KABANATA 19

3.4K 80 0
                                        

KABANATA 19

just friends


"Saan tayo?" tanong ko nang makarating sa lugar na halos hindi ko makilala. Napako ang mga mata ko nang mahagip ng paningin ko ang malaking signage na may nakalagay, Plantación de hacienda Salazar.

Tinuon ko ang buong atensyon sa malawak na lupaing dinadaanan namin. Kung kanina ay mabilis ang kanyang pagpapatakbo paalis sa aming pinanggalingan, ngayon meydo bumagal at naging marahan ito.

"Ang ganda." wala sa loob kong sabi habang nakatingin pa rin sa labas ng bintana. Papalubog na ang araw kaya naman sobrang ganda sa paningin makita ang nag-aagaw kulay ng kahel at pula. Humahampas sa mukha ko ang malamig na simoy ng hangin habang tahimik na pinagmamasdan ang kagandahan ng tanawin sa labas.

Sobrang tagal ko ng hindi nakapunta dito. Kaya naman halos hindi ko na makilala ang itsura ng kanilang lupain. Mga bata pa kami nang huli kong nakita ito at sigurado akong hindi 'to ganito kaganda noon. O hindi ko lang gaanong na-appreciate noon dahil nga parati ko namang nakikita.

"We're here." mahinang sambit ni Ethan nang tinigil niya ang makina ng sasakyan sa harap ng isang malaking bahay. Halos dalawang oras na byahe din ang inabot namin mula Cebu City papunta dito sa Sibonga. Kaya naman hindi nakapagtataka ang pagkuha niya ng condo doon sa siyudad. Isang lalaking naka uniporme ang lumapit sa kanyang pinto nang buksan niya ito.

"Salamat butler Royce." ana niya sa lalaking matikas at naka suit na may ribbon na kulay navy blue. Inabot niya ang susi ng kotse sa lalaking ito.

"Nakahanda na po ang mga silid, young master." Marahang tumango si Ethan at saka kinuha ang mga kamay ko.

Nalula ako nang makapasok kami sa loob. Hindi lang ito isang malaking bahay, masyon ito. Halos walang pinagbago ang loob. Mabilis na nanumbalik ang mumunting ala-ala na mayroon ako sa bahay na 'to. Dito ako madalas pumunta noong grade 4 ako. Hindi pa ito ganoon kalayo sa aming bahay. Mga kalahating oras lang mula sa dati naming bahay ay makakarating na ako dito. May clinic kasi sila daddy malapit sa hacienda ng mga Salazar. Iyon din ang isa sa mga dahilan kung bakit nagkakilala ang aming mga magulang.

Mabait ang tatay ni Ethan sa pagkakaalala ko. Malaki ang tiwala niya sa aking daddy dahil dito niya pinapatingin ang mga hayop na kanilang pagmamay-ari. Isang veterinary doctor ang daddy ko samantalang si mommy naman ay isang veterinary nurse.

Ngunit nang magkasakit ang lola na nasa States, hindi nagdalawang isip si daddy na isara ang Clinic at ibenta ang aming lupa sa pag-aakalang matatagalan kami bago bumalik. Natagalan nga kami. Umabot ng isang taon bago ako muling bumalik. Kaya naman ang bahay na tinitirhan namin ngayon ni mommy ay medyo kalayuan na kumpara sa bahay namin noon na malapit lamang sa clinic.

Nilapag ng isa pang butler ang dalawang juice sa harap ko. Mayroon din itong kasamang chocolate mousse cake na hugis tatsulok ang pagkakahiwa.

"Kumain ka, Aly." rinig kong sabi ni Ethan habang pinagmamasdan ako.

Malawak ang kanilang living room. Mayroong dalawang butler na nasa labas ng pinto, mayroon ding dalawa na nasa loob ng pinto. Double doors ang pintuan kaya naman nasa magkabilang dulo ang mga ito. Iba pa yung butler na naghatid ng aming pagkain na sa palagay ko ay nasa kusina naka lugar.

"Sabay tayo..." mahina kong sabi at tumango lamang siya. Hindi ko mabas ang eskpresyon ng mukha niya. Hindi siya galit, pero seryoso siya. Hindi rin siya nakikipagbiruan tulad noon.

"Hindi mga butler ang mga nagsisilbi sa inyo noon ha..." panimula ko. Mga babaeng maid sa pagkakaalala ko ang naninilbihan sa kanila noon.

"Pinapalitan ko." maikli niyang tugon sa may marahang dila sa tinidor na ginamit pagsubo ng cake. Napalunok ako at nag iwas ng tingin.

Lost (Salazar Siblings Series #1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon