KABANATA 24
fucking Dela Vega
"How is it?" tanong niya na para kinakabahan.
"Hmmm." muli kong tinikman ang chicken Alfredo na ginawa niya at nag-slice ng steak na niluto niya.
"Ang sarap!" masigla kong sabi na nakapag pahinga ng maluwag sa kanya.
"Pinakaba mo naman ako." ngiwi niya sabay iling. Natatawa akong tumayo at hinabol siya.
"Bakit ka pa kakabahan kung magaling ka na?" ngumuso ako. Nakatalikod siya sa akin habang nililinis ang sink.
"Siyempre, ikaw yun e. Nakakatakot ka kaya." marahan ko siyang hinampas.
"At bakit ka naman matatakot sa akin?" sabay taas ng kilay ngunit ngumuso lamang siya sabay umiling.
"Baka iwan mo ko kapag hindi masarap ang luto ko." seryoso niyang sabi kaya naman hindi napigilang humagalpak ng tawa.
"Seryoso ka diyan? Hahahaha!" tawa pa ko ng tawa ngunit kunot noo niya lang akong tinignan at saka ngumiwi.
"Seryoso ako, bakit ka ba natatawa?" mahina niyang tanong.
"Eh kasi hindi naman kita iiwan dahil lang doon noh!" tumawa pa ako ng isang beses ngunit sinikap kong pang huli na iyon dahil baka mairita na siya sa akin.
"Oh? So anong maaaring maging dahilan ng pag-iwan mo sa akin?" nakataas ang kanyang kilay nang tignan niya ako. Natigilan ako at napa-isip din. Ngunit agad din naman akong umiling sa aking sarili at saka siya nilapitan.
Bahagya siyang napa-atras dahil sa biglaan kong pagkilos ngunit nakuha na siya ng aking mga kamay. Marahan kong pinulupot ang mga braso ko sa kanyang batok at tumingkayad para mapantayan siya.
"Hindi kita iiwan." nakangiti kong sabi. Hindi pa rin nawawala yung busangot sa kanyang mukha.
"Talaga? Kahit anong mangyari?" pag-aalangan niya. Natatawa talaga ako! Bakit ang seryoso niya. Hahahahahah.
"Opo, talaga." sabi ko sabay tango. Ako naman ang nagulat nang bigla niya akong ninakawan ng halik. Sandali lamang ito kaya agad na namilog ang mga mata ko.
"That is for bullying me." nakanguso niyang sambit ngunit hindi nakaligtas sa akin ang palihim niyang pag-ngiti.
"Hindi kaya." sabi ko na lang at tinalikuran na siya.
"Saan ka?" nagtataka niyang tanong.
"Sa Kawasan."
"Anong gagawin mo?" kunot noo niyang tanong.
"Ano pa, edi maliligo! This is my last day here!" sigaw ko nang makalayo.
"Okay, I'll drive!" nakangiti akong pumasok sa aking silid nang marinig ang inaasahan kong mga salita.
Mabilis akong nag half-bath. Hindi na ako naligo ng maayos dahil maliligo naman ako doon. Nagsuot lamang ako ng puting bikini na mabuti na lamang ay naimpake ni mommy para sa akin. Ang tindi talaga niya, laging handa.
Pinatungan ko ito ng puting shirt na may baliktad na triangle at salitang Guess, at saka plain black shorts. Nilugay ko na lang ang buhok ko at nagmamadaling maglagay ng extra undies sa bag na dadalhin ko.
"Tara na?" nakangiti niyang sabi sakin. Pinagmasdan ko ang itsura niya. Naka suot siya ng kulay gray na sando at shorts kelp tan na sa palagay ko ay galing sa The North Face.
![](https://img.wattpad.com/cover/138932569-288-k597361.jpg)
BINABASA MO ANG
Lost (Salazar Siblings Series #1)
RomanceThe original plan was to make Ethan Adrian Salazar fall for her. Unfortunately, she was dumped. But Natalie Chase Alejo will never give up. Kaya naman nang matupad na ang kaniyang pinapangarap ay abot langit ang kaligayahan niya. Hindi niya lubos ma...