilang linggo na kaming pabalik balik dito. Madalas kasi akong mahilo at lagnatin. Sabi noong mga unang resulta ay over fatigue lang daw at kulang lang ako sa tulog. Binigyan ako ng ilang gamot para doon. Nawala naman ito matapos ang isang linggo pero bumalik ulit. And this time, hindi lang lagnat at pagka hilo. Nag durugo na rin ang ilong ko at mas ramdam ko ang panghihina sa hindi malamang dahilan.
"You are Ethan Salazar's parents?" pag kumpirma ng doctor. Agad na tumango ang mga magulang ko bilang pag sagot. Mataman akong tinignan ng doctor na para bang sinusuri ang itsura at magiging reaksyon ko.
"So, we've ran in another set of tests to your son. And this time, we've found out that your son is experiencing the symptoms of an Acute Lymphocytic Leukemia. I will contact a few specialists on the Oncology Department for you to have a second opinion regarding—"
Hindi ko na narinig pa ang mga sinabi ng doctor. Kung ano ano pa ang pinaliwanag nito tungkol sa kung anong klaseng sakit mayroon ako.
I looked at my parents. My mom was crying, my dad was patting my mom's shoulders. Tumatango tango pa rin ang ulo ni dad habang nakikipag-usap sa doctor.
Hindi ko alam ang mararamdaman ko. I have cancer?
Ang sarap tawanan at isiping nagbibiro lamang ang doctor pero, hindi. I have leukemia and I'm not sure kung gaano ito kalala. I'm not sure if I can still do the things I want to do or reach the goals I have in life.
I am not giving up. But I am not dumb to not think that it wouldn't affect my life 'cause it will.
"Two more months. Will you let me finish graduation before proceding to any of those treatments?" nagkatinginan ang parents ko. Ganoon din ang ginawa ni Dr. Gonzaga.
Napatingin siya sa parents kong tahimik na nagbubulungan bago siya kausapin ni dad. Tumango tango ang doctor bago muling mag salita.
"Okay, Mr. Ethan Salazar. We will start your induction therapy on April. Until then, I will give you some medications that you need to take to alleviate the pain you are feeling from your symptoms. You also need to follow a proper diet and drink lots of water..."
Mabilis na lumipas ang mga araw. Pinagpatuloy ko ang pag pasok sa school. Nagdaan din ang birthday ng kapatid ko na si Coleen. Masaya niyang pinagdiwang ang kaarawan niya nang hindi nalalaman ang lagay ko.
Ayokong masira ang araw niya o ang mga plano niya dahil lang sa akin. Kaya pinaki- usapan ko sila dad na huwag muna itong sabihin sa kapatid ko.
"I know how disappointed you are right now, unfortunately I will be your date for tonight, so you have no other choice but to take my hand or I will take yours."
Palihim akong napangisi nang makita ang gulat na reaksyon ng mukha niya. Agad kong pinagsiklop ang mga kamay namin at sabay na pumasok sa venue.
"Coleen, can I borrow your phone?" napatingin ako sa kanila nang marinig iyon.
Bahagyang nagtama ang mga mata namin ni Coleen. I was about to signal her na huwag pero nakuha na ito ni Aly at agad na tumayo sa pagkaka-upo.
Wala naman talagang alam ang kapatid ko sa ginawa ko. Pero alam kong alam niya na may ginawa ako, hindi lang siya sigurado kung ano.
BINABASA MO ANG
Lost (Salazar Siblings Series #1)
RomanceThe original plan was to make Ethan Adrian Salazar fall for her. Unfortunately, she was dumped. But Natalie Chase Alejo will never give up. Kaya naman nang matupad na ang kaniyang pinapangarap ay abot langit ang kaligayahan niya. Hindi niya lubos ma...
