KABANATA 31
fall for you
Tuluyan ng lumubog ang araw nang ibaba ako ni Castiel sa isang pamilyar na lugar.
"Sigurado ka ba? This is Ethan's home. Ano ba talagang nangyari?" naguguluhan kong tanong nang buksan niya ang pinto at lumabas. Sinundan ko siya ng tingin at agad naman itong umikot sa banda ko at binuksan rin ang pintuan nito.
"Tara na." tanging saad niya.
Lumabas na lang ako at tahimik siyang sinundan. Nasa hacienda kami ng mga Salazar. Kaya hindi ko na lumubos maisip kung ano ba talagang nangyayari. Sobrang dilim ngayon, hindi katulad noon na may kakaunting ilaw na nanggagaling sa kung saan. Ngayon, talagang madilim at tahimik. Wala rin akong mga trabahador na nakikita.
Ang buong akala ko ay sa isang hospital kami pupunta. Hindi naman sa hinihiling ko iyon ngunit iyon lang ang unang pumasok sa isip ko. Ngayong nandito kami sa hacienda, hindi ko alam kung dapat na ba akong makahinga ng maluwag o mas dapat akong mangamba.
Pinagmasdan ko ang kaibigan ni Ethan. Seryoso ito ngayon kumpara sa itsura niya na pilyo at palabiro noong una ko siyang nakita. Nakarating kami sa likod ng kanilang mansion kung nasaan ang sarili nitong garden. Tahimik pa rin ako habang walang imik naman itong kasama ko.
Nang dumating siya para sunduin ako ay sobrang nagmamadali siya kaya naman hindi na ako nakapag paalam ng maayos kay mommy. Tinext ko na lamang siya na may emergency. Samantalang nagpumilit naman si Zac na sumama. Nagulat ako nang sinabi niyang alam niya yung nangyari ngunit nang makapag-usap silang dalawa ni Castiel ay hinayaan na lamang ako sumama rito.
Napatigil ako nang mawala sa paningin ko ang lalaking kasama ko. Nandito na ako sa likod ng bahay nila, sa may garden. Sobrang dilim kaya hindi ko na namalayan kung nasaan na siya. Kanina pa kasi lumilipad ang isip ko at kung ano ano tuloy pumapasok dito kaya hindi ko na alam kung nasaan na ang lalaking sinusundan ko.
"Castiel?" mahina kong tawag. Walang sumagot. Baka naman, nandito na si Ethan?
"Ethan?" tawag ko sa kanya. Ano ba kasing nangyari? Naaksidente ba siya? Nakipagsuntukan? Nilagnat? Ano bang kagaguhan ang nangyari sa kanya?
Akmang tatalikod na sana ako para bumalik at pumasok na lang sa mansion. Ngunit natulala ako nang makitang umilaw ang paligid.
Nilibot ko ang tingin at ang kaninang madilim na garden ay naging sobrang liwanag buhat ng fairy lights na nakapalibot dito. Kumunot ang noo ko nang makita ang bilog na lamesa sa gitna. Hindi ko iyon napansin kanina dahil abala ako sa pag-iisip kung bakit ako dito dinala. Unti unti akong lumapit sa lamesang iyon. May dalawang upuan na magkaharap, kandila sa ibabaw at mga plato at kubyertos.
Napakamot ako sa ulo ko nang mapagtantong pinag-tripan lang nila ako. Nanggigil kong inikot ang mga mata ko, umaasang makita ang lalaking iyon. Ngunit imbes na may makita ay may narinig lamang ako.
"May nag-gigitara?" bulong ko sa sarili ko. Akmang hahanapin ko kung saan nanggagaling ang tunog na iyon nang bigla kong narinig ang pagkanta ng taong ito.
"The best thing about tonight's that we're not fighting, it couldn't be that we have been this way before"
Nalaglag ang panga ko nang lumabas si Ethan bitbit ang gitara. Damn, that's another thing I didn't know! Nag gigitara pala siya?
"I know you don't think that I am trying. I know you're wearing thin down to the core."
Matamang naka tuon ang mga mata niya sa akin habang kumakanta.
"But hold your breath. Because tonight will be the night that I will fall for you. Over again, don't make me change my mind..."
Pumungay ang kanyang mga mata. Hindi ko alam kung anong reaksyon ng mukha ko. Ang sigurado ako ay, hindi ako nakangiti ngayon.
"Or I won't live to see another day. I swear its true. Because a girl like you is impossible to find. You're impossible to find"
Tumigil ng sandali ang kanyang pagkanta at marahan na kinagat ang kanyang labi habang tinutugtog ang instrumental na parte noong kanta.
"This is not what I intended. I always swore to you I'd never fall apart. You always thought that I was stronger. I may have failed. But I have loved you from the start"
Kung kanina ay hindi pa ako sigurado sa itsura ng mukha ko ngayon ay alam na alam ko na kung gaano kalawak ang ngiti ko. Dahil mas lalong lumaki ang ngisi niyang ng makita ito.
"Oh but hold your breath. Because tonight will be the night that I will fall for you, over again. Don't make me change my mind. I won't live to see another day. I swear it's true. Because a girl like you is impossible to find. It's impossible to find"
Bahagya siyang lumapit sa akin habang pinagpapatuloy ang pagkanta.
"So, breathe in so deep. Breathe me in. I'm yours to keep. And hold onto your words. 'Cause talk is cheap. And remember me tonight when you're asleep..."
Binaba niya ang kanyang gitara ngunit nagpatuloy pa rin ang tugtog nasa tingin ko ay sa violin nanggagaling.
"Aly... happy birthday." nakangiti niyang sabi habang inaabot ang aking beywang. Inirapan ko siya habang umiiling at natatawa.
"This is too much! You should have told me..." nakanguso kong sabi habang marahan na hinampas ang kanyang dibdib.
"Nothing would be too much for you, baby. You deserve everything. You deserve all of me." sabi niya habang hinahalikan ang likod ng aking kamay. Napangiti ako habang tinititigan siya. Maybe... This is the right time to tell him. Right time, right place...right person.
"Ethan..." malumanay kong tawag sa kanya.
"Hmm?" nakangiti niyang sagot habang pinapadausdos ang kanyang kamay sa aking beywang. Hindi ko alam kung may nakakakita ba sa amin o ano pero bahala na. Today is my birthday and this is my day. Mataman kong tinignan ang kanyang mga mata bago mag salita.
"I love you." buong puso kong sabi. Namilog ang mga mata niya at bahagyang natigilan.
"I'm sorry, what?" pag kukunwari niyang hindi narinig. Natawa ako sa itsura niya, alam kong narinig niya but he deserves to hear it, over and over again. At simula ngayon, hindi na ako matatakot sabihin sa kanya iyon.
"Sabi ko... mahal kita." ulit ko at marahang napakagat sa aking labi. Ngumuso siya, tila ba pinipigilan ang mas lalong paglawak ng kanyang ngiti.
"Sabi ko, mahal na mahal na mahal na mahal na maha—"
Natigilan ako sa aking sinasabi nang maramdaman ang malambot niyang labi sa akin. Isang matamis na halik ang binigay niya sa akin. Tila nagkaroon ng sariling pag-iisip ang mga braso ko nang pumulupot ito sa kanyang batok. Hinapit niya pa lalo ang aking beywang papalapit sa katawan niya kaya mas lalong lumalim ang halik niya sa akin.
Ramdam ko ang pagtaas, baba ng kanyang dibdib, na para bang uhaw na uhaw siya at ang labi ko lamang ang makakapagpa-pawi nito. Marahan kong kinagat ang ibabang parte ng kanyang labi bago hingal na tumigil. Sinalubong ako ng mapupungay niyang mga mata at nakita ko ang pagpula ng kanyang labi.
"I love you more, Aly. I love you so much that I can't believe how hard I've fallen for you."
BINABASA MO ANG
Lost (Salazar Siblings Series #1)
RomanceThe original plan was to make Ethan Adrian Salazar fall for her. Unfortunately, she was dumped. But Natalie Chase Alejo will never give up. Kaya naman nang matupad na ang kaniyang pinapangarap ay abot langit ang kaligayahan niya. Hindi niya lubos ma...
