KABANATA 35
with my family
"Aly, you've had enough. Tama na yan." ani ni Zac nang kinuha ko ulit ang isang shot ng tequila. Ngumuso ako at tinignan siya ng masama.
"Akala ko ba susuportahan mo ako." nanghihina kong sabi. Napatingin siya sa mukha ko at natigilan. Kaya naman kinuha ko na ang chansang iyon para mainom muli ang tequila.
"Hmm." ngumiwi ako habang sinisipsip ang asin na ipinatong ko sa lemon.
"Dammit, Aly." bulong ni Zac at saka nilayo sa akin ang bote ng tequila. Hindi ko na siya pinagtuunan ng pansin dahil na rin sa ingay na naririnig ko sa loob ng bar.
"Wala na kaming pag-asa. Wala. Wala na." umiiling iling pa ko habang sinasabi ito.
"Aly, busy lang 'yon. Stop overthinking. Wala naman siyang sinasabi sa'yo diba?" tanong niya at sunod sunod lang akong tumango.
"Yun na nga e. Wala siyang sinasabi! It's like I don't exist anymoreeeeee." muli kong sabi habang inaabot ang tequila na inilalayo naman niya sa akin.
"No, aly. You are drunk." mariin niyang sabi.
Nakataas ang kaliwa niyang kamay kung nasaan ang tequila. Magkatabi kami sa sofa at naka-upo ako sa kanan niya. Bumuntong hininga ako at tumigil.
"Nakakapagod." wala sa sarili kong sabi habang iniisip pa rin kung paano makukuha ang tequila sa kanya.
"Aly, let's go home." aniya.
Napansin ko ang unti unting pagbaba ng kamay niya kaya naman kinuha ko na ang oportunidad na ito para hablutin ito sa kanya.
"Oops." sambit ko nang natapon ito sa kanyang dibdib. Nabasa rin ang aking braso kaya bahagya akong natawa.
"Ikaw kasi, kung binibigay mo kasi sakin agadddd." sabi ko habang tinitignan siya. Pinupunasan niya ng tissue ang nabasang polo.
"Aly, this is nothing. But let's go home now. I really shouldn't let you drive." bumabagsak bagsak ang mga mata ko habang nakatingin pa rin sa kanya.
Hindi ko na alam kung anong pinag gagawa ko ngunit dahan dahan akong lumapit sa kanya at itinagilid ang ulo ko sa nakatungo niyang mukha.
Bahagya siyang napatingin sakin at mas lalong kumunot ang noo niya. Bumagsak ang tingin ko sa basa niyang polo at nilagay doon ang kamay ko. Muli akong nag angat ng tingin at unti unting lumapit sa kanya. Kita ko ang sunod sunod niyang paglunok at umaatras din siya sa aking paglapit.
"Aly, what are you doing?" mariin niyang tanong.
Hindi ko maintindihan yung sinasabi niya. Basta pinikit ko na lang ang mga mata ko at ang susunod kong naramdaman ay ang malambot niyang labi. Ramdam kong natigilan siya. Ginalaw ko ng marahan ang labi ko ngunit hindi gumalaw ang kanya.
Napadilat ako at lumayo. Nakita ko ang pag-igting ng panga niya habang malalim ang mga tingin sa akin.
"What's wrong Zac, I thought you like me!" pagmamaktol ko. Hindi niya iyon pinansin bagkus ay kumuha lamang siya ng tissue at marahang pinunasan ang labi ko.
"You are drunk Natalie. You won't even remember anything that happened here." matigas niyang sabi. Hindi ko alam kung natakot lang ba ako sa kanyang boses o dahil sa umiikot na yung paningin ko.
Naramdaman ko na lang na nag-iinit na ang mga mata ko at sunod sunod na lumandas ang luha na nanggagaling dito.
"Aly naman. I'm sorry I didn't mean to shout at you. It's just that, may boyfriend ka. Of course, I like you, I like you since day one! But I can't do this with you. No, not in that state and certainly not when you are committed!" nanghihina niyang paliwanag.
BINABASA MO ANG
Lost (Salazar Siblings Series #1)
RomanceThe original plan was to make Ethan Adrian Salazar fall for her. Unfortunately, she was dumped. But Natalie Chase Alejo will never give up. Kaya naman nang matupad na ang kaniyang pinapangarap ay abot langit ang kaligayahan niya. Hindi niya lubos ma...