KABANATA 33

2.8K 62 0
                                        

           

KABANATA  33

home


"God, you are such a big distraction!" reklamo niya. Hindi ko mapigilang humagikgik kaya naman nawawala ako sa posisyon ko.

"Don't move! Fuck... I can't do this, shit." rinig ko ang pabulong bulong niyang mura kaya ngumuso na lang ako.

"Sige na! hindi na ako gagalaw." paninigurado ko ngunit umiling lamang siya at nagpatuloy sa ginagawa niya.

Inayos ko muli ang tindig ng katawan ko nang makita kong nagseryoso na ang kanyang mukha. Nako hindi na siya nagbibiro.

"How is it going?" tanong ko.

"Good. And maybe better if you're not in front of me..." ngumuso ako.

"Ayaw mo na sa akin." muli kong sabi kaya naman nag-angat na siya ng tingin at sinalubong ito ng mga mata ko na kanina pa siya hinihintay.

"God, aly. I am so fuckin' hard right now that I'm trying my best to think that you are just a client and not my girlfriend, fuck!" mariin niyang sabi.

Gusto kong tumawa at patuloy siyang asarin, ngunit pinili kong tumahimik na lamang at hindi na muling nagsalita.

Ngayon ko lang nakita ang sobrang seryoso niyang mukha. Ganito pala ang kanyang itsura kapag nagtatrabaho siya o may ginagawang importante. Nakakunot din ang noo niya habang nakatuon ang buong atensyon sa canvas kung saan niya akong pinipinta.

Matapos ang mainit na ugnayan kanina, ay hindi na iyon nasundan. Hanggang doon lamang. Hanggang sa akin lang. Ako lang ang pinasaya niya samantalang pinili niya lamang mag shower ulit dahil makakatulong naman daw iyon.

Nakokonsensya pa ako kanina dahil ako rin ang dahilan kung bakit parang hirap na hirap siya ngunit sinabi niya namang kaya niya pa at hindi pa daw pwede.

Ayaw niyang ituloy namin yung nangyari kanina. Tulad ng nangyari noon sa Kawasan, alam niyang hindi pa daw ako handa. Hindi niya naman daw ako minamadali kaya buong tagumpay niyang pinigilan ang sarili niya kanina at nagawa naman niya ito.

Matapos niyang mag shower ay nanghingi ako ng isa pang pabor sa kanya. Tinanong ko siya kung gusto niya ako ipinta nang nandito ako. Nagulat pa siya dahil alam ko iyong tungkol sa sikreto niyang kwarto na punong puno ng mukha ko. Noong una, ay hindi siya pumayag.

Dahil baka hindi na daw niya mapigilan sa pangalawang pagkakataon. Nude painting kasi ang ginagawa niya. Ngunit pinagpilitan ko ang gusto ko at sinabi ko na lang na tutulungan ko naman siya kapag hindi na niya kaya. Hahahahahah!

Humalakhak ako pero alam kong hindi niya iyon ikinatuwa. Pero dahil ginagawa na niya ngayon ang pagpinta, alam naman nating lahat na ako ang nanaig at hindi niya rin naman ako natiis.

"Okay ka lang?" umangat ang tingin ko sa kanya nang marinig ang pag-aalala sa boses niya. Marahan akong ngumiti at tumango.

"Oo naman, bakit?" nagtataka kong tanong at umiling lamang siya.

"Baka kasi nangangalay ka na at nilalamig..." mahina niyang tugon na nakapag pangiti sa akin.

Grabe, iba ka talaga Ethan Salazar. Nandito na lahat, nakahain na sayo. Pero ako pa rin ang iniisip mo. Hindi ko lubos mapaniwalaan na ganito mo ako kamahal. Iniisip ko na sobra sobra naman yung pagmamahal mo sa akin na hindi mo kayang bumigay. Na kaya mong isakripisyo ang pansarili mo para lang mapangalagaan ako, para lang mapasaya ako. Samantalang ako, makita lang kitang hubad ay nawawala na ako sa sarili ko.

Lost (Salazar Siblings Series #1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon