KABANATA 27

2.5K 59 0
                                    

KABANATA 27

my girlfriend


"Happy birthday Zac and Zia!" nakangiting bati ni Katerina sa kambal habang dire-diretsong umupo sa katabing upuan ni Toni.

"Uh, Zia. Pwede bang lumipat ka doon. I want to sit with my Ethan." turo niya sa bakanteng upuan sa tabi ko. Umiiling-iling pa si Toni bago tumayo at umupo sa tabi ko.

"She's just bitchin', don't mind her." bulong ni Toni sa akin. Hindi ko iyon pinansin dahil sinisikap ko ituon na lang atensyon ko sa pagkain na nasa plato.

"It's too late though, Kat." ani ni Zac nang makaupo ang dalawa sa aming harap.

"It's better to be late than never." ngisi niya kay Zac na pinaglalaruan na lamang ang salad sa kanyang plato. Tumikhim muli ang matandang Dela Vega at nagtaas ito ng kilay.

"What happened Katerina? You called earlier na hindi ka na makakahabol." seryosong tanong nito.

"Well, I got my own reasons tito. Ang importante ay nandito na kami. Let's eat!" ngisi niya at nilagyan ng laman ang plato ni Ethan. Halos mabingi ako sa katahimikan nang wala ng nagsalita matapos noon. Tanging ingay na lang na nanggaling sa kubyertos ang naririnig ko.

"How's your parents Katerina?" tanong naman ni Mrs. Dela Vega.

"They're good tita." maikling tugon nito at muling tinuon ang atensyon kay Ethan na tahimik lang na kumakain. Tumango ito at saka naka ngiting bumaling sa akin.

"By the way, what are your plans for college, Natalie?" nakangiting tanong ni Mrs. Dela Vega kaya halos lahat sila ay napatingin sa akin.

"I'm planning to take architecture po, tita." ngiti ko at tumango siya na para bang sinasang-ayunan niya ang plano ko.

"I heard your parents are a veterinary doctor and nurse, wala kang balak sundan ang yapak nila?" tanong naman ni Mr. Dela Vega. I am not liking this. Ayoko na ako ang pinag-uusapan dahil ramdam ko ang patalim na patalim na titig sa akin ni Ethan.

"Pinag-iisipan ko rin po ang med, tito. I am not closing the doors naman po." hindi ako makapaniwalang nagagawa ko pang ngumiti at magsalita na para bang matagal ko na silang kakilala.

"Well, maybe my son can convince you to take the medical path." naka ngising untag ni Mrs. Dela Vega. Narinig ko ang marahang pagtawa ni Zac at Toni. Napangiti rin si Mr. Dela Vega.

"I'm sure you can do it, Zac." natatawang sambit ni Toni na para bang inaasar niya lamang ang kanyang kapatid at hindi seryoso sa kanyang sinabi. Napangiti na rin ako at tumingin din ang nangingiting si Zac sa akin sabay bulong.

"Kung nakakapatay lang ang tingin, kanina pa ako nakahimlay dito." natatawa niyang sabi sa akin. Umiling iling na lang ako habang natatawa pa rin siya.

"Ang tatalim ng tingin ng boyfriend mo." bulong niya pa habang hindi tumitigil kakatawa.

"Care to share your conversation with us, Zac" nawala ang ngiti sa mga labi ni Zac nang marinig ang unang beses na pagsasalita ni Ethan. Nilingon ko siya habang nanlilisik ang kanyang mga mata na bumaling kay Zac.

"It's nothing, Ethan." nagtitimping tugon nito sabay ngisi kay Ethan.

"Then what's so funny?" muling tanong ni Ethan sa kanya. Padarag na ibinagsak ni Zac ang kubyertos na hawak niya.

"Nothing that concerns you." ngayon ay nakuha nito ang atensyon ng kanyang magulang na seryosong nag-uusap kanina lang. Kumunot ang noo ni Mr. Dela Vega nang mapatingin sa kanyang anak at kay Ethan. Magsasalita pa lamang ito ngunit naunahan siya ni Ethan.

"Oh, I'm sure it concerns me when you are laughing with my girlfriend." Namimilog ang mga mata ko nang marinig ang huli niyang sinabi. Nakita kong natigilan din si Katerina sa pangungulit kay Ethan at bahagyang napataas ang kilay. Mahina namang sumipol ang katabi kong si Toni na kanina pa nakikinig sa aming usapan.

"If she's your girlfriend then why did you come here with another girl?" hamon ni Zac sa kanya. Napakagat ako sa aking labi nang mapansin ang kanilang mga mata na nakapukol sa akin. Nagtatanong, nangungusap, nagdududa at naghihintay na ako naman ang magsalita.

"Stop." napatingin ako nang marinig ang baritonong boses ni Mr. Dela Vega. Napansin ko na medyo natigilan si Ethan samantalang medyo humupa naman ang pagka-irita ni Zac.

"This dinner is over." dagdag pa nito at saka tumayo at nauna ng umalis. Kapansin pansin pa ang gulat na mukha ni Mrs. Dela Vega bago ito tumayo.

"We will talk about this, Zac." mariin niyang sabi bago binalingan ng tingin si Ethan sabay iling, at saka sinundan ang kanyang asawa palabas.

"What is the meaning of this, Ethan?!" matinis na boses ni Katerina ang umalingawngaw sa restaurant. Napatingin ang mga empleyado sa kanya. Mabuti na lang at kami na lamang ang tao dito.

"Shut your mouth Kat." sabi ni Toni nang makatayo.

"Let's go, ihahatid ka na namin." ani ni Toni nang makalapit sa upuan ni Katerina.

"No! I'm going with Ethan!" pilit nito at saka ako inirapan.

"Sasama ka ba sa akin para maka-uwi ka ng maayos o gusto mong ipilit iyang gusto mo hanggang sa ikaw na lang ang maiwan dito?" mataray na tanong ni Toni sa kanya.

"Tss, unbelievable!" padarag siyang tumayo at matalim akong tinignan bago lagpasan si Toni.

"Bitch." untag ni Toni habang umiiling-iling at sinundan ang lumabas na si Katerina. Kaming tatlo na lang ang natira sa table at pansin ko ang pabalik balik na tingin ng mga empleyado sa amin.

"Let's go, Aly." sabi ni Zac kaya naman nakahinga na ako ng maluwag at agad na tumayo. Kasabay noon ay nakita ko rin ang pagtayo ni Ethan sa kaharap na table.

"Aly, let's go home." ani ni Ethan ngunit hindi ko ito pinansin at nilagpasan lamang siya.

"Aly..." hinigit niya ang braso ko kaya naman napatigil ako. Napatigil din si Zac na katabi ko.

"Aly, why are you with him?" nanghihina niyang tanong bago matalim na tinignan si Zac. Umiling -iling ako bago siya tignan. Dahan dahan kong tinanggal ang kamay niyang nakahawak sa brasok ko at matiim siyang tinignan.

"Ethan, why are you with her?" lakas loob kong tanong na sinagot naman niya ng sunod sunod na iling.

"It's not what you think, Aly..." tanging sagot niya. Ambang hahawakan niyang muli ang braso ngunit itinaas ko na ito dahilan kung bakit nahulog ang kamay niya sa ere.

"Aly..." halos mamutla ang mukha niya sa ginawa ko.

"Not now, Ethan." mariin kong sabi at tuluyan siyang nilagpasan.

tle"),x

Lost (Salazar Siblings Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon