KABANATA 18
mine
Hawak ni Zac ang nanlalamig kong mga kamay. Hindi naman ako kinakabahan, ngunit malamig kasi sa loob ng venue. Dala na rin siguro ito ng hindi ko inaasahang pangyayari na naganap kanina. Kasalukuyan kaming nakahanay sa harap ng maliit na stage. Apat na eskwela ang magkalaban.
"Okay everyone, may I have your attention please. We will be announcing the winners any minute now." nagagalak na bigkas noong guro ng palatuntunan.
"Hey, we're gonna win." bulong sa akin ng aking katabi. Marahan akong napangiti at tinanguan siya. Hindi ko alam ang gagawin ko kung hindi si Zac ang kasama ko. Muntik pa kasi kaming mapaaway kanina.
Nasa katabing room kami ng venue. Dito tinipon ang lahat ng mga mag-aaral na lalaban para sa Quiz Bee ngayong araw. Halos lahat ay kanya kanya ang tingin sa kanilang mga libro at reviewer. Pero hindi ko 'yon magawa. Hindi ko ugaling pudpurin ang utak ko at aralin ang lahat bago ang isang malaking pagsusulit o laban tulad nito. Dahil mas lalong nawawala sa utak ko kapag pinilit ko ang sarili ko kaya naman hinayaan ko na lang ang sarili kong magpahinga.
Kalmadong nakapikit ang aking mga mata habang hinihintay si Zac. Nauna kasi kami rito. Si sir Navarro ang nag hatid sa akin ngunit wala na siya dito. Nandoon na siguro siya sa venue at malayang nakikipag-ugnayan sa mga gurong kakilala niya. Sinabihan niya akong susunod na lang daw si Zac dahil may importante lamang 'tong ginawa.
"Is that the infamous Natalie Chase? Ang yabang ha. Siya lang mag-isa?"
"No. I heard that she was paired with Zaccarias Dela Vega! Ang swerte niya!"
"Zac? Really? I thought she's going out with Ethan Salazar?"
"Akala ko ba nililigawan pa lang siya? Sila na ba?"
"I think so. Dalawang beses ko na siyang nakitang pumasok sa condo ni Ethan eh."
"OMG, for real?!"
"Yup. Doon din kasi ako sa building na 'yon nag-sstay."
"And now she's with Zac? Tsk, tsk. What a whore."
"Hey." Dahan dahan akong napadilat nang marinig ang isang pamilyar na boses. Nakahinga ako ng maluwag nang makita si Zac sa harapan ko.
"Uy." marahan akong ngumiti. Ngumiti rin siya at tinuon ang buong atensyon sa akin. Hindi rin siguro siya magre-review.
"Ehem." sabay na napa-angat ang ulo namin ni Zac nang may tatlong babaeng lumapit sa amin. Napasinghap ako sa matatalim na tingin nila sa akin.
Alam kong sila yung mga babaeng nagchichismisan kanina tungkol sa akin. Dahil apat lang naman kaming mga babae dito at puro lalaki rin naman ang mga kapares nila.
"Hi Zac!" ana noong babaeng maikli ang buhok at may pulang lipstick.
"Hi, do I know you?" nag aalangang tanong ni Zac. Ngumiwi yung babae at bahagya siyang tinulak noong isang babae na kasama nila.
"I'm Alliah by the way, Zac Dela Vega, right?" pakilala naman noong babaeng morena. Dahan dahang tumango si Zac at nilahad ang kanyang kamay.
"I'm Karen." ana noong isa.
"I'm Bethany!" singit muli noong babaeng may mapupulang labi. Pinaglaharan ni Zac ng kamay ang tatlong babaeng nagpakilala sa kanya.
"This is Natalie Chase Alejo, by the way." nakangiti niyang pakilala sa akin at ngumiti lang ng peke yung dalawa sabay irap naman noong isa.
"I'm sorry Zac, but we don't talk to bitches..." sabi noong Bethany. Marahang nagtawanan naman 'yong dalawang babae.
"Stop. Don't say that." seryosong sabi ni Zac habang ngumiwi lang yung babae.
"You know what, I don't understand what you guys saw on this girl." mataray na sambit noong babaeng nagngangalang Alliah habang pinadausdos ang kanyang mga daliri sa balikat ni Zac. Marahan itong tinapik ni Zac at lalong tumabi sa akin.
"I mean, she's just an average type of girl..." ulit nito at bahagya akong tinulak at umupo sa upuan ko na katabi kay Zac.
"Aly!" nakahandusay ako sa sahig. Ngunit sa tingin ko ay ang pagsigaw ni Zac ang naging dahilan para mapatingin ang lahat ng tao na naroon sa amin.
"Okay ka lang?" nag-aalalang tanong nito habang tinutulungan akong makatayo.
"What the hell!?" malakas niyang sigaw sa babaeng nanulak sa akin. Bahagya silang napatalon at namimilog ang mga mata. Hindi siguro nila inaasahan na sisigawan sila ni Zac.
"Tss! Hindi naman malakas 'yon! Nag-iinarte lang ang babaeng iyan!" sagot ni Alliah.
"The hell I care? You have no right to lay a finger on her!" sigaw pa nito. Umismid ang mga babae sa kanya at biglang nagsipasukan ang mga guro kasama si Sir Navarro.
"What's the commotion about?" seryosong tanong ni sir Navarro.
"They were bullying her." matigas na sabi ni Zac sabay turo sa akin at sa tatlong babaeng nakahalukipkip na. Tinignan naman sila ng kani-kanilang mga guro at marahas na kinuha palabas ng silid na 'yon.
"Are you okay, Miss. Alejo?" marahang tanong ni sir Navarro. Tumango lamang ako kahit na ramdam ko ang pananakit ng pwet ko.
"Are you sure?" seryosong tanong ni Zac.
"Hm." sabi ko sabay tango. Nagulat ako nang bigla niyang higitin ang akin beywang at kinulong ako sa kanyang mga bisig.
"I'm sorry. Lagi ka na lang napapahamak."
"Zac..." sinubukan kong kalasin ang pagkakayakap niya ngunit lalo niya lang itong hinigpitan. Narinig ko naman ang pagsipol ni sir Navarro kasabay ng unti unti niyang pagtalikod sa amin.
"Shhh. I won't let them touch you again." marahan niyang sabi sabay hablos sa aking buhok.
Wala na akong ibang nagawa kundi hayaan siya. Dahil ako mismo, hindi nagawang ipagtanggol ang aking sarili. Hindi ko alam kung natakot lang ba ako o ano. Pero hindi ko kayang manlaban kapag ang dalawang lalaking malapit sa akin ang nagiging dahilan kung bakit may nang-aaway sa akin.
"Aly! Let's go!" Kunot noo ko siyang tinignan nang mapagtanto na ang lahat ng tao ay nakatingin sa amin. Marahan niya akong hinila papalapit sa mga gurong nag-aabang sa amin.
"Congratulations Mr. Dela Vega and Ms. Alejo from Sacred Heart School- Ateneo de Cebu!"
"Thank you, ma'am," sabi ni Zac dito at ngumiti lamang ako.
Binati rin kami ni sir Navarro na sobrang saya sa aming pagkapanalo. Nag-alok siyang ihatid kami agad pabalik ng school dahil mukhang may importante siyang gagawin. Ngunit malaya itong tinanggihan ni Zac at sinabing dala niya ang kanyang kotse, at siya na ang maghahatid sa akin.
"Aly! Kanina ka pa tahimik." puna ni Zac sa akin.
"May iniisip lang ako." wala sa sarili kong sagot. Nagtataka nga ako kung paano pa kami nanalo kung ganitong lumilipad ang utak ko.
"Iniisip mo pa ba yung nangyari kanina?" nag-aalala niyang tanong.
"Iyon at marami pang ibang bagay." sagot ko. Nandito na kami sa harap ng puting Ford nang bigla siyang tumigil. Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko kaya naman natuon ang atensyon ko sa kanya.
"You're not an average kind of girl." seryoso nitong sabi.
"You are extraordinary, Natalie." dagdag niya kasabay ng biglaang paglalim ng kanyang mga tingin.
Magsasalita pa lamang ako nang maramdaman kong may humigit sa aking beywang kaya napabitaw si Zac sa aking balikat.
"Of course, she is..." nakita ko ang matatalim na titig ni Zac sa aking beywang kasabay ng pag igting ng kanyang panga. Dahan dahan kong inangat ang aking ulo at nakita ko ang mukha na kanina ko pa gustong makita.
"Too bad this extraordinary girl is mine. So back off, Dela Vega."
![](https://img.wattpad.com/cover/138932569-288-k597361.jpg)
BINABASA MO ANG
Lost (Salazar Siblings Series #1)
RomanceThe original plan was to make Ethan Adrian Salazar fall for her. Unfortunately, she was dumped. But Natalie Chase Alejo will never give up. Kaya naman nang matupad na ang kaniyang pinapangarap ay abot langit ang kaligayahan niya. Hindi niya lubos ma...