KABANATA 46
be my lover
"My God, Jess! I can't believe him! Mag-iisang linggo na ako dito sa mansion nila ay ni anino niya ay hindi ko na ulit nakita!" reklamo ko kay Jesse na kausap ko sa skype. Agad namang natawa ang bakla.
"Nako, baka may iniiwasan. Hahahaha!" humalakhak siya. Sinusuklay ko naman ang basa kong buhok dahil kakatapos ko lamang maligo.
"Iniiwasan? Ako? Eh kung ganoon sana ay naghanap na lang sila ng ibang architect!" muli kong sabi at wala na akong narinig kundi ang pagtawa at pang-aasar niya.
Na-kwento ko kasi sa kanya ang mga nangyari noong unang gabi kaming magkita ni Ethan. Sa tingin niya daw ay galit iyon sa akin kaya ganoon ang mga sinabi.
Kumbaga kahit na wala na daw itong nararamdaman ay, galit pa rin daw iyon sa nagawa ko noon. Para sa akin, okay lang naman kung galit siya. Kung gusto niyang ilabas yung galit niya, sige buong puso kong tatanggapin.
Ang hindi ko maintindihan ay ang bigla bigla niyang pagkawala. Ang sabi ni Mr. Salazar na ngayon ay nasa Europe ay hintayin ko lang daw ang pagbabalik ni Ethan. Baka daw ay may inasikaso lamang sa Manila.
Ang sa akin naman ay, sana bago siya umalis ay binilinan na niya ako ng mga plano niya tungkol sa designs na gagawin ko. Ngayon hindi ko tuloy matapos tapos yung trabaho ko dahil hindi malinaw sa akin kung ano ba talagang gusto nilang mangyari.
"Nako Aly, sa tingin ko ay inuuwian niya 'yong asawa niya na nandoon sa Manila." sabi ni Jess kaya naman napa-isip ako. Oo nga ano, baka nandoon ang talagang bahay nila at gumagawi lamang siya dito kung may gagawin sa negosyo.
Mas lalo naman akong nawala sa mood ng araw na 'yon. Dahil hindi mawala sa isip ko ang sinabi ni Jesse. Ano naman kung inuuna niya yung asawa niya? Natural lang 'yon, Aly! Dahil asawa niya 'yon. Mas uunahin niya 'yon kesa sa'yo. Empleyado ka lang niya, at kliyente mo lang siya.
Padabog akong bumaba sa hagdanan nilang pagka luwag luwag nang may marinig akong boses na sa tingin ko ay nanggagaling sa sala.
"Seriously dude, what are you doing here?" ani ni Ethan sa kanyang kausap.
Naagaw ko ang atensyon nila nang tuluyan akong makababa at nalaglag ang panga ko nang muli kong makita si Dean at ang kulay dilaw niyang buhok.
"Oh! Hi, aly!" agad niyang sabi at dali daling lumapit sa akin sabay hila sa braso ko.
"Ethan, this is Aly—"
"I know." malamig na tugon ni Ethan habang matatalim ang titig sa kamay ni Dean na nakahawak pa rin sa braso ko. Humalakhak lamang si Dean at hindi pinansin si Ethan.
"Well, I know that you knew each other. Remember that day in Kawasan? Magkasama kayo, right? Pero alam ko ring matagal na 'yon at marami ng nangyari. I was just telling you na siya ang dahilan kung bakit ako nandito." nakangising sabi ni Dean habang hindi iniinda ang matatalim na titig ng kanyang pinsan sa kanya.
"Ah, Dean. May trabaho kasi ako dito, diba?" mariin kong saad sa kanya habang tinagilid ko pa ang ulo ko para pag dilatan siya ng mata. Ngunit imbes na bitawan niya ako ay umangat lamang ang kamay niya sa balikat ko at kinabig ako malapit sa kanyang katawan.
"Yeah, I know. But I'm sure I can talk to my cousin 'bout that. Right cuz?" napatingin naman ako kay Ethan na sobrang dilim na ng mukha.
"Magkakilala kayo." aniya. Hindi siya nagtatanong o kung anuman. Magsasalita na sana ako nang maunahan ako ni Dean.

BINABASA MO ANG
Lost (Salazar Siblings Series #1)
RomantikThe original plan was to make Ethan Adrian Salazar fall for her. Unfortunately, she was dumped. But Natalie Chase Alejo will never give up. Kaya naman nang matupad na ang kaniyang pinapangarap ay abot langit ang kaligayahan niya. Hindi niya lubos ma...