KABANATA 14

3.4K 85 3
                                        

KABANATA 14

selos lang 'yan


"Huy Aly, narinig mo ba?" Napakurap ako ng ilang beses bago tignan si Coleen at ang iba pang mga kaklaseng tila naghihintay ng sagot ko.

"Ano?" wala sa sarili kong tanong at narinig ang bahagyang pagtawa ng karamihan. Napansin ko naman ang pag kunot ng noo ng guro na nasa harapan. Si Sir Navarro.

"Ms. Alejo, ikaw ang ilalaban para sa ating darating na Math Quiz Bee." pag-uulit ni Sir. Dahan dahan lang akong tumango nang wala sa sarili.

"Ka partner mo ang nasa kabilang section na si... Mr. Dela Vega." dagdag nito. Tumango lang ako bilang sagot habang naririnig ko ang pag-aalburoto ng aking mga kaklase. Narinig ko pa ang ilang paalala ni Sir Navarro sa aming klase bago niya kami pinakawalan.

"Class dismissed." Yun ang hudyat na makakahinga na rin ako ng maluwag sa wakas.

"Aly, ano bang nangyayari sa'yo?" nag-aalalang tanong ni Coleen habang patungo kami sa Cafeteria.

"May sakit ka ba?" dagdag pa niya at mabilis na nilagay ang kanyang palad sa noo ko. Umiling lamang ako at binigyan siya ng isang pilit na ngiti.

"Okay lang ako." 'yon lang ang tangi kong sinagot na nagpa iling sa kaniya.

"Hay nako Aly, akala mo ba hindi ko alam?" nahimigan ko ang pagbabanta sa kanyang boses nang makaupo kami sa usual na pwesto sa cafeteria.

"Ilang araw ka ng ganyan. Hindi pa ba kayo nakakapag-usap?" mas lalong kumunot ang noo ko at nagpanggap na walang narinig.

Pagkatapos kong malaman kay Zac na si Katerina ang lumabas sa kotse ni Ethan ay agad akong bumalik papuntang parking. Nag-alok si Zac na ihatid ako at wala na kong nagawa kundi pumayag. Hindi naman siya nagtanong kung anong nangyari. Duda ako kung alam niya ba ang relasyon sa pagitan namin ni Ethan. Pero malaki ang naitulong na nandoon siya nang masaksihan ko iyon. Hindi ko alam ang gagawin ko kung ako lang ang mag-isa.

"Aly, walang mangyayari kung magpapataasan kayo ng pride." muling sabi ni Coleen sabay subo sa burger na inorder niya. Hindi ito dahil sa pride.

"Edi wala." 'yon lang isinagot ko na muling nagpa-iling sa kaniya.

"Selos lang 'yan." naka ngising sabi ni Coleen at agad ko siyang sinimangutan.

"Ano bang alam mo?" hindi ko nakwento sa kaniya ang buong istorya. Pero maaaring nakwento sa kaniya ni Ethan ang buong pangyayari.

"Natamaan ka ng bola last Friday diba?" pag sisimula niya. Tumango lang ako.

"Tapos, binuhat ka ni Zac diba?" dagdag niya at dahan dahan akong tumango. Ayan yung kinwento ko sa kaniya bakit niya pa inuulit?

"Nandoon si Ethan." marahas akong napalingon sa kaniya. Aamba sana akong magsalita pero nawalan ako ng boses. Nanatiling naka bukas ang bibig ko nang tinuloy niya ang kaniyang sasabihin.

"Nakita ka niya, kayo actually. Siya sana ang pupunta sa'yo pero naunahan siya ni Zac.", kibit balikat na kwento ni Coleen.

"Tapos?!"

"Tapos, ano bang nangyari Aly. Hanggang doon lang ang nakwento mo." sabay ngisi niya. Napaisip ako. Ang babaw mo naman Ethan kung 'yon ang dahilan! Kung sana sinundan niya ako sa clinic diba?

"Susundan ka niya sana..." muli akong napatingin kay Coleen. Mukhang nabasa niya ang iniisip ko. Hinintay ko kung ano pa ang kaniyang sasabihin.

Lost (Salazar Siblings Series #1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon