SIMULA

11K 214 14
                                    

SIMULA


"Pwede ba kitang ligawan?" napakagat ako sa aking labi nang matigilan siya at napatingin sa akin. Bahagyang kumunot ang noo niya bago nagsalita.

"Bakit ikaw ang nag tatanong niyan?" masungit niyang tanong habang naka tingin pa rin ng seryoso sa akin.

"Kasi, ako lang naman yung may gusto." Tumungo ako. Nakakahiya! Hindi ko alam kung anong naisipan ko at dito ko pa naisipan gawin 'to. Pero... bahala na! It's now or never!

"Hindi pwede." walang pag-aalinlangan niyang sagot at saka ako nilagpasan at nagpatuloy sa paglalakad. Nanuyo ang lalamunan ko nang mabilis siyang naglaho sa harap ko.

Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa.

Hindi.

That is an understatement.

Kulang pa ang langit at lupa dahil baon na baon ako ngayon sa hiya. Ang kaninang grupo ng mga estudyante na nakiki-osyoso, ngayon ay wala na. Paano? Ang sagot lang naman ni Ethan Salazar ang hinihintay ng lahat. At ngayong narinig na nila na wala itong pinagkaiba, agad din naman silang lumisan na parang walang nangyari.

Nang masiguro kong wala na ang lahat, agad kong inayos ang sarili ko at tinali ang buhok kong lagpas ang haba sa aking dibdib. I got dumped okay? Nagmukha akong kaawa-awa doon. Di bale, simula pa lang 'to. Kung hindi ka makukuha sa santong dasalan, dadaanin kita sa santong paspasan.

Huminga ako ng malalim at palihim na ngumisi. Akala siguro nila ito na ang una at panghuli.

But no. Hindi ako susuko. Ako? Susuko? Nagpapatawa ba sila?

I am Natalie Chase Alejo for a reason.

"Hi Ethan!", masigla kong bati nang hindi nababatid ang nangyari noong nakaraang linggo. Lunes ngayon at makalipas ang dalawang araw na pahinga ay heto na naman ako.

Tinitigan niya lang ako na para bang nagtatanong kung may kailangan ba ako sa kaniya. This is my second year in high school. Third year siya at kasabay ko ang kapatid niyang si Coleen. Simula pa freshmen silang nagsimula rito. Pero ako, kaka transfer ko lang ngayong taon.

"A-ah, Natalie—"

"Aly." Putol ko sabay ngiti ko doon sa katabi ni Ethan na sa tingin ko ay classmate niya dahil parati silang magkasama. Nakasuot ito ng makapal na eye glasses habang nahihiyang tumungo nang ngitian ko siya.

"A-aly. Ano, kasi, pasensya na busy kasi si Ethan. Kaya siya ganiyan.", medyo nauutal na sabi noong lalaking katabi ni Ethan. Malawak pa rin ang aking ngiti at hindi pinansin ang sinabi ng kaniyang kaibigan.

"Kumain ka na?", muling bumaling ang atensyon ko sa kaniya. Kasalukuyan siyang nagbabasa ng libro. Pinagmasdan ko ang cover nito at namataan ang title na nakalagay.

"PS. I love you by Cecelia Ahern?! Nabasa ko rin iyan. Maganda diba? Pero nakakaiyak." muli kong pagsasalita. Nakita kong lalo niyang itinago ang mukha niya sa likod ng libro.

Tumikhim na lamang ako at napa iling ng aking ulo. Grabe ka Ethan!!! Hindi ko lubos akalain na ganito mo ko iisnabin.

"Sige, una na ako." paalam ko at tumango naman yung kaklase niya. Tinignan ko siya na wala pa ring imik bago lisanin ang table na inuupuan nila sa library.

Lumipas ang isang linggo at ganoon pa rin ang nangyayari. Mukha na akong stalker kakahabol sa kaniya araw-araw. Siyempre, hindi ako stalker. Pero dahil memorize ko ang schedule niya at kung saan siya tumatambay kapag break time, nagkakataon na naroon din naman ako.

Lost (Salazar Siblings Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon