KABANATA 34
Coraline Salazar
"You seem familiar iha, have we met before?" nakataas ang kilay niya habang pataas baba pa rin ang mga mata niya sa kabuuan ko.
Napangiwi ako. Hindi na niya ako maalala. Hindi na rin ako nagtataka. Dahil halos wala rin naman sila noon tuwing dumadalaw ako sa kanila. Hindi pa ata lalagpas sa sampung daliri ko sa kamay ang pagkikita namin noon. Siguro ang aking daddy, but no. Not me.
"Kababata ko po sila Ethan at Coleen. Magkakalaro po kami noon." mahinahon kong sagot kahit sobrang naiintimidate na ako sa mga tingin niya.
"I see." tanging tugon niya at lumipat na ang tingin kay Ethan.
"We will talk about this son." mariin niyang sabi dito.
"Ethan, gumagabi na. Mukhang ihahatid mo pa itong si Natalie." narinig ko ang baritonong boses ng kanyang ama. Mataman itong nakatingin sa kanya.
"Ihahatid mo pa siya? Saan? Sa Cebu? Ang layo noon ah." matining ang boses ng kanyang ina. At lalong tumitining ito tuwing nagtataas siya ng boses.
"Yes mom. I brought her here. I should bring her home."
"Ipa drive mo na lang siya sa mga driver. O kaya ay kay Royce." mataray na tugon nito.
"Mom!" napataas ang boses ni Ethan.
"Coraline, let your son do his own thing. Mind your own business, will you?" matigas ng sabi ng matandang Salazar.
Dumapo ang tingin niya kay Ethan at tinanguan ito. Suminghap lamang ang kanyang ina at hindi na muling nagsalita.
Bumagsak ang mga mata ko sa paanan ko. Madiin kong nakagat ang aking labi. Alam ko na ang ibig sabihin nito. Alam ko na, sa mga tingin pa lang nila. Hindi nila ako gusto para sa anak nila. Lalo na ang kanyang mommy.
"I said I would bring her back. Let's talk later. Excuse us." umalingawngaw sa living room ang mabigat na boses ni Ethan. Kung hindi ko pa narinig ang padabog na sarado ng pinto sa kotse ay hindi ko pa mapapansin na nandito na kami sa loob.
Tahimik lang siyang nagmamaneho. Malalim na ang gabi kaya naman tanging ilaw na lang sa kotse ang nagsisilbing liwanag sa madilim na daan. I clenched my fist. Kanina pa ito nanlalamig. Hindi ko alam na ganito ang pakiramdam kapag nakipagtagpo sa parents' ng iyong boyfriend. Hindi ko alam na ganito nakakakaba at nakakababa.
I don't usually shut up when I feel like I'm being stepped down. Pero iba yung kanina, ni hindi ko mabuksan ang aking bibig. Talagang nanigas ako sa engrandeng salubong ng kanyang ina.
Bumaling ang tingin ko kay Ethan na hanggang ngayon hindi pa rin nagsasalita. Nakakunot lang ang kanyang noo habang nakatuon ang buong atensyon sa daanan.
Kita ko rin na kakaiba ang paghawak niya sa manibela. Mas mahigpit ito ngayon kumpara noon na kalmante lang siya. Hindi ko alam kung dapat ba akong magsalita o may karapatan pa ba ako magtanong.
Kapag ba hindi ka nagustuhan ng magulang ng minamahal mo ay kailangan niyong tumigil para sa kanila? Hindi ko alam. Unang boyfriend ko si Ethan. Kaya ito rin ang unang pagkakataon na ipinakilala ako bilang girlfriend ng isang lalaki.
Naisip ko, ano kaya ang magiging kinalabasan kung hindi sinabi ni Ethan ang totoo. Kung sinabi niya lang na magkaibigan kami? Mas magiging mabait ba sila? Mas maayos yung turing sa akin? Pero kahit hindi naman sabihin, malalaman at malalaman pa rin yun.

BINABASA MO ANG
Lost (Salazar Siblings Series #1)
RomanceThe original plan was to make Ethan Adrian Salazar fall for her. Unfortunately, she was dumped. But Natalie Chase Alejo will never give up. Kaya naman nang matupad na ang kaniyang pinapangarap ay abot langit ang kaligayahan niya. Hindi niya lubos ma...