KABANATA 42

3.2K 63 1
                                        

           

KABANATA 42

dean lockwood


"This is a good proposal, Ms. Alejo." ana ng Chief Executive Officer habang nilalaro ang kanyang mga daliri sa kanyang baba.

Pare pareho man silang mga amerikano, ay mas litaw ang itsura ng lalaking ito. Sa kulay blonde nitong buhok, kakaibang tangos ng ilong at kulay abo na mga mata, hindi alintana na makisig pa rin ito sa kanyang edad. Matipid akong ngumiti at pinagpatuloy ang aking sinasabi.

"This is the final construction plans that show the building's appearance and details for its construction. Accompanying these plans are drawings of the structural system; air-conditioning, heating, and ventilating systems; electrical systems; communications systems; plumbing; and, possibly, site and landscape plans— "

Nakita ko ang pagtango-tango ng board members habang nakatuon ang buong atensyon sa naka flash sa projector screen. Matapos kong magpaliwanag ay sumunod naman ang mga interior designers, at pang huli ang engineer.

Sabay sabay nilang sinarado ang kani-kanilang laptop at folder na hinatag namin kanina at saka nagsi-tayuan. Nagsimula silang makipag kamayan sa isa't-isa, inilahad nila ang kamay sa aming engineer, interior designers at pati na rin sa akin.

"Very well, Ms. Alejo. I'm looking forward to working with you. You got the deal." ana ng CEO.

"Thank you so much, Mr. Lockwoord!" masiglang sagot ko at tumango lamang ito bago umalis.

Bumuntong hininga ako nang mawala sa paningin ko ang matatangkad na lalaki at masigla kaming nagtinginan ng mga kasamahan ko.

"We got the deal!!!" masayang sabi ng aming engineer na si Jesse. Nag apir naman ang dalawang interior designers na si Ashley at Brianna. Pareho silang Amerikana. Nginitian ko naman sila at sabay sabay kaming lumabas sa conference room.

"We're going to have lunch, how 'bout you guys?" tanonng ni Ashley. Tinaas naman ni Jesse ang kanyang kamay.

"We're good! See you later." sabi ni Jesse sa kanila at tumango naman ang dalawang babae. Natatawa ako nang lingunin siya.

"Jesse Mendez! You're clearly aware that Ashley likes you, right? Bakit hindi mo paunalakan ang imbitasyon niya at mag lunch date kayo!" pang-aasar ko sa kanya habang tintahak ang daan patungo ang kabilang elevator dahil ayaw niyang makasabay ang dalawa.

"No, no, no, no! No way! Are you insane, Natalie? Alam mo naman ang gusto ko noh!" umiiling-iling pa 'to at sinuklian ko lamang siya ng tawa.

Hindi malabong magkagusto ang mga babae dito sa kanya. Sa tingin ko ay kahit mismong mga babae sa atin ay mabibighani dahil wala sa itsura niya na lalaki ang hanap niya.

Matangkad si Jesse, itim ang kanyang buhok at maputi siya. Malaki din ang katawan niya, dinagdagan pa na lagi itong nakasuot ng corporate attire kaya naman mas lalong lumilitaw ang kakisigan nito.

Sakto namang tumunog ang elevator at iniluwa noon ang nag-iisang lalaki na sa tingin ko ay nakita ko na sa kung saan. Hindi nga lang ako sigurado, pero pamilyar siya.

Agad akong siniko ni Jesse nang mapansin niya ang lalaking blonde bago pumasok sa elevator.

"Going up or down?" nakangiti nitong tanong kay Jesse.

"Down!" agad na sagot nito samantalan umiling-iling lamang ako sa kanya dahil natatawa ako sa kalandian niya. Saka naman bumaling sa akin ang lalaki at kunot noo akong tinignan. Tinaasan ko siya ng kilay.

Lost (Salazar Siblings Series #1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon