KABANATA 12
worth the wait
Hindi kayang makita ng mga mata ko kung gaano kabagsak ang itsura niya ngayon, kaya naman hindi ko na napigilan ang pag higit ko sa kamay niyang nakahawak sa kamay ko at mahigpit siyang niyakap. Kitang kita ko kung paano namilog yung mga mata niya sa ginawa ko. Nakapatong ngayon ang baba ko sa balikat niya habang marahang hinahaplos ang kaniyang likod.
"Ethan...why are you like this? Okay ka lang ba? May problema ba?" marahan kong tanong.
Iba ang pakiramdam ko sa mga ikinikilos niya. Para siyang may mabigat na dinadala. Ayoko siyang biglain kung ano man ang pinagdadaanan niya ngayon. Hindi ko siya pipilitin kung ayaw niyang sabihin sa akin pero gusto ko lang maramdaman niyang nandito lang ako para sa kaniya. At... hindi ko siya iiwan. Hindi na.
"I'm okay, now. Please don't get tired of me." tanging saad niya at saka ko narinig ang malungkot niyang pag tawa. Dinamdam ko ang dahan dahan niyang paghaplos niya sa buhok ko.
"I won't..." mahina kong tugon.
"I really like you, Natalie Chase." Sandali akong natigila sa paghaplos sa kanyang likod. Para akong nanigas sa biglaang pag amin niya. Parang may kakaiba akong naramdaman sa mga salita niya ngayon. Parang totoo...
"I like you so much that it's driving me crazy whenever I'm not with you." dagdag pa niya. Matatamo sa seryoso niyang boses ang panghihina sa huling pangungusap na sinabi niya. Hindi ko alam kung maniniwala ako. Gusto kong maniwala pero ayokong magpadala sa aking nararamdaman. Kumalas siya sa pagkakayakap at maingat na inangat ang ulo kong nakatungo. Mula sa malalalim niyang tingin ay nagmistulang umamo ang kanyang mukha.
"Do you like me, Aly?" sandali akong napalunok at bahagyang kumalabog ang dibdib ko.
Napangiwi ako nang maalala ang mga ginawa ko noong nakaraang taon. Dapat ramdam na niya 'yon noon pa lang. Hindi ako mag-aaksaya ng panahon sa kaniya kung hindi siya espesyal para sa akin. Akala ko naglaho na ang lahat nang 'yon nang matagpuan ko sila ni Apple. Hindi pala.
"Sa tingin mo, bakit kita hinabol habol noong nakaraang taon?" pagbabalik ko ng tanong at saka nag iwas ng tingin. Hindi ko kaya. Hindi ako pwedeng magpadala sa aking emosyon. Baka nabibigla lang siya. Akala niya gusto niya ako dahil alam niyang gusto ko siya pero hindi pala. Ako lang pala talaga ang may gusto.
"Magkaiba yun." tanging sagot niya sabay iling sa kanyang ulo.
"Bakit naman?" muli kong tanong. Walang pinagkaiba yun. Hindi ko lang maamin sa sarili ko noon dahil inis na inis ako nang iwasan niya ako. Akala ko ginagawa ko lang ang lahat para magpapansin. Pero totoo na pala. Totoo pala kaya ako tumigil. Totoo dahil hindi ko na kayang magpatuloy. Alam kong mas lalo lang akong masasaktan at mapapahiya.
"Dahil noong sinabi mo yun noon, ang hirap paniwalaan. Hindi ko kayang maniwala. Pero kung ngayon mo sasabihin, God, I'd give everything to be with you Aly." nanghihina niyang sabi.
Muli akong napangiwi. Hindi ako makapaniwala na tunay siyang umaamin ng nararamdaman niya sa akin. Kailan pa? Bakit ngayon lang niya ito ginagawa? Bakit hindi noon na mas malakas ang loob ko? Dahil mukhang hindi ko na kaya ngayon. Bigla akong natakot sumugal. Isang buntong hininga ang pinakawalan niya kasabay ng paglandas ng isang mapait na ngiti.
"Bakit hindi mo kayang paniwalaan yung noon?" muli kong tanong. Malungkot niya akong tinignan. Sobrang lungkot ng mga mata niya na para bang hirap na hirap siya sa nangyayari sa aming dalawa.
BINABASA MO ANG
Lost (Salazar Siblings Series #1)
RomanceThe original plan was to make Ethan Adrian Salazar fall for her. Unfortunately, she was dumped. But Natalie Chase Alejo will never give up. Kaya naman nang matupad na ang kaniyang pinapangarap ay abot langit ang kaligayahan niya. Hindi niya lubos ma...
