KABANATA 25

3K 71 0
                                    

Warning: SPG

-

KABANATA 25

she's with me


Nagmamadali akong sinundan siya. Bitbit ko ang aking bag. Nang maramdaman niyang nakasunod ako ay pinatunog niya ang kotse upang mai-lock ito.

Dire-diretso siyang nagtungo nang namataan ang malaki bato ay umupo habang nakatitig sa kanyang cellphone. Tahimik ko lang siyang sinundan at pinagmasdan.

"The fuck?" rinig ko ang maririin niyang mura habang nakatuon ang buong atensyon sa kanyang cellphone. Ibinaba ko ang bag ko katabi ng batong inuupuan niya.

Napakagat ako sa aking labi nang lumipas ang sampung minuto na hindi niya pinapansin ang presensya ko.

Bahagya naman akong napatingin sa paligid nang may dumating na grupo ng magkakaibigan na malakas na nagtatawanan. Walang tao nang dumating kami dito kaya naman naiirita kong kinuha ang bag na nilapag ko at nagtungo sa kabilang dulo upang doon ma-upo.

Nag-abot ang tingin namin dahil alam kong napansin niyang umalis ako sa tabi niya ngunit inirapan ko lamang siya at umiwas ng tingin.

Pinagmasdan ko ang pagbagsak ng tubig mula sa tuktok. Napakanda ng tanawin na ito. Sobrang linis at linaw ng tubig. Pinilit kong kalimutan ang iritasyon na nadarama at mariing pumikit. Naramdaman ko ang malakas na paghampas ng hangin sa aking balat. Noong medyo humupa ito ay napagdesisyunan ko ng maligo.

Naiinis ako! Naiinis ako sa kanya dahil hindi ko siya maintindihan. Kung sana sinasabi niya sa akin kung ano yung problema niya hindi yung basta basta na lang niya akong iisnabin! Ginagawa ko naman ang lahat, nagpapaka sweet ako para maiparamdam na mahal ko siya. Kahit hindi ko pa sinasabi ay dapat nararamdaman niya yun! Hindi yung lagi na lang niya akong pagbibintangan na may ibang lalaki. Nakakainis talaga!

Padabog kong hinubad ang shorts at t-shirt na suot ko. Tinupi ko iyon ng maayos at nilagay sa bag upang hindi mabasa. Kasalukuyan akong naglalakad papunta sa may tubig. Isang one-piece white cami bathing suit ang suot ko, at mataas kong nilagay sa isang bun ang buhok ko.

Naramdaman ko ang lamig ng tubig sa aking mga paa. Bahagya akong tumigil nang lumebel ang tubig sa ilalim ng aking dibdib. Ngayong naramdaman ko na ang tubig ay medyo humupa ang iritasyon na nararamdaman ko. Palihim ko siyang sinulyapan sa pwesto niya kanina at kitang kita ko ang pag-igting ng kanyang panga habang malalim na nakatitig sa akin.

Nag-iwas ako ng tingin at tinalikuran siya. Marahan kong nilaro ang tubig at napagdesisyunan na lumangoy. Dahan dahan kong nilubog ang aking ulo at lumangoy papunta sa pinagbabagsakan ng tubig.

"Oops." agad kong inangat ang ulo ko nang may matamaan ang kamay ko.

"Sorry." mabilis kong sabi nang makitang isa ito sa grupo ng magkakaibigan na dumating kani-kanina lang.

"It's not a big deal." ngiti niya at ngumiwi lamang ako. Nahimigan ko ang kakaibang diin sa ingles nito. Pansin ko rin ang magulo at kulay blonde niyang buhok na saktong sakto sa matangos niyang ilong. Banyagang banyaga. Tinalikuran ko na siya upang bumalik ngunit marahan niyang hinawakan ang braso ko.

"I'm Dean by the way. You?" pakilala niya. Huminga ako ng malalim nang mapagtanto hindi na ako makakawala.

"Natalie." tipid akong ngumiti ngunit mas lalo lamang lumawak ang sa kanya.

"Are you alone?" tanong nito.

"Ahm—" Medyo nag-alinlangan akong sumagot dahil wala naman sa tabi ko si Ethan. Pero sasabihin ko pa rin na hindi ako mag-isa.

Lost (Salazar Siblings Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon