KABANATA 50

4.4K 65 0
                                        




KABANATA 50

I lost


"Who's this?" nag tipa ako ng reply sa hindi pamilyar na numero. Naramdaman ko ang pagdausdos ng kamay ni Ethan sa may beywang ko kaya agad ko ni-off ang phone ko.

"Sino yun?" Nagkibit lamang ako ng balikat bago siya sinagot.

"Spam message." matipid kong tugon at tumango lamang siya at saka tumayo na.

"Istorbo." sabi niya bago nagsimulang maglakad.

"Saan ka?" nakanguso kong tanong sa kanya.

"Sa kwarto tayo, baby." sabi niya habang natatawa. Naningkit ang mga mata ko sa itsura niya.

"Ewan ko sa'yo!" sabi ko pero sinundan din naman siya.

Wala kaming ginawa simula kagabi hanggang ngayong buong araw kung hindi mag- usap ng kung ano ano. Apat na taon din ang lumipas kaya naman apat na taon din ang haba ng hindi namin matapos tapos na kwentuhan.

"By the way, akala ko si Katerina ang pinupuntahan mo kapag nag pupunta kang Manila. Bakit hindi ka na pala bumalik doon?" tanong ko nang may bahid ng pagtataka.

Tinignan ko siya nang bahagya siyang natigilan. Parang nag- isip pa siya ng kung anong sasabihin sa akin bago niya ako sinagot.

"I go there for weekly check- ups..." sagot niya. Kumunot ang noo ko. Check up? I thought he's completely healed.

Umayos ako ng pagkaka upo para harapin siya ng maayos. Nandito kasi kami sa kama niya at nakasandal ako sa bisig niya habang nilalaro naman niya ang mga hibla ng buhok ko.

"What for?" nag-aalangan kong tanong. Ngunit hinila niya lang ulit ako dahilan kung bakit ako bumalik sa posisyon ko kanina.

"Well, successful ang surgery, oo. But my doctor clearly told me to continue doing physical exams and check-ups for the next five years pagkatapos ng surgery. Para daw mabantayan ang epekto nito sa akin at maagapan kung may anumang signs na bumabalik yung sakit ko.", paliwanag niya.

Wala akong nahimigan na pagka lungkot o pagka bahala dito. His voice sounded like a lullaby to my ears, as if he's saying something to make me fall asleep.

"I thought sa Dela Vega Hospital ka..." muli kong tanong.

"Yup. Yung branch nila sa Manila. Yung doctor ko, si Dr. Gonzaga ay na promote bilang Chief Doctor kaya nalipat siya doon. He doesn't mind na siya pa rin ang tumingin sa akin kaya I go there two to three times every month...", tumango ako kahit na hindi niya ito nakita.

Ang daming nangyari sa kanya. And all those things happened nang wala ako. He suffered because of his condition. He suffered for the past four years on his own.

Of course, nandiyan ang parents niya. But I wonder how different the situation would be kung hindi ako umalis. Kung hinintay ko siya? Kung naging maka sarili ako? I don't know.

Baka natuloy ang paglalayas namin at mas lalo lang lumala ang sakit niya. Mas hindi ko kakayanin yun. Nandoon nga ako sa tabi niya, pero nakikita ko naman siyang naghihirap at walang magawa para mawala yun.

No, I cannot do that. I keep wondering what I could have and could have not done for the past years but one thing's for sure, I don't regret those decisions in my life. I shouldn't. Those decisions made me who I am today. It was tough, but I did it.

"What happens in five years?" muli kong tanong.

"Hmm, sabi ni doc, when there are no signs of leukemia for five years then I can finally say that I'm completely healed. I am cured." para akong nabunutan ng tinik nang marinig 'yon.

Lost (Salazar Siblings Series #1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon