KABANATA 22

3.1K 80 1
                                        

KABANATA 22

diba ganito


"Miss, pwede na po kayong kumain ng lunch." Napatingin ako sa butler na lumapit sa akin. Siya yung butler na nasa kusina. Kasalukuyan akong nanonood ng TV sa kanilang living room. Kakagising ko lamang, pagkababa ko ay dito ako dumetso.

"Si Ethan po?"

"Maaga po umalis. Tinutulungan ang mga trabahador sa pag proseso ng grapes na na-harvest." Marahan akong tumango. Sinundan ko siya sa dining table. Sobrang haba ng lamesang ito at halos mapuno 'to sa dami ng pagkain na mapag pipilian.

Umupo na ako at nagsimulang kumain. Habang kumakain ay napa-isip ako sa huling pag-uusap namin kagabi. Hindi na naman nasundan 'yon. Hindi ko alam kung galit ba siya sa akin ngayon dahil pakiramdam ko ay umiiwas siya.

Siguro nga may karapatan siyang magalit kung totoo ang lahat ng mga pinag sasabi niya. Pero kung binibilog niya lang ako? Baka mabaliw lang ako sa paniniwalang gusto niya nga ako pero sa totoo, hindi pala.

Matapos kumain ay dumeretso ako sa aking silid para mag-showe. Habang malakas na tumatama ang tubig na nanggagaling sa shower sa aking ulo ay muling nanumbalik sa akin yung mga pinag-usapan namin kagabi.

Sa totoo lang, pakiramdam ko ang sama ko. Ang sama ko dahil nakikita ko siyang nahihirapan. Nakikita ko siyang ginagawa ang lahat para lang mapaniwala ako. Pero kahit nandiyan na sa harap ko ang sagot, pilit ko pa rin nilalandas sa kabilang direksyon ang mata ko. Na para bang nabgbubulagbulagan kahit na malinaw ko naman ng nakikita.

Pinihit ko ang shower at marahang tumigil ang agos ng tubig nito. Kung noon ay nagdadalawang isip ako, ngayon mukhang malapit na ako makumbinsi. Konti na lang Ethan, malapit na akong bumigay. Hindi ko alam kung masisiyahan ba ako sa nararamdamang 'to o mas lalong matatakot.

Pinili kong mag-suot ng plain white v-neck shirt at denim shorts. Tinali ko rin ang mahaba kong buhok sa isang ponytail at sinuot ang Steve Madden Donddi Sandal na dala ko.

Pinihit ko ang doorknob at dahan dahang lumabas sa aking kwarto. Maraming mga silid sa hallway na 'to. Nasa ikalawang palapag ako, sa tingin ko ay siyam na kwarto ang narito. Sumilip ako sa ibaba upang hanapin ang mga butler ni Ethan, ngunit wala akong natagpuan. Siguro ay nasa labas silang lahat?

Nagkibit balikat ako bago tumuloy maglakad sa mahabang hallway ng mansion na ito. Isang dark, distressed, vintage wooden floor ang kanilang sahig, samantalang puting puti naman ang kulay ng kanilang dingding.

Namataan ko ang pamilyar na pintuan ng kwarto ni Ethan. Medyo nasa dulo ito ng hallway at nasa tagong lugar. Walang katapat na pinto ang kanyang kwarto, hindi katulad sa iba na magkakatapat.

Hindi ko alam kung bakit ako nagawi dito. Marahan kong pinihit ang doorknob at dahan dahang pumasok sa loob nito. Malaki ito kumpara sa kwartong tinutuluyan ko. Mayroong queen-sized na kama, malawak na balcony na may double, glass doors. Luminga ako sa kabilang banda at doon natagpuan ang tatlo pang pinto. Sa dulo ay ang bathroom dahil sa ito ang nag-iisang kulay puti. Ang sumunod ay sa palagay kong walk-in closet niya. At ang pang huling pinto ay kamukha lamang ng itsura ng mga pintuan na nasa labas.

Dahan dahan akong lumakad papalapit rito. Ano kaya ang nasa loob nito?

Hindi ko alam kung tama ba itong ginagawa ko. Maaari na ba akong makasuhan ng invasion of privacy? Wala naman akong partikular na dahilan kung bakit ako pumasok sa kwarto niya at kung bakit ko gustong silipin ang kakaibang pintuan na ito. Siguro ay dahil lang sa kuryosidad?

Lost (Salazar Siblings Series #1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon