KABANATA 26

3.1K 61 0
                                        

KABANATA 26

Natalie's not my girlfriend


"Hey." tinignan ko ang isang pamilyar na boses.

"Huy." sabi ko sabay ngiti sa kanya.

"Kamusta?"

"Mabuti naman. Ikaw?" balik tanong ko sa kanya saka sinubo ang burger na inorder ko.

"I'm good." Sagot niya sabay ngiti.

"Saan ka nag bakasyon?" muli niyang tanong kaya naman napatingin ako sa kanya.

"Dito lang din sa Cebu." sagot ko at dahan dahan siyang tumango.

"Ikaw?"

"Hindi ako nag bakasyon. I was busy helping the hospital." matipid siyang ngumiti.

"Ohh? Ano ginawa mo doon?" tanong ko nang may paghanga sa aking boses.

"Hmm, madami. But most of the time nasa office lang ako ni dad. He's teaching me the basic things, how to run the hospital, how to handle the employees and how to be an effective doctor." tumango tango ako sa kanya at napa-isip. Ang seryoso naman ng buhay niya. Bata pa siya pero hinahanda na siya ng mga magulang niya para sa hinaharap.

"Is your dad forcing you? or you're doing that because you want to?" tanong ko nang may pagdududa ngunit marahan lang siyang tumawa.

"Nah. I want this. Dad may look be tough but if I don't like something, he wouldn't force it to me. He's very supportive in everything I do." makahulugan niyang sagot, muli lamang akong napatango.

"I see." tugon ko at ngumiti.

"By the way, the last day we saw each other..." panimula niya.

"Were you mad because Ethan saw us?" mahina niyang tanong ngunit sinagot ko agad ito ng pag-iling.

"Nope! It's okay. Okay na kami." masigla kong sagot at doon naman kumunot ang noo niya. Para bang punong puno ng tanong ang mga mata niyang nangungusap sa akin.

"You mean... kayo na?" pag-aalangan niyang tanong.

"Yup!" masaya kong sagot. Marahan niyang kinagat ang kanyang labi at nag-iwas ng tingin.

"I'm happy for you." he said without looking.

"Thank you!" sabay kagat sa natitirang burger. Tumayo ako at nag-ayos ng gamit.

"Hindi ka pa papasok sa klase?" pagtataka ko sa kanya na kanina pa natigilan at natahimik.

"Una ka na." matipid siyang ngumit habang hindi pa rin ako tinitignan. Tumango lang ako agad na siyang tinalikuran. Kinuha ko ang aking cellphone at nag-tipa ng text.

[me]

Coleen, where the hell are you?

Lunes na at pasukan na naman. Ngunit hindi ko man lang nakita ang anino ni Coleen sa school. Maaga rin ang lunch break dahil substitute teacher lang ang tumungo sa klase namin kay sir Navarro. Pareho silang wala ngayong araw.

Nagkibit balikat akong bumalik sa silid ang ginugol ang natitirang mga oras sa pakikinig ng mga lectures. Nang matapos ang klase ay agad akong nag-tipa ng text kay Ethan.

[me]

I'm done!

Papalabas na ako ng building nang biglang tumunog ang aking cellphone.

Lost (Salazar Siblings Series #1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon