KABANATA 16

3.3K 92 2
                                    

KABANATA 16

hindi na ata


Pinatunog niya ang pulang Mazda at agad akong pinagbuksan ng pinto. Tahimik at walang imik akong pumasok.

"Nabusog ka ba sa kinain nyo?" seryosong tanong ni Ethan habang deretso pa rin ang tingin.

"Oo. Ikaw?"

"Hindi ako nakakain ng maayos." naka kunot na ang noo niya ngayon.

"Bakit naman?" pagtataka ko.

"Nawalan ako ng gana nang makita kayong nagtatawanan." pinasadahan niya ko ng tingin. Umiwas na lang ako.

"Zac's a friend."

"Ganoon kabilis, Aly?" nanghihinang tanong nito.

"Anong ibig mong sabihin, Ethan?" kunot noong tanong ko sa kaniya.

"At hindi ko siya lalaki. Paano mo nasabi 'yon sa harapan niya. Nakakahiya!" dagdag ko pa nang maalala ang mga paratang niya kanina. Napalunok ako nang maramdaman ang mabibigat niyang paghinga.

"Lagi kayong magkasama." tanging sagot niya. Umiling na lamang ako dahil sa hindi makapaniwalang mga rason niya.

"Binuhat ka niya, Aly. Hinawakan ka niya!" marahas akong napatingin sa biglaan niyang pagtataas ng boses.

"Ethan na-aksidente ako!" singhal ko sa kanya.

"Kahit na! Nandoon ako! Dapat ako 'yon! Bullshit." Mas lalong kumunot ang nook o nang bigla niyang hinampas ang manibela. Hindi ako nagpatinag. Hindi ako makapaniwalang ganiyan ang iniisip niya sa amin ni Zac. Kaibigan lang ang turing ko sa kaniya! Huminga siya ng malalim bago muling nagsalita.

"Ayokong may ibang lalaking humahawak sa'yo, Natalie. Ako lang ang pwede." seryoso niyang sabi. Hindi na ako sumagot. Ang possessive niya. Hindi ko alam kung magandang bagay ba 'to o hindi. Hindi ko alam kung tama pa ba na ganito o mali na.

Tumikhim siya nang makarating kami sa tapat ng aking bahay. Hindi pa rin ako nagsasalita. Hindi ko na rin alam kung ano bang itsura ng mukha ko ngayon. Ang alam ko lang, gusto ko ng magka-ayos kami. Ayoko ng parating ganito. Hindi na nga kami, parati pa kaming nag-aaway.

Ilang minuto pa ang lumipas na hindi ako umiimik. Mga sampung minuto na ata kaming nandito sa tapat ng bahay. Kanina niya pa pinatay ang makina ng kotse.

"Aly...talk to me." rinig ko ang panghihina sa kaniyang boses.

Ayoko siyang tignan. Dahil kapag nakita ko na naman ang mga mata niya baka mawala na naman ako sa aking sarili. Ganito ko siya kagusto! Kaya nga hindi ko alam kung saan niya pa nakukuha ang mga dahilan niya para magselos sa ibang lalaki.

"Ethan." malamig kong sabi. Mukhang natigilan siya.

"W-what is it, Aly?" nahimigan ko ang kaba sa pagtugon niya. Tinignan ko siya. Nakita ko kung paano nagbago ang ekspresyon ng mga mata niya. Kanina, noong nasa Grill kami ay matatalim 'to. Nang magsimula kaming mag-usap, nanghina ito. At ngayon... parang babagsak yung mga mata niya. Halata sa gwapo niyang mukha na ilang gabi siyang walang tulog.

"Lagi bang ganito?" seryoso kong tanong.

"What do you mean?" nagtataka ngunit kinakabahan pa rin ang tono ng kaniyang boses.

"Lagi ba tayong mag-aaway sa maliliit na bagay?" Natigilan siya. Pinasadahan niya ng palad ang kaniyang buhok na kanina pa magulo.

"I don't want us to fight, Aly..."

"Then stop this, Ethan! Stop doing this to us. Napaka possessive mo. Wala akong ginagawang masama pero 'yon yung tingin mo sa akin. Ganoon ba ang tingin mo sa akin? Na lahat ng lalaking mapapalapit sa akin ay lalandiin ko? Ganoon ba?" hindi ko na napigilang pagtaasan siya ng boses.

"No, no Aly. It's not like that..."

"Then what is your damn problem, Ethan? Hindi lahat ng lalaki magkakagusto sa akin at hindi ko alam kung bakit ganiyan parati ang reaksyon mo!"

"Kasi walang tayo!" ramdam ko ang panunuyo ng lalamunan ko sa narinig. Tumalbog ang puso ko nang tinaasan niya ang mabigat at malim niyang boses. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi dahil natakot ako sa pagsigaw niya.

Nagulat ako, oo. Pero mas malaki ang bahagi sa sarili ko na kinakabahan at na-guguilty. Malalim niyang tinignan ang mga mata ko. Tila nawalan ako ng boses. Mabibigat na hininga ang pinakawalan niya bago muling nagsalita.

"Natatakot ako, Aly. Hindi dahil 'yon yung tingin ko sa'yo. Dahil wala akong assurance. Wala akong assurance na ako nga yung gusto mo, na ako yung pipiliin mo. Natatakot ako na may ibang lalaking dumating sa buhay mo at bigla mo na lang akong kalimutan. Natatakot ako na bigla kang magsawa sa akin. Natatakot lang ako. And I'm sorry dahil takot ako. Takot lang ako na mawala ka sa akin!" hingal niyang sabi habang hindi inaalis ang mabibigat niyang tingin sa akin.

Napakagat ako ng mariin sa aking labi. Hindi ko alam na ganoon kalayo at kalalim ang iniisip niya. Hindi ko alam na ganoon niya ako ka-gusto.

"Alam kong sinabi kong maghihintay ako, Aly. Pero sa tuwing nakikita kong napapangiti ka ng ibang lalaki ay parang pinipiga yung puso ko. Gusto ko na lang silang puruhan para hindi ka na malapitan! And hell, you have no idea how much I regret graduating that damn school! Dahil kung pwede lang ay araw araw akong bubuntot sa'yo para sa akin ka lang nakatingin!"

Mas lalong bumibigat ang pag hinga ko. Hindi ko man lang mabuka yung bibig ko. Hindi ako makahanap ng salitang sasabihin. Hindi ko alam, ang gulo gulo na ng mga nararamdaman ko. Hindi ako natutuwang nakikita siyang nahihirapan, pero may parte sa sarili ko na nagagalak na marinig lahat ng sinasabi niya ngayon.

Mariin siyang pumikit kasabay ng paglabas ng malalalim na hininga. Wala akong nagawa kundi yumuko ng ulo. Alam kong hinihintay niya ang pag tugon ko pero natatakot akong magsalita. Natatakot ako na baka may mali na naman akong masabi at masaktan ko lang siya.

"Aly..." mas malumanay ang pagtawag niya sa akin ngayon. Hindi pa rin ako nagsasalita. Masyado akong nagulat sa mga sinabi niya na hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong sabihin at ikilos.

"Hindi na ata kita gusto." Mabilis akong napatingin sa kanya nang marinig ang mga salitang 'yon. Wala sa sarili niyang sinabi 'yon. Para bang sa sarili niya lang dapat 'yon sasabihin pero iniluwa 'yon ng bibig niya.

Ang sakit. Parang kinirot yung puso ko at sa hindi maipaliwanag na dahilan ay, naiiyak ako. Naiiyak ako.

"E-ethan..." halos bumigay ang boses ko kaya agad kong kinagat ang labi ko. Kailangan ko tong pigilan. Hindi ako pwedeng umiyak sa harap niya. Tinignan niya ko ng mapupungay niyang mata.

"Hindi na kita gusto, Aly." ulit niya pa na sa ikalawang beses ay, parang sigurado na siya. Muling kumirot ang puso ko at humigpit ang hawak ko sa aking palda. Napayuko ako. Kailangan ko ng sabihin sa kaniya, kailangan na niyang malaman!

Nang napagdesisyunan ko ng magsalita ay naramdaman ko ang pag hawak niya sa aking baba, kasabay ng pag angat nito.

"Mahal na ata kita."

Lost (Salazar Siblings Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon